Chapter 119: Ryza and Jessie's case

Start bij het begin
                                    

"Jessie she's dead" Sabi ni Mary Joy.

"No! She's not dead! Tumawag ka ng abulansya! Maliligtas pa natin siya!"

Nagulat nalang ako ng namalayan ko ang aking sarili na hawak na ni Mary Joy, kinuwelyuhan niya ako at....

*SLAP*

"Jessie wake up!! She's dead okay?! Accept the truth! Can't you see? Someone stabbed her weakness. She's dead Jessie! Ryza is gone!" Natulala ako sa sinabi ni Mary Joy. Tumulo narin ang kanyang luha katulad ko. Binitawan niya ang kwelyo ko, napaupo siya sa sahig habang umiyak

Napakawala kong kwenta, hindi ko man lang naligtas ang babaeng mahal ko.

"I'm sorry Ryza" Sa huling pagkakataon ay niyakap ko ang bangkay ni Ryza habang tumutulo ang aking mga luha.

Nahagip ng mata ko ang isang punyal na may bahig ng dugo, inilapag ko ang ulo ni Ryza sa aking hita at kinuha ang punyal na hindi kalayuan kay Ryza, nang mahawakan ko iyon ay kakaibigang enerhiya ang naramdaman ko.

"Ngayon alam ko na yung paano namatay si Ryza ng ganon kabilis" Ang punyal na 'to ang dahilan "Sasamahan kita Ryza, hindi ko hahayaang magkahiwalay tayong dalawa" Itinapat ko sa aking kaliwang pulsuhan ko ang punyal, agad nawala ang barrier na nagpoprotekta sa aking kahinaan. Akmang ibabaon ko na ang punyal ng bigla iyong agawin saakin ni Mary Joy.

"What the hell are you doing?! Are you crazy?!" Galit na sigaw saakin ni Mary Joy.

Napapikit nalang ako habang dinadama ang mga luha sa aking pisngi "Alam kong mali ang gagawin ko pero---"

"Alam mo naman palang mali pero bakit gagawin mo pa?! Do you think Ryza will be happy if you try to kill yourself?! Think Jessie! Don't let you emotion control you!"

"Ayokong malayo sakanya, gusto ko nasa tabi ko lang siya palagi. Please Mary Joy, ibigay mo na saakin yang punyal. Nagmamakaawa ako"

"No Jessie, ayoko"

Napakagat nalang ako sa pang ibabang labi ko at sinugod siya. Pilit kong inagaw sakanya ang punyal pero ayaw niyang ibigay.

"Bitawan mo Mary Joy! Susundan ko si Ryza!" Sabi ko habang inaagaw sakanya ang punyal.

"No!"

Sa pag-aagawan namin, hindi inasahang pangyayari ang nangyari.

"Oh my god! Jessie!!!!" Rinig kong sigaw ni Mary Joy.

Naramdaman ko nalang ang malamig na sahig. Nilapitan ako ni Mary Joy, nanginginig ang kanyang kamay.

"I-I'm s-sorry, hi-hindi ko sinasadya. So-Sorry J-Jessie" Sabi niya habang umiiyak

"It's not your fault. Ginusto ko 'to. Masaya ako na magkakasama na kami ni Ryza ng panghabambuhay" Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko "S-Sabihin mo sa mga Spiders na masaya ako dahil nakasama ko sila. Mahal na mahal ko kayong lahat" Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata. Tanging pagmamakaawa nalang ni Mary Joy ang naririnig ko, pahina ng pahina hanggang sa wala na akong marinig.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu