"Ang haba naman po ng explanation nyo Ms.Maraguinot." ako tas nag make face sa kanya. "Oo at hindi lang naman ang pwede mong isagot pero parang novela yung paliwanag mo."

"Kase kelangan." si jho. "Para malaman mo ang tunay na status namen ni beatriz......Were best of friends. Nothing more,nothing less."







JHO

"Were best of friends. Nothing more,nothing less."


Ako ang nagsabe nyan kanina lang kay jia, kase naman pati sya kumagat na rin sa mga tsismis tungkol sa min ni bea. Mag isa lang ako ngayon dito sa room namen, nasa baba na sila at inuumpisahan na nilang gawin yung bonfire namen. Pababa na ko ng tumawag si mama kaya sinagot ko muna yun.

Nasa harap ako ngayon ng salamin at nag susuklay ng bigla ko na namang maalala yung usapan namen ni jia kanina. Aaminin ko,nagulat ako ng itanong nya sa kin yun,di nga ako agad nakasagot di ba.

(Oo nga! Bakit ka nga ba "nag-loading" non?)

Nagulat nga ako di ba? Di ka nakikinig.😒

Nakatingin lang ako sa reflection ko habang mabagal na nagsusuklay ng buhok ng bumukas ang pinto ng room namen at pumasok dun si ej.

"Oh jhow, andito ka pala?" at tuluyan pumasok. "Kaya pala di mapakale si bei bei sa kahahanap sayo." then nagsmile sa kin.

Nginitian ko rin sya. May kung ano syang hinahalungkat sa bag nya ng mag ring ang phone neto at agad din naman nyang sinagot yun.

Di ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila pero kase nagaayos ako ng fez ko kaya narinig ko. May binanggit syang name ng lalake at kung pano sya makipagusap dito, may lambing. Siguro boyfriend nya yung natawag kaya ang laki ng ngitian at pansin ko ang ningning ng kanyang mga mata. Babe nga yata ang endearment nila kase yun at yun lang din ang maririnig mo kay ej bukod nga dun sa name ng lalake.

Tumayo na ako baka isipin nyang pinakikinggan ko sila which is totoo naman kaya aalis na ako,nakakahiya naman kung tapusin ko pa yung usapan nila bago ako umalis di ba. Inaayos ko na lang yung damit kong suot at nagpaikot ikot muna ako sa harapan ng salamin bago ko tunguhin ang pinto.

Sumenyas ako kay ej na lalabas na ako para di naman magmukha akong bastos pero sinenyasan naman ako ng "wait" kaya kahit nagtataka ay hinintay ko na lang sya. Di rin naman nagtagal pa ang usapan nila.

"Andun na ba lahat?" tanong ko na lang pagkababa nya ng tawag.

"Di pa naman." sagot nya at kinuha ang hoodie nya sa bag at isinuot yun. "Magdala ka ng jacket,malamig pa naman tas naihip pa ang hangin."

"Wala sa kin yung jacket ko eh,na kay beatriz. Nagpalit kase kame tas yung sa kanya basa pa nilabhan ko,nahulog kase sa tubigan kanina." ako.

"Mahilig kayong magpalit ng gamit 'no?" si ej na inaayos ang pagkakasuot nya ng hoodie. "Even sa damit or jersey. Oi, dont get me wrong ha." agad nyang sabe.Napansin siguro neto na napakunot noo ako. "Baka masamain mo yung sinabe ko pero wala akong ibig sabihin dun, actually ang cute nyo ngang tingnan pag ganun ang suot nyo para bang......pag aari nyo ang isat isa." tas tumawa ng mahina.

Parang may laman yung sinabe ah pero di naman ako na offend, kaya nakinig lang ako.

"Did you know ang cute nyo together?" si ej na naupo pa sa kama.

Cute kame together as in "together"? "Huh?" ako. Di ko gets ang sinabe nya.

"Alam nyo bang bagay ang surname nyo sa isat isa?" si ej pa rin.

"Uhm....Ej di kita gets?" sabe ko na.

"Malambing na tao si bei, gentlewoman pa nga......" tas nilapitan nya ako kase nakatayo pa rin ako tas iginiya nya ako para umupo. "Plus factor pa yung kakaiba nyang swag sa court tas very charming pa sya. Mapa-lalake or mapa-babae napapahanga nya ng di nya alam. Ako nga nahuli nya sa mga ganon nya eh kahit konteng panahon pa lang kameng nagkakakilala........Pano pa kaya yung mga mas matagal at everyday nyang nakakasama?........Like you." si ej.

Best thing i (N)EVER hadحيث تعيش القصص. اكتشف الآن