Chapter 2

49 1 0
                                        


Chapter 2

Yaj P.O.V.

"Dad,pupunta daw si bunso mamaya."

Napatingin sakin ang daddy at biglang lumiwanag ang kanina pang nakasimangot na mukha.Since kasing umalis sa bahay si bunso,laging nakasimangot at hindi maipinta ang mukha.Minsan walang ganang kumain kung di ko pipilitin.Pero minsan my mind said dad deserves it.Dati ako lagi ang dinidiktahan nya at kahit kailan hindi ko nagawa ang mga gusto ko.Ngayon,sinuway sya ng pinakamamahal nyang anak.Pero naawa na rin ako.Ganitong-ganito kasi sya nong mawala si mom.

"Magpahanda ka ng mga paborito nya."

Dad,birthday ko ngayon.Pano naman 'yong mga paborito ko?Pero hindi ko na sinabi.'Yon lang ang tugon nya sa sinabi ko at bumalik sa ginagawa nya.Sumasagot ng mga email sa mga clients nya sa laptop.

"Sige dad."
Pamamaalam ko at lumabas na ako ng opisina ng dad.Tinawagan ko ang personal chef namin upang gawin ang mga menu para mamaya.Nagtanong kung ano ang lulutuin at sinabi ko ang mga paborito ni bunso lalo ang ice cream at gawing espesyal.Ayos lang sakin basta para kay dad.I checked din 'yong mga tables and chairs at lahat ng dapat isikasuhin.I want everything will be fine.Okay naman na so I decided to go with my friends na iniwan ko sa may sala.

"Here I am."
At umupo sa tabi ni Mark.Anim pala kaming magkakabarkada.Sila Mark,Kim,Lee,Chun at si Julius.Nandito lahat liban kay Julius.Nagtx na may iisikasuhin.Hahabol na lang daw mamaya.

"Balita ko pare,pupunta si Eyil."
Si Mark.
"Oo.Bakit?"
"Wala.Nami-miss na daw ni Chun."
Malapit si Chun kay Mark at siniko sya nito.
"Walang talo-talo pare".
Sinuntok ko sya ng marahan sa dibdib.
Inakbayan ako ni Kim.
"Pero hindi mo naman mapipigilan ang puso pare."
"Bakit sa kapatid ko pa?Saka kilala ko kayo,hindi ang mga katulad nyo ang magkakagusto sa isang kagaya ng kapatid ko.At alam nyo naman ang kaya kong gawin pag nasaktan si bunso".
"Tigilan nyo na nga yang usapan na 'yan.Wag nyong sirain ang araw na 'to."
Si Lee.
"Sorry mga pare,ako nag-umpisa.Sorry Chun,sorry Yaj".
Si Mark.
"Kasi naman ikaw napaka-chismoso mo."
Si Chun sabay poke sa noo ni Mark.
"Pero seryuso pare,may nararamdaman ka ba kay Eyil?"
Tanong ko at tiningnan ko sya ng seryuso.
"Sorry pare-
Hindi pa sya tapos ay kwenelyuhan ko na sya at tipong susuntukin.Pero 'di ko naman 'yon gagawin.Titingnan ko lang kung gaano ko maloloko ang mga 'to.Nagkagulo nga ang mga damdamin nila.At talagang pinigilan ako.Awat na daw at ng medyo seryuso na nga na naniniwala na sila saka ko sinabing I got you mga pare.Bitawan sila sa pagpigil sakin at napakamot.
"Akala ko pa naman totoo na.Ano ba 'yon pare ha?"
Si Lee.
"Wala.Ginawa ko lang 'yon para i-provoke 'tong si Chun kung seryuso nga sya sa kapatid ko.Kaya pala wala 'tong gf na pinapakilala satin."
At tawanan sila at ginulo ko ang buhok ni Chun.
"Oh ayan pare,may basbas ka na ni Yaj."
Si Mark.
"Ikaw asar ka tlg."
Sabay turo ni Chun kay Mark.
"Pero may problema."
Si Chun na bigla nalungkot ang mukha.
"Ano?"
Halos sabay-sabay kaming nagtanong.
"Hindi nya naman alam.Siguro wag na lang noh?"
"Ano ka ba!Heto may backer ka.Wag ka mag-alala."
Si Kim at sabay tapik sa balikat ko.
"Sige pero hindi ko hawak ang nararamdaman ni bunso.Saka isa pa,ayaw non sa gusto sa kanya."
"Problema nga."
Si Lee.
"Sir,pinapatawag po kayo ng dad nyo."
Bigla kaming lahat napalingon sa katulong.Nagpaalam muna ako saglit at pinuntahan si Dad sa opisina nya.

"Dad,your calling me daw."
"Umupo ka."
Umupo naman ako.Bakit kaya?Parang natatakot na naman ako.Lagi naman kapag nagpapatawag si dad na wala akong maisip na dahilan.

"Alam mo kung bakit kita pinatawag?"
"No dad."
"Tell me Yaj.Masama ba akong ama sa inyo ni Eyil?"
"Dad?"
"Bakit nakuha akong suwayin ng kapatid mong 'yan."
Wala akong gustong sabihin para matapos na ang usapan.Pinatawag nya ko for this?Birthday na birthday ko.
"So I decide to move sa New York.And after your party we will be going."
"Dad,iiwan natin si Eyil dito?"
"So whats the matter about that?"
"Dad,Eyil is the apple of your eye.Dont be to harsh."
"Yon nga eh.Minahal ko sya ng higit pa sayo.To think he is only my adopted son."
Boom!Para akong tinapunan ng isang balde ng napakalamig na tubig sa mukha.Pwede rewind?

>>>>>>Rewind..
>>>>>>click here to esc rewind

"Alam mo kung bakit kita pinatawag?"
"No dad."
"Tell me Yaj.Masama ba akong ama sa inyo ni Eyil?"
"Dad?"
"Bakit nakuha akong suwayin ng kapatid mong 'yan."
Wala akong gustong sabihin para matapos na ang usapan.Pinatawag nya ko for this?Birthday na birthday ko.
"So I decide to move sa New York.And after your party we will be going."
"Dad,iiwan natin si Eyil dito?"
"So whats the matter about that?"
"Dad,Eyil is the apple of your eye.Dont be to harsh."
"Yon nga eh.Minahal ko sya ng higit pa sayo.To think he is only my adopted son."
Na-gets ko na.Pero ang hirap paniwalaan.Ang hirap tanggapin.Doble yong sakit.Parang nagatungan ang selos na nararamdaman ko pero pilit kong inaalis kasi bunso si Eyil.Pero hindi eh.Halos hindi na nga ako si Yaj masunod lang si dad.Tapos malalaman ko pa na ampon lang pala ang lahat na nabibigyan ng pabor.At kailangan talagang sabihin sakin sa araw ng birthday ko?Salamat sa regalo.Kaya umalis ako ng walang paalam.Pero hindi na rin naman nagpahabol si dad ng kahit anong salita.Umakyat ako sa taas kung saan naroon ang kwarto ko.Papasok na sana ako pero nakita ko ang kwarto ni Eyil.Pumasok ako sa kwarto nya at ginala ang mga mata ko sa loob.Nag-umpisang bumuhos ang kanina pang luha na pinipigilan ko lang.Pinagsusuntok ko ang pinto at tinapon ang ilang mga gamit.Nagsisigaw ako.Ewan ko kung para saan.Kung bakit kailangan kong maramdaman.Nagwawala sa loob ko ang galit na parang naipon lang.Lahat ng hindi maipaliwanag na damdamin ay gustong pumakawala.
"Pare anong nangyari?"
Si Mark.
"Narinig namin 'yong tunog ng mga nabasag at ang sigaw mo."
Si Lee.
"Mga pare ewan nyo muna ako please tapos pakisabi sa butler na alisin na lahat at sabihin sa lahat na hindi na tuloy ang party."
"Pare ano ba talaga ang problema.Hindi ka namin pwedeng ewan na lang ng ganito?"
Si Kim.
"At hindi mo na rin pwede ipa-cancel ang lahat.Mapapahiya pati dad mo.Maraming bisita rin 'yon."
Si Lee.
Naisip ko ring tama sila.Huminga muna ako ng malalim saka sinabi sa kanila ang problema.
Hindi ko alam.Lahat din sila nabigla.Iba-iba ang nababasa ko sa mga mukha nila.At isang tanong ang biglang nagpakaba sakin.Ewan ko ba kung bakit tumibok ng mabilis ang puso ko sa tanong nila na kung may nagbago sa pagtingin ko kay Eyil.Alam kong meron.Bigla kasi nagflash sa isip ko 'yong sinabi nya na kung magkaka-bf sya gusto nya ako.Pero agad ko namang binura 'yon.Hindi ito oras para isipin 'yon.Tama naman sila.Walang pwedeng magbago.Ano naman kung adopted lang sya.Kahit papano nabawasan ang sakit na nararamdaman ko.Salamat at may mga kaibigan.

.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*.*

IF ONLYWhere stories live. Discover now