"Amuyin mo kaya ng malaman mo? Tse! Uwi na ko. Sumama tiyan ko sa 13 Hell Shots." kinuha na niya yung bag niya sa tabi ko at nagsimula na ding ayusin ang kanyang sarili. Tumayo na din ako upang kunin naman ang jacket ko.

"Ihahatid na kita." kahit naman ganyan si Jackie ay babae pa din yan. Bilang isang tunay na gentleman siyempre ihahatid ko siya.

"Hatid na kita." alok ko sa kanya.

"Talaga?!! Ayos libre na naman pamasahe! Tara na!" iginiya ko na siya palabas ng bar at dinala sa carpark kung saan nakaparada ang Ducati ko.

"Sigurado kang diyan mo ko pasasakayin? Kita mong naka dress ako eh! Alangan bumukaka ako diyan?!" sigaw sakin ni Jackie. Napangiwi ako sa pagsigaw niya. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong babae. Ibang klase talaga!

"Oo naman. Edi patagilid ka na lang umupo." sumakay na ko sa motor at sinimulan ng painitin yung makina. Agad namang sumakay si Jackie at pinaharurot ko na ito. Ang langya! Nakabukaka ngang naupo! Napailing na lang ako at mas lalo pang binilisan yung takbo namin tamang tama konti lang yung sasakyan sa daan ngayon dahil madaling araw na.

"PUTANGINAAAA MOOOO! PAPATAYIN MO BA KO?!!" rinig na rinig ko yung pagmumura ni Jackie kahit na malakas yung hangin. 

Nang makarating na kami sa Tondo ay ipinahinto sa akin ni Jackie yung motor sa isang kanto dahil hindi na daw yun makakadaan sa loob ng eskinita nila. Parang squatter's area itong lugar niya napaka unusual para sa napakaganda't sexy na katulad niya. Inaya niya kong sumama sa apartment niya pumayag naman ako dahil madaling araw na at di ako nakakasiguro na magiging safe siya. Kahit naman ganyan si Jackie at saglit pa lang kaming magkakilala eh babae pa din naman siya. Dapat pinoprotektahan.

Pumasok kami sa loob ng eskinita. Masikip. Madilim at kahit madaling araw na ay kalat pa din ang mga tao sa lugar nila. Buti hindi siya nababastos dito? Napadaan kami doon sa grupo ng mga nag-iinuman at mahahalata mong lasing na ang mga ito. Tss.

"May customer ka ata Jackie?! Ngayon ka lang mag-uuwi ng lalaki ah. Iba na yan!" sabi nung isang lalaki kay Jackie.

"Ginawa mo naman akong pokpok Mang Indoy! Hahaha. Kaibigan ko 'to no." hinawakan ni Jackie yung kamay ko at nakiraan dun sa mga nag-iinuman. Kaibigan niya yung mga lalaking yun? Hindi pa siya binastos?! Eh kabastos-bastos si jackie tapos ganun? Astig ah.

"Patagayin mo muna yang kasama mo Jackie! Isang shot lang oh!" tumawa lang si Jackie at inabot yung baso sa lalaki at nagulat na lamang ako ng inumin niya ito ng diretso. Woahhhh!

"Astig ka talaga Jackie! Sige na nga alis na ng makarami!" tumawa lang ng tumawa si jackie at nilagpasan na namin yung mga lalaking 'yon.

"Ang gagago talaga ng mga yon. Wag mo silang pansinin mababait naman mga yun eh. Yaan mo di ka naman nila gagalawin mamaya pag uuwi ka na." sabi niya at huminto sa tapat ng isang maliit na apartment.

"Pasok ka. Sorry medyo magulo dito eh." sinindihan niya yug ilaw at tumambad sa akin ang isang maliit na espasyo. 2-3 katao lang siguro ang maaaring magkasya sa apartment na ito pero ganun pa man komportable pa din namang tirhan.

"Gusto mo ng kape? Asan kaya yung nanay ko? Mukang nakipag-date na naman!" napadiretso ako ng upo sa sofa ng mapansin na isa-isang inaalis ni Jackie yung accessories niya gayundin yung sapatos niya. 

"Pasensya ka na sanay kasi ko na nasa pinto pa lang naghuhubad na ko. Hahaha." tatalikod na sana siya patungo sa kanyang silid ng hindi ko na naman napigilan yung kanina ko pang dapat na ginawa. Hinigit ko siya sa braso at inilapit yung likod niya sa dibdib ko na ikinagulat niya.

Jackie's POV

Magpapalit na sana ko ng damit kasi naman lagkit na lagkit na ko sa suot ko ng bigla na lamang akong hilahin ni Stanley sa braso at hinigit ako palapit sa kanya. Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Peste! May sakit ba ko sa puso?! Napasinghap na lamang ako ng ibinaba niya ang zipper ng dress ko gayun na din ang strap ng bra ko. Ano bang ginagawa niya?!! Napalunok na lamang ako. 

Napapikit na lamang ako ng mariin ng simulan na niyang dampian ng mumunting halik ang leeg ko. Nakaramdam ako ng masarap na kilabot sa bawat haplos na kanyang ginagawa. Iniharap niya ako sa kanya at pinakatitigan ang mga mata ko bago inangkin ang mga labi ko. Alam ko kung paano ang humalik pero wala akong ideya sa lovemaking. Oo nanonood ako ng porn pero tangna pag nanoond ng porn ma-aaply ba agad sa totoong buhay yun?

Kinarga niya ako na parang bata at pumasok sa nakabukas kong silid. Inihiga niya ako sa kama, hahalikan niya sana ako ng itinulak ko siya ng bahagya. Nakita ko na naiinis na siya. Malamang! Kanina ko pa kaya siya binibitin? Darang na darang na si gago eh.

"Bakit na naman? Naiihi ka naman ngayon?" tanong niya na di ko malaman kung naiinis mo ba o naaaliw sa akin.

"Uhmm di ba masakit yan?" itinuro ko gamit ng nguso ko yung something na nakaumbok dun sa pantalon niya. Holy Crow! He's fully aroused!

"Don't act as if you're a prude virgin. Naranasan mo na yan kaya alam mo na yan." sabi niya.  Virgin pa ko tangna! Magsasalita pa sana ko upang ipagtanggol yung sarili ko ng siliin niya ng halik ang mga labi ko.  Dahil unti-unti na din akong nilalamon ng sensasyon ay nagpadala na lamang ako sa mga halik niya.

Sa una ay marahas at mapang-akin ang kanyang mga halik hanggang sa naging marahan na lamang ito at sensual. Nagsimula na din humaplos ang aking mga kamay. Hindi ko na alam kung paano na nawala ang mga damit namin. He placed himself between my thighs and gave a one hard stroke. Akala mo may isang matulis na bagay na gumuhit sa kaibuturan ng pagkatao ko. Halos mapahiyaw ako sa shallow pain na nagdaan. Bigla na lamang napahinto si Stan sa paggalaw at manghang napatitig sa akin.

"You're a virgin?" he said.

"Tangina sabing oo! Puta ang sakit!" saglit lamang nagulat si Stan and he moved again inside my core. Slowly but with full force. He thrust deeper and harder. Napapakalmot na lamang at napapamura ako sa sakit. 

"I'm sorry. I didn't know that you're still a virgin when I entered." putsa nasasaktan na nga ako nag english pa!

"Wag ka ng dumaldal! Just keep on moving!"

"Ang ingay mo naman pag nakikipag sex!" 

Buong magdamag ata kaming naghihiyawan ni Stan habang gumagawa ng kababalaghan ng gabing iyon.

to be continued...

COMMENT NA MAHABAAAAA! Uy daan naman kayo sa comment box. Aliw kayo kay Jackie? :) Sorry po di ko pala maalala yung nagpadedicate. Paki-remind po ako minsan dami ko din kasi iniisip eh.


----> Anotha cover ng THE 13 HELL SHOTS (13th shot : The Sex on the Beach)

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon