7 - Pagibig na Lumisan

44 0 0
                                    

PAGIBIG NA LUMISAN

'Di mawari ng aking isipan,
Saan ako nagkamali?
Pag-ibig nating wagas,
Sa saglit na ako'y nawala,
Nawala na rin.

'Di mawari ng puso kong nawasak
Ano b'ang pagkakamali?
Mahal ko, ikaw ang buhay ko
At kung ika'y susuyuing muli,
Ako ba'y mamahalin uli'?

Pananabik sa iyo'ng halik,
Pananabik sa iyo'ng pag-ibig,
Kalian kaya muling magbabalik?
Puso ko'y ikaw ang hinahanap
Oh, mahal, na sa'n ka na nga ba?

'Nang tayo'y muling nagkita,
Ngiti sa'yong mga labi, hindi ko Makita.
Lungkot sa'yong mga mata at simangot sa iyo'ng labi
Ano'ng nangyari aking mahal?
Halika rito't ika'y aking yayakapin.

Sa ating muling pagkikita,
Hindi ko akalaing puso ko'y muling masisira
Sapagkat saki'y iyo'ng sinabi,
"Mahal ko ika'y magingat,
Ika'y aking pakakawalan na."

Sa iyo'ng paglisan, dala mo aking puso
Naiwan akong nawawala sa ulo. Tanong ng isip ko,
"Pag-ibig mo'y sa akin, saan nga ba nag tungo?"
Mahal ko, paanong ako'y mabubuo
Kung ikaw lang ang tanging kumukumpleto?

PoemsWhere stories live. Discover now