Chapter 4 ( Happy Monthsary )

Start from the beginning
                                    

.

.

“HOY! ANONG PINAGSASABI MONG GOODBYE THERESE JAN? BANGON NA! DIBA SABI MO MAG PAPAGISING KA NG ALAS SAIS?”  gising sa akin ni Jade

(O___O) AKO

“Pare! Totoo ba? Nananaginip ba ako? O totoo na to?” tanong ko kay Jade

“Baliw, nanaginip ka lang, baliw talaga to, may pa “GOODBYE, GOODBYE THERESE” ka pa, eh ano ba yung napanaginipan mo? Sabi ni jade

Sinabihan ko sya sa kung ano yung naging panaginip ko, waaaaa ang sama nun, kala ko totoo na yung panaginip ko, mas masama pa sa bangungot yun eh, yung umalis na hindi kasama si Therese naku, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakali.

Kaya naman dahil dun, parang nagkaroon tuloy ako ng brilliant idea para sa Monthsary namin ni Therese, waaaa ang sama ng panaginip ko sa espesyal na araw naming dalawa, hehehe idadagdag ko nalang yun sa sorpresa ko para sa kanya.

“Oh sige pare, ako ang bahala, hahaha” sabi ni Jade na sinabihan ko sa kung ano ang plano

“Basta Jade kailangang wag kang magpapahalata ha, dapat malinis ang trabaho mo! Tapos ikaw na bahala kumausap kina Princess at sa iba about dun sa plano natin” sabi ko naman

So nung nag alas syete na eh umalis na ako sa hotel namin at nagpunta sa lugar kung saan ko gugulatin si Therese.

Pray nyo na maging successful yung plano guys, hahahaha

 

End of POV

 

Therese’s POV

“Oy Therese? Are you fine? Baka may importante lang na inuwi si Stephen kaya ganun, cheer up okay?” sabi ni Princess

“Naku, okay lang naman ako Princess eh, kayo talaga, pero teka? Sino yung papalit kay Stephen ngayon?” tanong ko sa kanila

Hayyy, hindi parin ako makapaniwala na umuwi nga si Stephen, kakainis naman eh, hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya umuwi, susuntukin ko talaga yun pag nakita ko yun, di man lang nagpaalam sa akin, pero baka nag importanteng importante siguro yun para umuwi sya agad, naku namannnn

“Ayun sa rules, yung 1st runner up yung pwedeng pumalit if in case wala ang Winner, pero since wala naman yung 1st runner up dito kasi nga naman diba, biglaan yung pag uwi, eh si Jade lang yung pwedeng pumalit kay Chua” sabi ni Sam

“Ahhhh, okay lang naman pala eh, hahahaha makakapagpatuloy parin tayo sa Whiz” sabi ko

Pagkatapos nang medjo mahaba habang kwentuhan at tawanan namin eh nag desisyon kaming bumaba ng hotel lobby at kumain dun ng breakfast sa isang restaurant sa loob at infainess ang sarap ng mga pagkain nila dun.

“Therese, matamlay ka yata ngayon, hahahha wag kang mag alala babalik din naman si Chua eh!” biro ni Czarina

“Naku, hindi naman ahh, halata ba?” tanong ko

“OO, HALATANG HALATA” sabay nilang sabi

(>____<) Sorry naman, di lang maiwasan, mawawala din naman siguro to mamaya diba?

“Hehehehe, pasensya na”  sabi ko

“Hayy buti nalang talaga at wala munang Whiz ngayon, makaka gala pa tayo buong araw! Hahaha sa yung susunod nating pupuntahan natin later guys?” tanong ni Gail

Oo nga pala nakalimutan kong wala pala munang contest ngayon, binigyan kami ng 1day break para makapag prepare dun sa Quiz Bowl, nyaaaaa nakaka pressure tuloy.

The Ignorant No MoreWhere stories live. Discover now