Chapter 7: An Unexpected Double Date? Part 2

Start from the beginning
                                        

"So kasama mo rin siya kahapon? Baket? Marami ka ng sinisikreto sa akin ah!" Tanong niya ulit. Sabi ko sainyo eh, yun yung tatanong niya! Bestfriend ko 'yan eh!   Wait.... Anong sasabihin ko? Pag sinabi ko na tinutulungan ko si James and Jeremy, para sa regalo niya, lintik ako sa babaeng 'to! 

Ito lang na-iisip kong dahilan. No Choice! Syet! James and Jeremy you owe a lot sa gagawin kong 'to! Kaya ko ba 'to! Hay! Sige na!

"Kasama ko siya kahapon, dahil kami na!" kalmado kong sinabi sa kanya. Iniisip ko kung maniniwala siya. Sana maniwala na siya, ayoko kaya ma-interrogate. Para kang nasa hot seat. *cross fingers* sana maniwala siya

"WHAT!!!!?" bigla niyang sigaw. Lahat ng tao sa coffee shop napatingin sakanya, pati sina James and Jeremy. Yes! Naniwala siya! Baket ako natutuwa? Ano ba 'tong sinabi ko? Yung mukha gulat na gulat ako din naman eh! Naniwala naman 'to na magiging kami nung mokong na 'yun! OH! PLEASE! 

Kinain ko ata yung sinabi ko kanina na 'I'm not a liar, so I'm gonna tell the truth' Pero di naman siya actually lie. It's a white lie. For good naman ginagawa ko, para kina James and Jeremy, para di sila mapahamak diba! So I'm still good ang not a liar! 

"Wag ka ngang maingay!" sabi ko sakanya na medyo nahihiya sa mga tao sa loob ng coffee shop

"Hindi ba 'yan yung bet? Baka nag-a-assume ka lang at akala mo for real na 'yang pagiging girlfriend mo. Baka naman kinareer mo kasi?" pagdududang tanong niya sa akin. Akala ko naman, naniwala na! Ako mag-a-assume na maging girlfriend niya? In his dreams. Pumayag na nga lang ako gawin ang pagiging FAKE girlfriend niya for 1 week sa baguio dahil sa bet na 'yun, tas ngayon i-a-assume ko daw na totoo yun at for real na kami. Hay!

Di ko talaga gagawin to if it wasn't for that gift. Ayoko naman kase mapahamak yung dalawa, at magalit sa akin si Mina. Kawawa yung dalawa dahil nag-effort na alamin kung ano talaga gusto ni Mina, para sa birthday niya. At binili na talaga ni Jeremy yun! Sayang naman diba! Sasabihin ko yun totoo kay Mina, kapag na-ibigay na yang gift na 'yan! Ngayon kailangan ko yung cooperation ni James. Ngayon naman ako nangngailangan ng tulong niya. Mundo naman talaga eh noh!

"Pwera pa yung bet! Totoo na 'to! Kami na talaga" *vomits* medyo nasusuka ako sa mga sinasabi ko. Tumayo tuloy balahibo ko! Nandiri buong katawan ko. BELLE ANO BA 'TONG PINASUKAN MO!!!???

"OMG! So nag-mall kayo kahapon, then iniwan ka niya kaya siya bumabawi ngayon? Baket ka niya iniwan?" tuloy pa din ang pag-tanong ni Mina. Grabe di talaga mauubusan ng tanong. Tinalo pa ang investigator. Gusto talga niya malaman lahat! Ano ba 'yan di ba matatapos tong puro tanong! 

"Oo! Kase dumating 'yan crush mo! Sabi niya kakausapin niya si James sa labas ng coffee shop, tapos after an hour wala na silang dalawa, iniwan ako! Nag-text si James sinabi na nagpatulong si Jeremy sa pagba---" Ay! Nagpatigil ako ng naisip ko na nagpatulong nga pala si Jeremy kay James na pagbalot ng gift niya para kay Mina. 

"Ha? Nagpatulong si Jeremy saan?" bigla niyang tanong, dahil nga bigla akong napatigil

"Nagpatulong sa........ pagba-bagahe ng........ damit ni........ Jeremy!" mabagal kong sagot sakanya dahil iniisip kada word, baka kase madulas ako!

"Alam mo bes, maganda rin na hindi ka nakasama ngayon eh! Dahil nagkaroon kami ng moment ni Jeremy! Pinipigilan ko ng nga lang yung kilig ko eh!" sabi niya sa akin habang nag-ba-blush. Grabe moment na pala ang tawag sa pag-go-grocery ngayon! 

"Aww! Halika na puntahan na natin sila" niyaya ko na siya pumunta kina James and Jeremy. Habang nag-lalakad napag-isip-isip ko na di talaga pwedeng mangyari  na maging kami ni James. Sa bet nga lang ayoko na, pano pa kaya pag totohanan na! Kami nga ni James never nagkaroon ng name ang relationship namin... di kame strangers... di kame acquaintance... di rin kame friends... Tapos magiging kame agad! Diba napaka-imposible! Rival turns into a lover? Di yan pwede.

Ewan ko nga kung baket naniwala itong si Mina eh! Magagalit kaya siya sa akin pag sinabi ko sa kanya, once na binigay na sakanya yung regalo na hindi talga kami ni James? Baka naman pa-uwiin ako mag-isa nun dahil sa galit galing baguio.BELLE! MATALINO KA NGA! BAKET DI MO INISIP MUNA 'TONG PINASUKAN MO!! HAY! 

"Baket di na lang tayo magsama-sama?" tanong sa amin ni James

Grabe! Babawi daw siya! Halos wala pa nga kaming nagagawa dito sa mall kung di mag-ikot lang! Tapos magsasama pa siya ng iba? Di naman talagas sila iba, kaibigan namin sila. (Nagseselos ka ba na isasama ni James sina Mina at Jeremy?) Hoy! Hindi ah! Pwede ba author, wag ka ng dumagdag sa problema ko! (Okay!)

"OMG! Like a Double Date!!" Sigaw ni Mina.. Grabe! Ano daw sabe niya? Alam niyo iba-iba ang reaksyon naming apat.

Si Mina Excited sa Double Date daw! ^_^

Si Jeremy bigla naman namula dahil tawag daw sa ginawa nila ni Mina ay 'DATE' =">

Si James naman confused ang mukha. Baka akalain niya na sinabi ko kay Mina na niyaya niya ako mag-date. ?_?

Pero di niya lang alam na mas-worse pa dun ang sinabi ko! Yung reaksyon ko naman! Poker -___- 

Ano ba 'tong pinasukan mo Belle? Ngayon ikaw na ang nangangailangan ng tulong ni James! Pano na 'to! Kailangan ko na magpanggap na totoo na talaga niya akong girlfriend! Paano yun? Ano mangyayare sa Unexpected na Double Date na 'to?

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now