Approval

132K 2.6K 116
                                    

LABINGWALO

I decided I would take a jeepney today para maiba naman. Kapag nagkotse ako, sigurado akong susundan na naman ako ni Andrei. At nakakairita na iyon. Pakiramdam ko may siraulo akong stalker na sunod ng sunod sa akin.

Akala siguro niya ganun kadaling mawawala ang galit ko sa kanya, pwes, akala lang niya iyon. At hindi ibig sabihin na magkasundo na sila ng Papa, na alam kong imposibleng mangyari pero nangyari pa rin, ay mapapatawad ko na siya. He broke my trust, he should bleed first before earning it again.

Nakarating na ako sa paradahan. Kaunti pa lang ang mga pasahero kaya hindi kaagad napuno ang jeep. I settled on the seat in the middle para mahangin. I took my earphones at ilalagay na sana iyon when a guy sat beside me. Nakasuot ito ng itim na bonnet at shades pero ganun pa rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kahit nakadisguise pa siya ay kilalang kilala ko na kung sino ito.

"Hey, ang aga mong nagising." He said to me. Tiningnan ko ang mga pasahero at lahat sila busy sa mga kanya kanyang buhay nila. I sighed in relief dahil mukhang walang nakakakilala kay Andrei.

 

"Anong ginagawa mo dito?" I shifted my head ans whispered to him. Tiningnan lang ako nito bago hinilot ang leeg.

"Ang hirap matulog sa loob ng kotse." He said instead. I just shook my head. He is really hopeless.

"Bayad po." The guy beside him said. Tiningnan ko naman ito pero hindi naman ito makaramdam. Nangawit na ang lalaki pero hindi pa rin inaabot ni Andrei ang bayad. I gritted my teeth at ako na ang kumuha ng bayad.

"Thank you Miss." The guy said and smiled at me. Ngumiti ako pabalik.

"Ericka Yana!" biglang sigaw nito na naging sanhi ng pagtingin sa amin ng mga tao. Nanlaki naman ang mata ko sa ginawa ni Andrei. He stretched his arm at nilagay iyon sa bewang ko bago ako hinapit palapit sa kanya.

"H-hoy!" nagpapanic kong sabi. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin pero humigpit lang ito.

 

"Resist me Yana. Fight me. At sisiguraduhin kong makikita mo ang hinahanap mo dito mismo sa jeep." He hissed on my ear. Nanahimik na lang ako dahil sa galit sa boses niya.

Huminto ang jeep at mukhang may sasakay ulit. Umisod kami ng kaunti pero hindi napansin ng driver na mag-asawa pala ang sasakay at isa na lang ang bakanteng upuan. Buntis pa naman ang babae at mukhang hirap na itong bumaba at pumanik.

"Usog po tayo ng kaunti!" sabi ng driver. Pilit akong dumikit kay Andrei para bigyan ng espasyo ang mag-asawa pero mukhang hindi kasya.

"Sasabit na lang ako--" sabi ng lalaki but Andrei cleared his throat.

 

"Pre, dito ka na lang. kandungin ko na lang yung girlfriend ko." He said. Nanlaki na naman ang mata ko.

"Anong--" hindi na niya ako pinatapos. Hinila na niya ako paupo sa kandungan niya and wrapped his hands into me tightly.

 

"Dito ka lang Yana. Get's mo?" he said. I just shook my head dahil hindi na rin ako makasagot sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Nagbayad ka na pala?" he said after a while. Grabe to, sa lahat ng bagay yun pa ang makakalimutan niya?

 

The Broken Promise (AWESOMELY COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant