[39] Avoid Him

Magsimula sa umpisa
                                    

“Eh kasi akala ko alam mo na and you’re okay with it. Akala ko you’ve already forgotten about what happened to your brother.” Nakikita ang pag-aalala sa mukha ni Chloe.

Umiling lang si Gail. “I will never forget that. Dahil sa mga gangsters na yun, muntikan na ako mawalan ng kapatid.”

“Pero Gail, hindi naman sila yung nambugbog sa kuya mo eh.” I said defensively.

“Oo, but I don’t care. Gangsters pa rin sila, mga basagulero at siga katulad ng ibang gangsters. They hurt people even without a reason, basta matripan nila. Yun yung happiness nila eh, yung manakit. Pare-pareho lang sila.”

“Gail----“ sabay na sabi namin ni Chloe.

“Please, kung pupunta kayo, pumunta na kayo, okay? Ayokong magkaroon ng kaibigan gangsters. Hindi ko naman kayo pipigilan kung gusto niyo silang maging friends eh, it’s really up to you girls. So, if youre going, just leave.” Humiga na siya at pumikit na.

Nakakalungkot naman. Hindi siya makakasama. :(

“Sige, Gail. goodnight.”

“Sweet dreams..” Dagdag ni Chloe and we gave her a peck on her cheek.

Galit at takot si Gail sa mga gangsters simula pa nung 1st year highschool kami dahil nung mga panahon na yun, ipinagtatanggol pa namin si Chloe sa mga bullies na girls. Isa sa mga bully ni Chloe ay may kuya na kasali sa isang gang. Hindi namin alam na tototohanin pala nito yung pagbabanta niya sa amin na isusumbong daw niya kami sa kuya niyang gangster dahil sa pagsusumbong namin sa kanya sa guidance. Sabi namin sa kanya ‘go,isama niya pa ang buong battalion niya’

Isang araw, namasyal kami nun sa mall kasama ang kuya ni Gail na si Kuya Louis. Pauwi na kami nun ng biglang may humarang sa dina-drive na kotse ni Kuya Louis. Lumabas si Kuya Louis pati na rin kami para malaman kung bakit kami hinarangan ng puting van na yun. Nagulat kami nang biglang lumabas ang mga kalalakihan at hinila kami papasok ng van. Sabi ko sa sarili ko baka ito na yung sinasabing gangsters ng classmate namin. Si Kuya Louis naman pilit kaming kinukuha mula sa kanila. Narinig ko naman ang sigaw nito na bitiwan na raw kami at siya nalang ang gantihan nila. Nasabi na kasi namin kay Kuya Louis ang about dun, in other words sinumbong din namin. Agad naman kaming pinakawalan nung mga lalaki tapos ay pinagtulungan nilang binugbog ang kuya ni Gail. Ito ang dahilan ng pagkacomatose niya nung siya ay 16 years old.

Buti nalang ay nakarecover na si Kuya Louis after 3 months. Simula nun ay galit at kinakatakutan na ni Gail ang mga gangsters.

KURT’S POV

 

MYSTERY GRILLING HOUSE

Dito i-cecelebrate ni Wayne ang kanyang 18th birthday. Tss, bakit sa lahat ng lugar dito pa? Pwede naman sa bar. Occupied namin ang isang kwarto dito, it’s a room for parties. May bar dito at may automatic na umiikot na mga choice mong pagkain na gusto mong i-grill. Sa mismong harap naman namin ay yung ihawan. It’s a self-service, ikaw na ang mamimili ng gusto mong kakainin at ikaw na rin ang mag-iihaw.

“Hey, tayo tayo lang ba ng X10 and our fishes?” Derrick is reffering to their girls. Nakaupo na kami dito sa bar, nagsisimula ng uminom.

“Nope, I invited Kaye Anne, sabi ko isama na niya sina Gail and Chloe ba yun? Yung bagong victim ni Dustin?” Wayne replied. I remember that girl. Siya yung tumulong sa akin nung nabukulan si Gail.

BOOK1: Accidentally In love With A Gangster [Published under Pop Fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon