Chapter 33**He said, she said

4.7K 65 7
                                    

napapa-UD ng wala sa oras. ang kyoot kasi ng feedback ng last chapter. hehehe.

vote and comment lang po.

---

Dwayne & Alex’s POV

<a/n: POV nga po ng AleYne to. Ang POV ni Alex nasa parenthesis.^^ Questions? Suggestions? Violent reactions? Comment lang po kayo.>

Limang taon na ang dumaan, hanggang ngayon problema pa din ni Cyrus si Lavender. Ngayon, inaya pa niya ko na mag-inuman. Tss. Kinakain niya yung iilang oras ko na makakasama ko sana si Alex eh. Kung hindi ko lang to tropa… Oo, alam ko naman kwento nila at kung gusto naman nila talaga isa’t isa, ano ang hadlang? Para silang mga timang.

(Ang tagal na hindi sa’kin nagparamdam si Lav tapos out of the blue dumating siya sa bahay namin at kinaladkad ako sa nearest bar. Kung lalaki lang ang alak, siguro pagseselosan na yun. Laging yun ang kinakapitan ni Lav eh. Agad-agad din namang nalalasing tapos ganito. Kesyo na-miss daw niya ko. Whoo~ Problemado ka lang. Naghahanap ng makakaramay!)

Matapos ang ika-apat na shot ng tequila, medyo lasing na si Cyrus. Ako hindi nainom. Hindi ako pinayagan ni Alex eh. Balita ko ngayon magkasama din sila ni Lavender. Baliw tong dalawang to. Hindi na lang sila yung magharap ng matapos tong isyu na to. Nadadamay kaming mga inosente. Psh.

(Sa fourth margarita ni Lav, lasing na ang bruha. Yung inorder niya para sa’kin, nakatambak lang sa harapan ko. Walang maghahatid sa babaeng to kapag lasing din ako.)

“Nakita ko siya ngayon.”

(“Nakita ko siya ngayon.”)

“It seems like it’s been forever…”

(“May pakialam pa ba siya?”)

“Mas lalo pa siyang gumanda.”

(“Hindi ko maalis yung paningin ko sa kanya.”)

“Kinamusta ko siya.”

(“May bago na siya.”)

“Siya at siya lang naman ang pipiliin ko.”

(“Masaya na siguro siya ngayon.”)

“Sabi ko sa kanya na-miss ko siya.”

(“Na-miss daw niya ko. Sinungaling siya. Hindi totoo yun!”)

“Totoo yun.”

(“Hindi totoo yun!”)

“Mahal ko siya.”

(“Mahal niya yung bago niya.”)

“Niyakap ko siya sa huling pagkakataon.”

(“Binigyan niya ko ng friendly hug.”)

“Tapos umuwi ako at umiyak.”

(“Tapos umuwi ako at umiyak.”)

“I love her.”

(“I lost him.”)

Nag-pass out din si Cyrus. Tss. Ako pa ngayon maghahatid sa kanya sa condo niya. Hai naku.

(Humagulgol naman si Lav. Muntimang lang. Ano ba ineemote nito?

“Lav. Problema mo ba ui.”

“May iba na siya! May iba na… Waaaaah!!!!”

“Limang taon kang nawala. Ano expect mo? Hintayin ka niya?”

“Hindi. Mahal ko pa rin siya!!!!! Cyrus!!!!!”

“Sssh! Wala siya dito! Di balikan mo!”

“Talo ako. Malakas kalaban ko. Malakas kapit niya! Sila, may anak eh…”

Tapos nag-pass out na din siya. Good luck sa’kin. Ako pa maghahatid sa kanya.

**If I could reach the stars, I'd pull one down for you

Shine it on my heart, so you could see the truth

That this love I have inside, is everything it seems

But for now I find, it's only in my dreams**

CALLING: aa…Dwayne ko

“Hello?”

“Alex, I’m sorry. Ma-po-postpone yung dinner date natin. Si Cyrus kasi nag-pass out.”

“Oh? Si Lav din eh…”

TING! Light bulb!

“Dwayne, dumaan na kayo dito. May plano ako.”

“Sige. Ano bang plano mo?”

“Well… Since malabo silang dalawa, palinawin natin.”

“Ok. Sige. Papunta na ko.”

CALL ENDED

Mwahahaha! Ang layo na ng narating ng plano namin ni Gio. Nandito na oh. Konti pa… I know I’m dead after nito pero she’ll thank me if things went well. ^^ )

Angel in disguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon