Chapter 39- Tragic Nightmare

Magsimula sa umpisa
                                    

Terrence's POV

Flashbackß

Kinaumagahan, maaga akong nagising at nagluto ng almusal. Pagkalapag na pagkalapag ng mga pagkain sa mesa bumukas ang pinto ng kwarto ni Yna.

"Good morning sleepy head" bati ko sa kanya habang ako'y nakatalikod at hinuhugasan ang pinaglutuan ko

"Good morning din" bati niya pabalik

"Ayan kumain ka na, nakahanda na ang pagkain sa mesa" alok ko

"S-salamat, ikaw kumain ka na ba?"

"I don't eat breakfast" sagot ko naman

"Eh bakit nung nasa rest house tayo?"

"I don't know, I just felt eating that time"

"Ah ganun ba?"

"So what are you planning to do today?"

Sa tanong kong iyon biglang nasamid si Yna sa pagkain. What's wrong with that question? Kumuha ako ng water sa ref dahil ubo pa ng ubo si Yna kahit na nainom niya na yung glass of water sa harap niya.

"Salamat" sabi niya nung ok na siya

"So ano?"

"Ah kung ano man yun, sa akin nalang sana yun"

"Bakit ayaw mong i-share"

"Masyadong personal"

"Bakit hindi pa ba personal yung nakita kong pag-iyak mo dahil kay JC? Hindi pa ba personal yung nakita kitang nasaktan-" magsasalita pa sana ako ng pigilan niya ako

"Tama na pakiusap" sabi niya ng nakapikit "Di ba may trabaho ka pa? Sige na mag-ayos ka na ako na ang bahala sa mga hugasan"

"Marunong kang maghugas?" tanong ko

"Oo naman, sige nab aka mahuli ka pa"

Dahil sa sinabi niya, tumayo na ako para mag-ayos gaya ng sinabi niya. Bago pa ako makapasok sa loob ay tinapunan ko siya ulit ng isang tingin at nakita kong inilagay niya na sa sink yung mga hugasan.

It takes 15 minutes for me to fix my self. Nakita kong nagulat si Yna ng lumabas ako ng kwarto.

"Ang bilis mo naman" sabi niya

"Hmmm working eh, sige mauna na ako"

"Sige ingat ka"

"Ikaw rin"

End of Flashback

"Good morning Mr. President" sabi ko sa kabilang linya

"Oh Terrence"

"Umm I just called to inform you that I can't report to you today"

"Why, what happened?"

"Nothing Mr. President, I think I need some rest"

"Siguro nga kaylangan mo niyan. Sige"

"Good bye and thank you Mr. President"

"Good bye"

Call ended

Hindi totoong papasok ako sa office. Nagbago na ang isip ko. I think I need to follow Yna kahit na mag-stalk pa ako, just to make sure kung magiging ok ang araw na ito para sa kanya at para malaman na rin kung saan siya pupunta. Nakita kong sumakay siya sa isang taxi at sinundan ko iyon. Pagkatapos ay huminto ang taxi sa harap ng isang simbahan. Bumaba si Yna at nagbayad. Nakita kong patakbo-takbo niyang pinasok ang simbahan kaya naman bumaba ako ng kotse at sinundan ko siya.

Nakaluhod na si Yna habang umiiyak. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng simbahan and I saw that kakatapos lang ng isang kasal.

"Yna" sambit ko ng pangalan niya

"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya ng humihikbi

"Anong nangyare?" tanong ko at umupo sa tabi niya

"Wala na" iyak pa rin siya ng iyak "Hindi ko na napigilan"

"Ang alin?"

"Ang kasal ni Christopher" sabay hagulhol niyang sabi

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Yna because that's what I expect. Ganyan naman talaga ang nangyayare sa lahat ng istorya hindi ba?

"Wala na hindi ko na siya napigilan" hagulhol niya paring sabi

"Tahan na" niyakap ko siya at patuloy pa rin siya sa pag iyak

"Wala na T-Terrence wala na hindi ko na siya napigilan. Terrence! Ang tanga-tanga ko, kung mas inagahan ko pa sanang pumunta dito di sana...di sana... napigilan ko pa siya. Kaso wala na" tuloy pa rin siya sa pag iyak

Author's Note

Hayan na malapit na talaga ang ending nito two chapters to go! Oo nga pala pasukan na naman huhuhu T_T stress nanaman na walang humpay si Author nito! Help!

Thanks for reading this story! I labs yah!

When We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon