This is the most boring time of the day, until I saw her. Mabait, mapagbigay, palangiti at maganda. Sinasamantala nilang lahat ang taong ito. Matagal ko na gustong pakiusapan ang mga iyon pero mukhang wala na talaga silang puso para maging totoo sa babaeng matagal ko nang sinisilayan. Siya si Willow Gift Faranuwa. Ang ganda diba? Gift, dahil ang akala ng parents niya ay hindi na sila magkakaroon ng anak hanggang sa biyayaan sila ng isang napakabait ng nilalang.
"Oy Cleron! Tara na. Baka dumating na si ma'am." Sigaw ng kaibigan kong si Vhan.
"Ayoko dun sa masungit na yon! Mag skipping na lang ako kesa sermonan ni tandang Kulubot." Saka ako umalis. Minura pa ko nung hayop na yon pero tinawanan ko lang.
Sa totoo lang hindi ko alam kung san ako tatambay, basta ang alam ko ayokong makita yung teacher namin dahil puro sermon lang naman ang ginagawa niya.
Habang naglalakad ako, nakita ko si Willow kasama ang mga kaklase niya. Lumapit ako para makita kung anong meron dun.
"Teka, guys! Hindi ba masama yan? Baka mahuli tayo." Tanong ni Willow. Naninigarilyo yung mga kaklase niya at sa kanya ibinubuga yung usok.
"Kaibigan mo kami diba?" As if naman. "Kung totoo kang kaibigan pagtatakpan mo kami." Sabi nung isang babae.
"Pero mali yung ginagawa niyo eh?" Sagot ni Willow.
"Kaibigan ka ba talaga?" Biglang tanong nung isang lalaki.
"Oo naman, pero bilang kaibigan sinasabi ko lang kung anong tama at anong mali." Sabi ni Willow
"Sinasabi mo bang bobo kami at hindi namin alam ang tama at ang mali?"
"Hindi naman sa ganon --" naputol ang sasabihin ni Willow nang biglang dumating ang Pe teacher.
"Hoy! Kayong mga bata kayo! Bakit kayo nagcucutting?!" Galit na sigaw nung teacher. Umamoy amoy pa siya at parang nahalata kung anong ginagawa nila. "Naninigarilyo ba kayo?" Napating si sir dun sa sahig kung nasaan ang kaha ng yosi at lighter. "Sumunod kayong tatlo sa akin! Ngayon na!"
Sumunod ako ng patago at pumasok sila sa guidance office. Sakto may studyanteng magpapasa ng mga notebook.
"Akin na yan, ako na mag aabot." Sa kulay ng notebook halatang Values subject. At iisa lang naman ang teacher sa values. "Kay ma'am Cataqutan diba?" Tumango tango siya habang nanginginig. Binigay niya yung mga notebook at tumakbo paalis.
Pagpasok ko sa loob sakto wala si Ma'am kaya nagstay ako sa loob at nakinig.
"Kanino yung sigarilyo na toh? At itong lighter?" Tanong nung guidance councilor.
Nagtinginan yung dalawa at sabay na tumingin kay Willow. Si Willow naman ay tumingin at sumagot.
"S-sakin p-po ma'am." The two people behind her breath relief when Willow confessed.
"Susmiyo! Willow Gift Faranuwa tama?" Tumango si Willow sa tanong nito. "Sabi nga nila, mas nakakatakot pa ang batang mukhang mabait. Hindi ko akalain na gagawa ka ng Ganito Willow. Akala ko pa naman ay mabait ka. Napakatalino mong bata pero puro offense ang nasa record mo ija. Una nagdala ng alak, pangalawa ikaw ang may pakana ng sunog sa kitchen at ngayo ito? Baka naman sa susunod mabalitaan ko bumubugbog ka ng studyante?"
"Hindi ko po magagawa yun ma'am." Sagot ni Willow.
"Kayong dalawa? Bakit naman kayo napasama dito?" Hindi sila makasagot, sa halip si Willow na ang nagpaliwanag ng kabaliktaran.
"Sinama ko po sila dahil ayoko po mag isa. Wala po silang kasalanan dito ma'am."
"Diyos ko! Ija, baka naman hindi ka na makatungtong ng 4 th year sa mga ginagawa mo."
"Pasensya na po."
"Sige bumalik na kayo sa klase, pagiisipan pa namin kung anong pwedeng iparusa sa iyo." Sabi ni Ma'am at saka umalis sila Willow. Nauna na akong lumabas at nagtago sa hindi kalayuan.
"Salamat talaga Willow ah! Kaibigan ka talaga!" Sabi nung babae.
Ibang klase!
Grabe sila! Si Willow lang ang mapaparusahan sa kagagawan nung mga kaklase niya.
Days after...
Naglalaro kami ng basketball ng mga tropa kong biglang tumunog ang speaker.
"Paging, Willow Gift Faranuwa. Please proceed to the Guidance office. Again, paging Willow Gift Faranuwa please proceed to the Guidance office."
What is it now? Bakit nanaman siya pinapatawag? Paalis na sana ako nang bigla akong hilahin ng tropa ko.
"Saan punta mo tol? Di pa tabos game natin." Sabi ni Mason.
"May pupuntahan lang saglit." Sabi ko at akmang tatabigin ko na ang kamay niya biglang sumingit ng linya si Quio.
"Si Willow ang pinapatawag, hindi Cleron."
"May gusto ka ba sa Odd girl na yun? Nagbago na taste mo? Grabe bumaba na standards mo." Gusto ko siya sapakin pero dahil sa ma pride akong tao.
"Oy Hinde noh! May nakita lang ako titignan ko sana. Wala na eh biglang pigil kasi kayo eh. Ang ganda pa man din." Sambit ko.
"Oy Chix! Sayang, akala ko kasi dahil dun kay Willow." Sabi ni Quio.
Naglaro kami ng naglaro hanggang sa nakalimutan ko yung tungkol kay Willow.
Kinabukasan...
Hay, school. Classroom, teachers. Wala akong mapapala dito. Naturo na rin naman na sakin lahat ng mga lesson.
Nakita ko si Vhan tumatakbo palapit sa amin. "Uy big news! Na-expell daw si miss Odd girl."
"Bakit daw?" Napaiktad ako at mabilis kong tinanong kung bakit.
"Heavy offense daw ang ginawa niya pre. Kilala mo ba si Roxx. Balita ko siya daw bumugbog dun at ngayon comatose." Sabi ni Vhan. No she can't do that. They really crossed the line.
"Grabe, di ko akalaing ganun si Willow, akala ko pa naman mabait siya."
"Oo nga eh, napaka mala anghel ng ngiti niya, sa likod pala nun nginting demonyo."
"Grabe, si Roxx nabugbog niya? Himala. Eh Gang leader yun eh."
Bulungan at comento ang maririnig sa magkabilang side. Maling mali! Hindi dapat umabot sa ganito. Grabe sila.
"Uy si Willow daw nasa rooftop!!" Rinig naming sigaw ng isang lalaki habang tumatakbo sa labas. Napatayo ako at tumakbo papuntang rooftop. Pagdating ko maraming teacher ang pumipigil sa kanya sa malayo.
"Ija, get down from there."
"Willow, wag kang tatalon pakiusap."
"Walang naniniwala, hindi ako karapat dapat na mabuhay. Hindi ako isang Regalo sa magulang ko kundi isang Karma sa buhay nila." Bulong niya na sapat para marig namin. Lalapit na sana ako pero bigla siyanb sumigaw. "WAG KANG LALAPIT! Pare-pareho kayo. Tama na, magbago na kayo, dahil wala nang magtatanggol sa inyo." Sa mga huling salitang binitawan niya ay unti unti siyang ngumiti at humakbang paatras.
"WILLOW!!" Hindi! Hindi ko siya nahawakan! Hindi ko siya naligtas. Sana pala tinulungan ko siya noon. Ang t*nga ko. Nakita ko kung pano siya bumagsak at kung paano umagos ang dugo mula sa ulo niya.
Nakita ko sa baba ang mga kaklase niyang pinagtanggol niya. Hindi sila malungkot. Nakangiti sila, hindi na sila naawa. Hindi man lang sila thankful sa ginawa niya para sa kanila.
Pangako, babawi ako para sayo Willow. Whatever it takes.
YOU ARE READING
HER
RandomShe was an Angel She was A great person She was happy... Before... Her life began to fall Her parents disgraced her She tried to end it all. Now... She is a demon in disguise She will befriend you She will make you fall for her... She will break you...
