"HANGGANG SAAN mo ako balak sundan?!" naiirita na ako dahil hanggang sa daang papuntang opisina ay nakaagapay pa rin ito. Hindi naman ito sumagot, bagkus ay namulsa lang ito at pabaligtad na naglakad paharap sa akin.

"Ang sungit mo." He said bago tumigil at umakbay na sa akin. I tried shrugging his hand off.

 

"Andrei naman!" sigaw ko. Hirap na nga akong maglakad dahil sa taas ng takong ko, idadagdag niya pa ang bigat ng braso niya.

 

"Sige na. Paakbay lang." dagdag pa niya. Wala na akong nagawa dahil nagsisimula na siyang pagtinginan ng mga tao. Kahit naman kasi may disguise siya, hindi mo pa rin maiiaalis ang aura ng kasikatan sa kanya.

"Kain muna tayo." He said bago ako hinila papasok sa isang resto.

 

 

"Andrei, malalate na ako."

 

"Ikaw ang may-ari ng kumpanya Yana. Kahit malate ka ayos lang." he said. Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

 

"Hoy! Hindi tama yan ha--" I tried saying but he pushed me inside and dragged me into one of the tables.

"Sandali lang po Yana. Oorder lang ako tapos ihahatid pa kita mismo sa opisina mo."

"Kahit wag na." sagot ko bago siya sinimangutan. Tinitigan lang ako nito bago kinurot ang pisngi ko.

"God! I love you! This is insane!" he shouted at nanliit naman ako ng pagtinginan kami ng mga tao. How can he do that? Why is he always center of attraction?

Iniwan nga niya ako at pumunta na sa counter. At alam kong may chance na ako para umalis pero hindi ko alam kung bakit nakaupo pa rin ako at hinihintay siya. Nakakainis na talaga!

______________________________________________

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang nakatingin kay Yana na nagmamaktol sa table naming dalawa. I shook my head at sinabi na ang order ko. I looked at my watch. Malalate na pala ako sa recording namin.

Tiningnan ko ulit si Yana at naalala ko ang pag-uusap namin ng Dad niya.

 

 

"You're asking for my help?!" Mr. Sandoval exclaimed bago natatawang tumingin sa akin. I brushed my hair. Hindi ko nga alam kung bakit dito ako naunang pumunta pagkatapos ng away namin ni Yana sa set.

 

 

 

"Sir, please."

 

 

"And why would I do that? Hindi ba't sa una pa lang sinabi ko ng ayaw ko sayo?" he said. I gritted my teeth before getting on my knees. Lumuhod ako sa tapat ng table niya at yumuko.

 

 

 

"Anong--"

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon