Ang Marka

10 1 0
                                    

Keishaine's POV

Nandito ako sa simbahan... Nakaupo sa isang upuan... Nakasuot ng puti... Andun yung mahal ko sa harap... Nakasuot ng puting damit... Ang putla ng kanyang balat... Nakahiga... Nakahiga sa isang kabaong...

Ngayon ang kaniyang libing... Ngayon ang huling araw na makikita ko siya... Ang araw kung kailan kailangan na naming magpaalam sa kaniya.... Kay Yanna Kwon...

"Shaine"

Pinahid ko muna ang luhang tumulo galing sa aking mga mata at lumingon sa kung sino man ang tumawag sa akin....

"Tita Sandra"- sabi ko at bigla niya akong niyakap

Napahagulgol ako ng iyak... Maraming what if's sa aking isip....

What if hinatid ko siya?

What if hindi ko siya pinayagan na siya lang magisa ang pumunta doon?

What if mas naging protective ako sa kaniya?

What if mas binantayan ko siya ng maigi?

Siguro hindi siya nawala... Siguro buhay pa siya....

" Tita sorry po at hindi ko naprotektahan si Yanna... Kung sana ay hindi ako pumayag na umuwi siya ng magisa sana---"-hindi ko natapos yung iisipin ko ng biglang nagsalita si tita Sandra

"Hindi mo kasalanan yun shaine... Hindi natin kontrolado ang buhay ng isang tao... Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o sa hinaharap... Wag ka ng malungkot.. Ayaw ni Yanna na malungkot ka... Kaya kahit mahirap.. Kailangan nating tanggapin na wala na siya..."- maluhaluhang saad ni tita Sandra

" Kakayanin ko po tita.. Kahit na hindi ko alam kung paano... Gagawin ko po para kay Yanna.."- sabi ko ko habang nakatingin sa kabaong kung saan nakahiga ang aking mahal...


Isang buwan na rin ang nakalipas ng mangyari ang insidenteng yun... Ang insidenteng naging dahilan kung bakit nawala si Yanna... Hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap na patay na siya... Naalala ko yung mga oras na magkasama kami... Yung mga tawanan namin, lambingan at kulitan...

Nandito ako sa puntod ng aking prinsesa...

Yanna Kwon
Born: **/**/**
Died: **/**/**

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang aking panyo.....

"Prinsesa ko... Kamusta ka na? Kung nasaan ka man ngayon... Sana ay masaya ka na... Hays... Hindi ko parin matanggap na wala ka na... Ang hirap eh.."- napahinto ako kasi may luhang nagbabadyang nanamang tumulo...

" Alam kong ayaw mong nakikita akong malungkot kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para ngumiti kahit na ang sakit sakit na...Mahirap man, pero kailangan kong tanggapin na wala ka na at hindi ka na babalik... Kumbaga isang masayang alaala na mananatili sa puso at isipan ko pang habangbuhay...." - napatigil ako sa pagsasalita kasi napaiyak nanaman ako... Hindi ko talaga kaya... Hindi ko kayang magpaalam sa kaniya... Sa babaeng pinakamamahal ko...

"Pangako ko sayo... Na magaaral akong mabuti para matupad ang mga pangarap ko... Pangarap kong hindi ko alam kung makokompleto pa ngayong wala ka na..."- sabi ko at ngumiti ng peke...

"Mahal na mahal kita Prinsesa ko... Mahirap man pero kailangan na kitang bitawan... Hanggang sa muli nating pagkikita diyan sa taas..."

Kasabay ng paghagulgol ko ay ang pagbuhos ng ulan... Kahit basangbasa na ako ay hindi pa rin ako umalis dun... Gusto kong makapiling ang aking prinsesa... Kahit sa huling pagkakataon... Kahit ako'y nasa ibabaw ng lupa at siya'y nasa ilalim neto...

11:11Where stories live. Discover now