Short story
"Okay."
____________________________
Tyrone's Pov
"Ty!!!! Huy! Hintay lang naman! Alam mo namang hindi ako maka habol sayo sa laki ng mga hakbang mo! Huy! Wait!" Sigaw ni saria.
Hello nga pala...Ako si Tyrone Cy.
At yung babaeng nag hahabol sakin ay si Saria Yannis Natividad. Siya ang kauna-unahang babaeng nag sabing liligawan niya ako. Siya lang talaga ang walang hiyang nag sabi na liligawan ako.
"Bakit mo ba kasi ako kailangan habulin,ha?!" Sigaw ko sa likod.
"Eh kasi...para sigurado na ligtas ka pag Pasok mo sa room mo...Hihihi." Sabi niya. This girl is irritating...Buti gwapo ako.
"Tsk. Doon kana nga! Don't follow me!" Sabi ko. Tumigil ako at hinarap si Saria.
"Ay...pano kita di susundan eh dun din ang punta ko? Tyrone ko naman. Magkaklase tayo!" Sabi niya at nag pout. My heart suddenly beats fast.
"T-tch! Bahala ka na nga dyan!" Sabi ko. Babaeng to,oo.
Nandito na ako sa classroom. Wala pa ang teacher namin.
Kaya nakikipag-usap ako sa mga gago Kong kaibigan.
"Hay! Swerte ko ba ngayon!" Sabi ni Clayn.
"Ba't? Dahil naka hawak ka ng tae?" Bored na sabi ni Kyle.
"Hindi,gago! Nahalikan ko lang naman si crush!" Sabi niya at kinilig na parang bakla na sinasasakal.
"Sus! Mas swerte ako,pre!" Singit ni Jae.
"Bakit?" Tanong ni Clayn.
"Kasi naman... Tumaas ng kaunti yung grades ko! Mga...75." sabj ni Jae. Tumaas nga. Sobra. Nakaka inggit. Kasi yung grade ko nasa 94. Eh. Kawawa ako.
"Lol! Mas swerte si Tyrone!" Sabi ni kyle.
"Ba't naman?" Tanong ni jae at Clayn.
"May manliligaw yan eh! Hahaha! Gwapo mo talaga! Hula ko,di ka tinatantanan nun ah." Sabi ni kyle.
"Gago." Tatatawang sabi ko.
"Nandyan na si ma'am!!!!" Sigaw ng kaklase namin. Kaya lahat kami ng si-ayos. Nasaan na yung baliw Kong manliligaw na si saria?
"Pre...nakita mo ba yung baliw na manliligaw ko?" Tanong ko kay Kyle. Humarap sakin si kyle at ngumisi.
"Bakit? Miss mo?" Tanong niya. As expected from kyle ten yu. Mahilig manh-asar.
"Hindi noh! Mandiri ka nga!" I denied. Yes,i miss her. Huh?! Ano daw?! Miss?! Sino?! Si saria?! No way,away!
"Hahaha,Halata kana,pre." Sabi ni kyle...
Ano daw yun?! Ang gwapo kong mukha ay mapupunta lang sa baliw na manliligaw ko?! Yuck.
****
"Dismiss." Sabi nung teacher. Kaya lahat nag labasan na.
First time hindi pumasok nung baliw ah.
Nasa may open field na'ko kasama ng mga kaibigan ko nung biglang may tumawag sakin.
"Ty! Ty! Tyrone!" Aish...alam ko na kung sino yun. Yung mga kaibigan ko todo asar naman.
"Ayan na,bro. Sagutin mo na. Hahaha." Sabi ni jae.
"Ty! Ty! Tyrone!" Gaya naman ni Clayn.
Ngumisi lang naman si kyle.
Bahala na! As least gwapo ako.
YOU ARE READING
"Okay." ||•Short story•||
Short StoryShort Story Cast(s) Saria√ Tyrone√ Kyle√ Clayn√ Jae√
