"Sorry ho. Di ko po sinasadya." Pinulot ko yung mga pinamili ko. O di ba, ako nga yung may mga tumilapong gamit pero siya ang nagalit. Mga tao talaga minsan. Siguro bad day niya ngayong araw.

"Sa susunod kasi tumingin ka sa dinaraanan mo!" inayos niya yung pants niya at umalis.

"Sungit naman niya." sabi ko sa sarili ko.

“Napakabasagulera mo talaga hothead.”

"AAHH!" pagtalikod ko katabi ko na siya.

“Ikaw!”

“Ako.” Nakasmirk siya. Nakawhite t-shirt lang siya at jeans pero mukha pa rin siyang mod- okay, stop na dun Des.

“Anong ginagawa mo rito?” akusa ko sa kanya.

“Bakit, bawal gumala? Pagmamay-ari mo ‘tong mall?”

Nakakaiirita talaga ‘tong lalaking ito. Kainis!

“Oo, kami nagmamay-ari nito kaya I suggest you leave. Now.”

I saw something flash in his eyes pero bago ko pa matignan nang husto, nawala ito. In place of the arrogant face he had, naging stoic bigla.

He looked at me and I felt really…pissed. I won’t get flustered by him. I can’t afford to. Siya nagnakaw ng first kiss mo Des! Huwag  ka magpaapekto  kay young Ian este, Mr. Stranger. Who happens to really look like Ian Somerhalder. A lot; especially when he’s staring at something forcefully at someone. And that someone is me. Okay, stop it Des. Stop it!

“Fine.” Pero hindi siya umalis. Instead, hinila niya ako palabas ng bookstore. Nasa may elevator na kami nang may inabot siyang item na nakabalot ng paper bag ng bookstore. Tinaasan ko lang siya ng kilay pero tinignan niya lang ako. Inaabot niya pa rin sakin yung item pero natatakot akong kunin ito.

Tinignan ko lang ito. “Anong laman niyan?”

Halata sa boses niya na naiirita siya. “Kunin mo kasi at buksan.”

“Ayoko nga. Baka kung ano laman nyan e. Tapos sabihan pa ako na bumibili ng kung ano-ano.”

“Ano? Hindi ako ganon. Kunin mo na. Bakit ba ang kulit mo?”

“E kasi nga baka kung ano yan!”

He huffed then reached for my hand. Nashock ako kasi ayun na naman yung wave of familiarity. Parang sinasabi ng subconscious ko na dapat kilala ko siya. Pero anumang pilit kong pagalala, hindi ko talaga siya makilala. Inilagay niya sa kamay ko yung item. Nakatingin lang siya rito at hindi umimik. Ilang saglit pa, nagsalita siya.

“It’s my peace offering…For what I did to you.”

Nashock ako. Nagsosorry siya?! Hindi ko man siya kilala pero based sa kanyang pagiging arogante, feel ko hindi siya ang type ng tao na nagsosorry. Yun yung first impression niya sakin e.

“I’m sorry…That I kissed another girl.”

Wait, what?

Sorry siya…dahil may hinalikan siyang ibang babae.

Ibig sabihin…hindi siya sorry…sa pagkiss niya sakin?

“Ano?”

“I said I’m sorry for kissing another girl.”

“But you’re not sorry for kissing me?”

Iniangat niya yung ulo niya. Wala siyang reaction for 5 seconds nang bigla nalang tumaas yung isang corner ng bibig niya.

“Now why would I be sorry for that?”

Bago ko pa masapak for the second time, nakaiwas siya agad.

The Story of Me and You [SLOW UPDATE]Where stories live. Discover now