🎗Chapter 43🎗

63.6K 2.8K 660
                                    

Snow's POV

"Bes, pansin ko kanina ka pa aligaga eh." Sita naman sa akin ni Yuki. "Sino ba hinahanap mo?"

Malamang hindi na ito nakapagpigil magtanong kasi kanina pa nagkanda haba ang leeg ko sa kakahanap kay Yuan pero sa hinaba haba ng buhok nito eh ni dulo hindi ko makita, syet lang.

"Ah eh, yung si ano..... May kailangan kasi ako sa kanya na ano, hindi ko makita kasi." Sagot ko pa na para akong sira. Baliw baliwan lang ang peg eh.

"Sino at ano? Alam mo ang labo mo kausap ah." Reklamo nito sa akin at ipinagkuros pa ang dalawang braso nito sa harap.

"Tss. Wag mo na nga lang akong pansinin." Saad ko na lang rito at itinigil ko na ang ginagawa ko kasi nagmumukha na akong tanga rito. Ano ba naman kasi ang pinagmamadali ko? Kung magpapakita yun sa akin ay talagang magpapakita yun.

Pumanhik na kami ni Yuki sa klase namin at patamad naman akong nakinig. Iginuhol ko na lang ang atensyon ko sa trainings namin at pilit kong inaalis si Yuan sa isipan ko. Pero kahit anong pilit ko ay sumasagi pa rin siya sa utak ko, nakakashit sa totoo lang.

Natapos naman ang klase namin buong araw na hindi ko nakikita ang Royals. Hindi ko alam kung bakit wala sila. Napakaweird lang dahil walang maingay. Pati nga si Yuki eh tampururot kasi hindi nakita at nakausap si Jin ngayon.

Bumalik na lang ako sa dorm at nadatnan ko naman ang mga katulong doon na naglilinis. Agad na inaya ako ng mga ito ng makakain pero umiling lang ako at pumasok na ako sa kuwarto. Nailabas ko ang isang malalim na buntong hininga at tsaka inilagay ko na ang bag ko sa desk. Hinubad ko na rin ang damit ko para maligo. Pumasok na ako sa banyo at napagpasyahan ko na magbabad sa bubble bath. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Yuan. Hindi ko mapigilan ang mag-isip ng hindi maganda pero pilit ko naman yun inialis sa isipan ko.

Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako dahil sa pag-iisip kaya medyo nagulat pa ako ng magising akong nakababad pa rin. Agad akong napatayo dahil nanlalamig na ako at nagbanlaw na ako at nagshampoo na rin at kung anu-anong essence pa doon na inilagay ko. Syempre banyo kaya ito ni Yuan kaya ang daming bonggang kagamitan dito sa banyo niya at marami din siyang nilagay ng para sa akin.

Agad naman na natapos ako sa pagligo at kukunin ko na sana yung towel pero wala akong towel na nakita.

"Fuck." Naisambit ko. Pumunta lang ako dito na walang dalang towel! Kaya agad akong nalibot sa banyo at binuksan ang mga cabinet doon pero walang towel o roba, dahil natural yung mga towel kasi nasa isang lalagayan katabi ng walk in closet! Tanga lang di ba? Sa lahat ng pwedeng kalimutan eh yung towel pa talaga. Damn, paano ako lalabas nito ngayon? Ni wala akong maipangtakip dahil yung damit ko eh nasa hamper!

Wala pa naman siguro si Yuan di ba? Pero bakit mas pinagdarasal ko na nandito siya? Eh syempre at least may mauutusan akong kunin ang towel o roba pero ngayon wala talaga akong mautusan.

Dahan dahan akong lumapit sa pintuan ng banyo at dahan dahan ko rin na binuksan yun. Agad akong sumilip kung may tao ba sa kuwarto at nakita ko nga na wala. Parang nabunutan naman ako ng tinik kaya agad akong lumabas ng banyo at pumanhik sa lagayan ng mga towel. Kumuha ako ng isa pero parang nagfreeze naman ang kamay ko ng marinig ko ang langitngit ng pintuan kaya parang nagslow motion akong napalingon.

😱<< me.
😳<< him.

Parang napako din sa kinatatayuan si Yuan na nakatingin sa akin. Kaya ng matauhan ako ay agad na tumakbo ako papasok sa walk in closet dala ang towel! 😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱😱 OMG!!!!!!!! Nakakahiyaaaaaaaaaaaaaaa! Nakita niya akoooooo! Parang halos maiyak ako sa kahihiyan! Pero biglang naalala ko naman na may nangyari na pala sa amin dati di ba? Pero syeeeeeettttt nakakahiya pa rin! Hindi kaya ng pakapalan ng mukha! Nakakahiya! Huhuhuhuhuhu.... Bakit naman kasi biglang pumasok na ito ng kuwarto? Hindi ba siya marunong kumatok? 😖 Pero syempre kuwarto niya ito eh, alangan kakatok pa siya.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon