🎗Chapter 16🎗

67.6K 3K 1K
                                    

Snow's POV

Parang napako ako sa kinatatayuan ko. Paano ba naman kasi, nandito lang naman ako sa kuwarto ni Yuan. Sabi niya dito daw namin gagawin ang refresher ng mga subject ko. Gusto ko sana doon na lang sa living room o kaya naman sa study room, kaso sabi niya maiistorbo lang daw kami dahil sa mga kasama namin at kailangan ko raw ng 100% attention sa refresher namin. Napapangiwi na nga lang ako eh, kasi nirerequest niya ang full attention ko eh paano kung ganitong kami lang dalawa sa kuwarto niya at ngayon pa nga lang ay kung anu-ano na ang tumatakbo sa utak ko. 😣

Napatingin na lang ako sa pulang kama nito na king size bed. Hindi ko alam kung bakit ganito kalaki ang kama niya na siya lang naman ang natutulog dito. Kahit sampu siguro kasya dito dahil sa lapad. Napatingin naman ako sa mini library nito. Mas maraming libro dito. May study table din siya na mas malaki at may grand piano pa sa loob.

Kasalukuyan siyang nasa banyo ngayon at naliligo kaya naman ako busy sa kakatingin dito sa magarbo niyang kuwarto. Kahit kisame ang ganda eh.

Halos mapatalon naman ako dahil sa bumukas na ang pintuan ng banyo at iniluwa roon si Yuan na nakasuot lang ito ng denim jeans at wala pang damit pag-itaas. Medyo tuyo na rin ang mahabang buhok niyo, malamang ginamitan ng kapangyarihan. Tumingin pa ito sa akin na parang chineck ako kung ano ang ginagawa ko at pagkatapos ay pumanhik ito sa walk in closet nito at ng lumabas naman ay may suot na itong pang-itaas navy blue polo shirt na hapit sa katawan nito at nakabukas ang dalawang butones sa dibdib. Ang gwapo talaga.

"Let's start." Yaya nito sa akin at lumapit na ako sa study table nito. Nandito na rin ang mga libro ko at pinaupo naman ako nito sa isang love seat! Oo love seat! Hindi ba pwedeng single chair? Willing naman akong kumandong sa kanya ah. Hahaha joke lang, hindi naman ako ganun kalandi pero kasi, magkatabi kami at gusto ko naman kiligin.😊

"We will start with History." Saad nito. Ipinaliwanag naman sa akin ni Yuan ang history na familiar naman ako dahil usually ay about gods and creation na alam ko. Pero nakinig na ako ng nagsimula na itong magpaliwanag sa evolution ng ekonomiya ng universe dahil hindi na ako pamilyar doon. Kaya mataman akong nakinig. Hindi naman ako mahirap turuan at magcatch up kaya medyo naging madali lang sa akin and the way how Yuan explains it ay parang nag-story-tell ito kaya hindi mahirap unawin at feeling ko ay nakikinig ako ng tsismis ng kapitbahay na madali lang unawain at nakakaintriga hahaha. Napaisip din ako na ganito siya katalino dahil ang galing kasi nitong magturo. Kasi yung hindi ka matalino, hindi mo rin alam kung paano magturo sa pinakamadaling paraan. And he is making everything easier for me, tapos ang sarap pang pakinggan ng boses niya.

"Are you following me?" Biglang tanong naman nito sa akin.

Napakurap naman ako. "Huh?..." Biglang tanong ko at ng marealized ko yun ay agad akong nataranta. "O-ofcourse!"

And he smirked! Parang natuwa pa ata ito na nawala ang concentration ko. "I know I look good, and I like it knowing you are staring at me, but your studies is way more important for now so, focus Snow." Nakangising saad nito sa akin.

Nganga! As in literally! Muntik pa nga akong napayuko kasi baka nahulog panga ko sa paanan ko eh. Shemay! Hindi ko naman kasi akalain na sasabihin niya yun! Nayku po! Inaakit ba ako ng lalaking ito? Bakit ang sexy niyang ngumiti? Kahit ngisi yun, nakakaakit! Pero syempre hindi ako magpapahalata noh.

"E-excuse me. Iniisip ko lang kung bakit, mahaba ang buhok mo. Hindi ka naman babae." What a lame excuse! Syempre alam ko kung bakit. It signifies superiority.

"I won't argue with that. Tsaka na kung tapos na tayo sa refresher mo. I will have my whole time to answer all of your question." Ngiting saad nito sa akin.

Gaaaddddddd! Why is he so kind? Hindi na ako nagtataka kung bakit crush ko siya! He's....... He's....... fun to be with and his smile is making my knee jerked. I always see him smile na ikinapagtataka ko naman na laging nagugulat sila Luna kung ngingiti si Yuan. Well, according from Luna eh ipinaglihi daw ito sa sama ng loob na hindi marunong ngumiti. But he is smiling, kaya naisip ko na baka exaggeration lang yun ni Luna.

DARK ||Universe of Four Gods Series|| Book 4 (Soon to be Published)Where stories live. Discover now