"Paano na lang kung napahamak ka sa tatlong nakaharap mo kanina?" sabi naman ni Eros.

"Can't you just be grateful na dumating ako? If I didn't, baka naghahanap pa rin si Aether hanggang nga— Aray ko!" I sent dagger glare kay Ares nang bahagyang diinan niya ang cut ko.

"Really, Phoebe? Dapat pa naming ipagpasalamat ang pagdating mo?" Kinuhang muli ni Ares ang baba ko ngunit tinabig ko na ang kamay niya.

"It's your whine that made me run, Ares!" inis na sabi ko. Can't he see? I'm worried to them. I'm worried to him.

"And why do you give a damn? You know that's nothing to me! I can bear brutality!" he brags at mas lalo lang akong nairita.

"'Pag ginusto kong puntahan ka, pupuntahan kita! 'Pag ginusto kong samahan ka, sasamahan kita!" Nauubusan na rin ako ng pasensya. Bahagyang bumuka ang bibig ni Ares at alam kong naghahanap siya ng sasabihin. Napatikhim sina Eros at Aether na siyang kumuha ng atensyon namin.

"I-iche-check ko lang 'yong deactivation sa laptop ko," sabi ni Aether. Sinarado na ni Ares ang kit at itinabi. Muli kaming nag-form ng circle sa table. Abala si Aether sa kanyang laptop at hinihintay namin siyang matapos. Kami lang ulit ang gagawa rito dahil abala pa rin si Prof sa Earth breathing potion na pinag-aaralan niya.

"Anong ginagawa mo, Aether?" inip na tanong ko.

"Hina-hack ko lang 'yong detector. Mababalewala ang pag-deactivate natin sa blocker kung wala naman tayong detector ng satellite," sabi niya nang hindi inaalis ang tingin sa laptop.

"Gaano katagal 'yan?" tanong ni Eros.

"There, done!" sabi niya at iniharap sa amin ang laptop. May nakita kaming bilog na bilog na may pagka-kulay orange, na may shade ng dilaw ang ibang bahagi.

"The actual image of Planet Eureia via satellite," he tells.

"Holy shit..." I gasp. "A-ang ganda." Hindi ko akalain na ganito ang magiging description ko sa planetang ito. Para siyang kumikinang-kinang.

"But its beauty won't be the reason para gustuhing iwan ang Earth," sabi ni Ares.

"Of course," sabi ko. Kahit gaano pa kaganda ang Planet Eureia, mas pipiliin ko pa rin ang manirahan sa Earth.

"Malalaman ba kung gaano kalayo ang Eureia?" Napatingin kami kay Prof na bagong dating at naka-lab gown pa. Naupo rin siya kaharap namin. Muling tumipa si Aether upang subukan. Ilang minuto rin ang ginugol niya para makita sa data kung gaano kalayo ang Eureia.

"Almost a light-year," sabi niya at napanganga si Jairah.

"Ganoon kalayo?" hindi makapaniwalang sabi nito. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang tinutukoy nila.

"Yes," kumpirma ni Aether.

"Limited lang ba ang control natin sa satellite?" tanong naman ni Eros.

"Oo. Hindi ko alam kung anong mga component ng satellite na 'to but this is just an imaging satellite flyby Planet Eureia," paliwanag ni Aether.

"We need to find ways para magkaraoon ng mas malawak na observation around Eureia. We need scientific data. Nang sa ganoon ay aware tayo sa mga nagbabadyang aberya sa pagdala sa atin doon. Masyadong malayo ang Eureia," sabi pa ni Prof.

"Let's ask NASA's help. Explain everything to them. They could let us use voyager," Eros suggested.

"Planet Eureia is almost approaching Oort cloud. Voyager will be useless kahit pa ito na ang pinakamalayong space probe. It just routes heliopause," naiiling na sabi ni Prof. Hindi ko sila masyadong maintindihan ngunit sa reaksyon pa lang nila ay batid kong hindi na ito maganda.

Eureia: The Undiscovered PlanetWhere stories live. Discover now