Chapter 5

6.7K 183 13
                                    

Agad na natigilan siya sa paghakbang ng makalanghap siya ng kakaibang amoy. Nagmumula iyun sa opisina niya.

Buo palapag ay ang kanya opisina. May usok iyun. May kakaibang amoy yun. Hindi naman siya masakit sa ilong pero hindi rin amoy usok mula sa binubuga ng sasakyan o amoy polusyon, di niya maipaliwanag.

Humakbang siya at nagmamadali tinungo niya ang pintuan ng private office niya.

Pagkabukas niya sumalubong sa kanya ang makapal na usok na halos hindi niya makita ang kabuoan ng opisina niya.

Naubo siya at naalala niya wala nga pala water sprint sa kisame ng opisina niya.

Fuck! What the hell is happening to his office! Nasusunog ata ang opisina niya!

Sino ba ang gumawa nito?!

"Who's that?!"bulalas niya ng maramdaman na may kumikilos sa gitna ng usok.

" Anong nangyayari dito sa opisina ko?!"aniya sabay ubo niya.

"Sir?," anang ng isang boses ng babae.

"Naku,Sir,labas muna kayo bilis!" utos nito sa kanya.

Hindi siya agad nakaimik. Hindi lang niya mapaniwalaan na inuutusan siya nito.

Pagkatapos nito pausukan ang opisina niya uutusan naman siya nito ngayon?!

Naikuyom niya ang mga palad at napipilitan lumabas muli dahil masakit na sa ilong ang usok.

Ilang minuto bago bumukas ang pintuan at may lumabas na usok roon kasunod ang isang babae.

May bitbit itong lata na bahagya umuusok.

"Ay ,Sir...pasensya na,nag-insenso lang ako," anito na dere-deretso na tinungo ang rest room.

Seryoso ba talaga ito?

Ito ba ang sekretarya na kinuha ng Daddy niya at mukhang mangkukulam pa ata!

"Uhm,Sir.. " pukaw sa kanya ng babae.

Humugot siya ng malalim na hininga bago niya ito nilingon. Doon lang niya nasilayan ang mukha ng babae.

Maganda ito,maliit ang mukha pero para sa kanya ito na ata ang pinakamagandang babae na nakita niya sa buong buhay niya.

Nakapusod ang unat na unat nitong buhok na kasingdilim ng gabi.

You like her? Alingawngaw ng inner wolf niya.

Agad siya natauhan sa sinabi iyun ng inner wolf niya. Natulala siya sa babae ito na siyang salarin sa pagpapausok nito sa opisina niya.

Napuna din niya na hindi ito tumintingin sa kanya.

Siguro guilty dahil sa kalokohan nito.

Humalukipkip siya rito pero nanatili ito nakayuko.

"Bakit hindi ka makatingin sakin?"pukaw niya rito.

Bahagya niya pinasadahan ang kabuoan nito. Matangkad itong babae. Well,masasabi niya maganda ang hubog ng katawan nito na lalo naeemphasize ng suot nitong pencil-cut skirt at kulay puting blouse. Morena ito pero makinis.

Pang-modelo ang pangangatawan. Hindi naman ganun kapayat kaya masasabi niya seksi talaga ito.

Wow,ngayon ka lang ata nagkaenteres na suriin ang itsura ng isang babae? Muli alingawngaw ng kanya inner wolf.

" Sabi kasi ni Nanay,huwag ako titingin sa taong ngayon ko lang makikilala baka kasi bigla ako mausog,"anito.

Nagsalubong ang kilay niya.

Ano daw?

"What do you mean?"

"Taga-Capiz po ako,Sir Erol,marami kami paniniwala kaya kung nakikita niyo po ito!" itinaas nito ang braso na may mga burloluy doon.

"Ito po ang mga pangontra ko o anting-anting,"anito.

Hindi niya alam kung dapat ba talaga niya pagtawanan ito,naiisip niya mukhang may saltik pa ata itong nakuha ng daddy niya.

Maganda sana kaso taga-Capiz eh!

Hindi na niya napigilan ang matawa. Basta gusto niya matawa. Ngayon lang siya napatawa ng ganun lalo pa sa isang babae pa.

"Taga-Capiz ka? So,aswang ka?!" natatawa niya saad.

Nakita niya na natigilan ito pero hindi naman nag-angat ng mukha.

"Grabe,sakit ng tiyan ko," aniya na natatawa pa rin.

"Hindi naman ako aswang," anito sa mahinang boses.

Natigilan siya. Mukhang naoffend niya ito.

Tumikhim siya ng makita tahimik lang ito nakayuko.

Marahas siya bumuga ng hangin.

"Ayoko ng ulitin pa yun pagpapausok mo,Ms.Secretary,nasa maynila ka kaya,wag mo ng uulitin," aniya sa seryosong tono.

Tumango ito. Pagkatalikod  niya bigla naman siya tinubuan ng guilt sa ginawa niyang paninita rito.

Pero bakit naman?

Nasa DREAME na po itong series.

CallmeAngge in DREAME.

Howling for Love Series 4  : EROL DARIUZ byCallmeAngge(INCOMPLETED)Where stories live. Discover now