chapter 31 : Overnight part two

Zacznij od początku
                                    

Pag-angat ko , yung parang sa FHM na angat. Yung hahawiin yung buhok ganon. Nagulat ako. Kasi nakatayo si Christian sa harap ko.

Muntik tuloy akong ma-out of balance sa pool.

" Anong ginagawa mo dito? " - tanong ko

" Masama ba mag swimming? " - nilagay niya yung paa niya sa pool at bumaba na

Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilain. Muntik akong malunod. Anoba!

" Ano ba , muntik akong malunod " - epic kasi eh

" Dito ka lang , samahan mo ako " - napa misteryoso talaga ng lalaking ito ngayon.

Inirapan ko na lang siya at lumangoy ng parang sirena. Pag dating ko sa dulo agad na siyang lumangoy papunta saaking direksyon.  Inilagay niya ang kanyang kamay sa gilid ng aking pisnge. Pakiramdam ko namumula na ako , namumula na sa galit.

" Problema mo? " - tanong ko

Nagkibit balikat lang siya at umahon na. Aba matinde!

**

6pm na , at inaya na kami ng adviser namin na bumaba para kumain. Kasi may inihanda ang mga crew ng pagkain para sa lahat ng naka stay dito ngayon. Kaya agad na kaming bumaba. I mean ako , mag-isa nga lang pala ako

" Hi best " - akbay saakin ni Sallie

" Hello " - matabang kong sabi

" Sorry na oh " - sabi niya

Um-OO na lang ako at agad siyang iniwan. Naasar ako sakanya. Selfish na kung selfish , pero ang gusto ko AKIN LANG ANG BESTFRIEND KO

Pagkababa ko , ang daming ilaw. Yung pang party ganoon. Grabe , tapos yung iba nag sasayawan. Parang club lang eh. Tapos nakakagulat , yung ibang highschool students din ay naninigarilyo. Gosh! ang babata pa ganyan na agad? Hayy society sucks.

Habang naglalakad akong mag-isa may nakatingin saaking lalaki. Pamilyar ang kanyang mukha. Habang papalapit ako ng papalapit sakanya , parang may naalala ako. Parang ewan. Close ko ata to eh.

" Hi Sam baby! " - bati niya saakin. Sam baby?

" Eh? " - nasabi ko.

" Cho Hernandez here! Cho baby tawag mo saakin diba? Remember? " - sabi niya

Napagmuni muni ko , at ng maalala ko CHILDHOOD FRIEND ko siya.

" Cho! wah. I missed you " - sabi ko

" I missed you too Sam baby. Bakit ka andito? " - tanong niya. Magkayakap kami ngayon. Sobrang close namin

" Eh overnight ng section namin. Ikaw? " - tanong ko

" Overnight din namin ng mga barkada ko. Teka tawagin ko sila " - sabi niya

nag nod na lang ako.

" Sammy meet Luke , Matthew and Drew " - sabi  niya

" Hi " - nakipag shake hands ako sakanila

" Nice meeting you Sammy " - sabi nila

" Haha , nice meeting you too guys " - natawa ako sa Sammy haha

At agad na umalis yung mga barkada niya. Kaya kaming dalawa na lang. Buti na lang may kasama na ako.

" Kamusta love life Sammy? " - siya lang tumatawag saakin niyan

" Eto , complicated. Ikaw? " - naalala ko si Christian

" Eto , crush pa din kita " - sabay kindat niya

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz