"sinabi mo ba na niyaya kita sa date?" tanong ko sakanya
"hinde eh!" huh ano ang sinabi niya kay Mina?
"Ano sabe mo sakanya?" tanong ko
"Sabe ko na tayo na for real! Pwera pa yung sa bet!" BOOM PANES! Kame na.... huh? Kame na????
"Sorry.. wala na talaga akong alam na dahilan. Na hot seat ako eh.. Kesa naman magalit kayo sa akin tatlo. Dahil pag nalaman niya na tinutulungan ko kayo magagalit yun sa akin at pag sinabe ko sakanya na tinutulungan ko kayo... magagalit rin kayo sa akin.. so no choice ako.. Sorry talaga James." explain niya sa akin, dahil binigyan ko siya ng 'huh? look' kaya bigla siyang nag-explain at nag-apologize.
"Okay lang.. pero baket di mo na lang iniwasan yung tanong nila?"
"Na-hot seat nga ako eh diba! NILA?? So tinanong ka rin ni Jeremy? Ano sinabe mo?"
"Kada tanong niya iniiwasan ko, tinatanong ko rin kung baket andito sila ni Mina!"
"So James, kailangan natin magpangap na tayo for 2 days!"
"2 days? Baket 2 days LANG----- I mean Baket 2 days?" na mental block ako, dahil sa mga nangyayare kaya na-iba ko yung tanong. hahahah
"Ngayong gabe at bukas! Kase bukas pagdating natin sa Baguio, sasabihin ko na agad kapag inabot niyo na yung regalo.. Kaya okay lang ba?"
"Ugh." tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko.. "sige sige! No choice! Pero ngayon tatawagin mo na akong BABY KO ah!"
'Sige Sige! No choice DIN!' sarcastic niyang sagot
*beep* *beep*
From: UNKNOWN
James! Nasan ka ba? Sabe ko diba magkita tayo after ng quiz bee! Baket di mo ako pinansin. Narinig mo ba yung sinabe ko sayo sa clinic... mahal pa din kita James!!
"Sino yan? Nag text na ba sina Mina? Anong Cinema daw?" tanong niya bigla.
"Hindi! Wala to! Siguro Wrong Send!" palusot ko sakanya, kahit alam ko talaga
"Speaking sa wrong send! Sino ba si Kate? Na-wrong send ka ata sa akin nung gabi na hinimatay ako."
*beep* *beep*
From: Mina
Cinema 4! 5:00 pm ang simula!
"Sina Mina nag-text na 5:00 daw ang showing!" sabay namin tiningan ang relo 4:30 na
"Halika na!" sabe ko agad sakanya!
Bigla kameng tumayo at sabay kameng lumabas. Dumiretso na kame sa 2nd floor para hanapin yung Cinemas..
YOU ARE READING
You + Me= Syntax Error
RomanceAko nga pala si James Nathan Angeles, ang top 2 sa batch namin. At si Belle Villanueva naman ang top 1. Hindi na bago sa mga estudyante sa Bridggit Academy ang palagi namin pagkukumpetensya. Paano kung dahil sa isang simpleng bet.... ay mainlove ako...
Chapter 8: An Unexpected Double Date Part 3
Start from the beginning
