Tumayo naman ako sa kama at napasabunot sa buhok ko. Kaagad akong lumapit sa pintuan at binuksan iyon para sumilip sa labas ng kwarto.

Narinig ko ang pagko-concert ni Zeijan sa ibaba, paniguradong may live show na naman 'yon habang nagluluto kaya 'di ko alam kung matatawa sa kanya ako o maiinis na lang sa nalaman ko.

I locked the door and went back to the bed.

"What will we do now?" mahinang sabi ko. "Hindi ko pa nakikita si Mommy, paano kapag may gawing masama sa kanya si Antonio?" bulong ko.

"Hindi pa confirmed, Lyx, but I really think it wasn't Archer that was killed. Ibang tao iyon, Lyx," Trece said.

"I-is there something that can tell me who the hell Archer is?" I said, hoping.

Damn, buhay ng ina ko ang nakasalalay rito! Once my freaking stepfather found out about this then we're both dead!

"Tattoo..." aniya sa akin.

"B-but that man has a tattoo on his arm," sagot ko habang nakatitig sa kawalan.

"Hawk have a lead where is Archer's tattoo artist in Spain. We tracked him down since we heard that his client's big time, mostly criminals and high people in the society..."

"Please, Trece..." mahinang sabi ko. "I need to keep my Mom safe... Please, tell me if you find out," nanghihina kong sabi.

"Sorry about this, Lyx..." mahinang sabi niya. "Ayoko ring mapahamak tayong lahat, si Tita."

"Ayos lang, wala namang may gusto nito," matamlay kong sabi bago tumayo papuntang balkonahe.

"May isa pa akong balita sa 'yo," aniya sa akin. "'Yon ay kung ayos lang? If you're still stress, then I could tell it some other time."

"Spill it," sagot ko. "Mas magandang isang bagsakan na lang kaysa sa ganito..."

"Uh, about the annulment..."

That made me stop. May kumirot sa puso ko kaya humigpit ang hawak ko sa phone.

"W-what about it?" I cleared my throat.

"Atty. Sandejas rejected your case," aniya. "Pagkasabi ko pa lang ng pangalan mo at ng husband mo, he told me he still wants to live."

"Huh?" My forehead creased. "Will that kill him?"

"I don't know, weird. Rejected sa Sandejas firm ang case kaya tumawag akong direkta at iyan ang isinagot," she said. "'Tsaka, remember when we searched Zeijan's name on the database, wala 'di ba?"

"Hmm," I nodded.

"Just recently, lumabas na ang pangalan niya. Maybe, updated na ang site."

"That's good," I sighed.

"But anyway, I found you a new lawyer, magaling din ito, 'di nga lang kasing galing ng sa firm ni Atty. Sandejas but he'll work."

Tumango ako at napatungo.

"Babalitaan na lang kita kapag settled na ang papers, isi-send ko na lang sa 'yo para mapapirmahan mo na."

"Thank you," mahina kong sabi at nanghihinang napahawak sa railings ng balkonahe.

So, it's really happening? Hihiwalay na ako kay Zeij?

Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa puso ko habang naiisip iyon. Nanghihina ako at nang maramdaman kong namasa ang pisngi ko ay kaagad ko ito pinunasan.

What now, Alyx? Iiyak ka? Damn, that was your plan since the very first time you get wed to him! H'wag mong sabihing nagbago na ang isip mo?

I was scolded by my inner goddess. Mariing naipikit ko ang mata ko at nasabunutan ang buhok.

A Bloodless WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon