Morion bubungi, May Tae sa BINti (on-going)

9 1 0
                                    

ilang buwan na rin akong nasa Maynila.. Ilang tonelada na rin ng agiw ang nasa ilong ko. ilang beses nakalanghap-sarsp sa cubicle ng MMDA sa mga sidewalk. ilang baitang na rin ang aking naakyat panaog sa overpass at underpass na kung susumahin ay naakyat ko na ang estatwa ng Jesus the Reedemer sa Rio. ilang beses ng naconsensia kung mahuhulog ng piso sa lata ng matandang nagtututog ng gitara, di ko mawari kung totoo na bulag o props lang ang salamin at saklay o baka pakalat ng sindikato dahil sa VIP ang mga ito bago pumunta sa kanilang pwesto may escort kasi. ilang beses ng tumangi sa tagay ng mga tambay sa iskinitang dinadaan ko. Ilang beses pumasok, umuwi at pumasok ulit.. ilang beses di kumain at ilang beses nagtipid...

SIguro sakto na ang ipon ko kay piggy, mataba na siya, siksik, liglig, umaapaw, di na mabuhat, di pa makalog... Oras na siyang sentensyahan.. [Basagin na ang baboy, basagin ang] saglit wag ata han... "sa Ngalan ng Ama, ng ANak at ng Ispirito Santo. Amen. [basagin na ang baboy basagin na ang baboy..] "anank ng baboy oh.." sorry po... (nagsesenti kasi ako nakikiaagaw nang camera) Papa God, sana po mapatawad niyo ako sa akin gagawin.. sana po wag nio ako isumbong sa PAWS o sa DENR dahil papataw ako ng hayop. sana po malaki ang laman niya... ANg lahat po ng ito ay idinadalangin ko na ngalan nang Inyong Anak na si Jesus. AMen.." (basagin na ang baboy, basagin na ang baboy.) oh di kayo na ang magbasag..... Mercy Killing ang tawag dun.. Mataba taba na si piggy, ayaw ko man pero kailangan.. Kung ipagbili ko kaya siya sa palengke, kahit isang daan kada kilo,, bagsak presyo pero tiba tiba pa rin ako, kaso ceramics si piggy eh.. ..

Yung hulog ko na pabarya barya mula sa naititipid ko umabot na pala ng tatlong libo.. Sa tatlong libo na ito plus pa ung makukubra ko ngayon sa pinagtatrabahuhan. tiyak makauwi na ako sa probinsya, may pasalubong pa.. Bukas na bukas lalarga na kaya ako. simula na ng pag-impake at ikasa ang oplan balik-probinsya.. "ai ai, captain" "i cant Hear you" "Ai Ai, CAPTAIN."

total bakasyon naman, dapat break na rin muna kami ni pulusryron at ng kabit kong si consumisyon.. sisilayan ko munang muli ang probinsya...

Dyahe, ayaw ko talaga sa maynila't.. kung di tawag nang pangangailangan di ako paparito kaso, ang pag-aaral ko papaano, kaya kahit di arok nang isip ko pinilit ko pa rin.. apat na taon lang naman... Kasi naman tinaggal pa sa probinsya tong kursong gusto ko... Kesa naman magEduaction ako, magtuturo sa mga bata.. paano ang kinabukasan nila kung magiging teacher nila ay tulad ko.. sinasabing kabataan ang pag-asa ng bayan,,, tapos lalo kung sasaulain ang buhay nila, at yung mga sinabi ni Rizal ay hanggang nobela nalamang o di kaya hanggang salita at kailan man ay di maisasakatuparan....

Ung pagka-ayaw ko sa Maynila ay pagkahumaling naman ng squatters dito, {ay di na pala sila squatter MARALITANG TAGA-LUNGSOD raw ang tawag sa kanila, yun nga ba o sila ay maayos-ang-buhay-sa-probinsya-nakapunta-sa-maynila-nabulag-ng-trabaho-daw-at-di-naglaon-ay-magsiksikan-at-tuluyang-naging-maralita. gustong-gustong sumingit ng sumingit, ay di alam na mabaho dun.. binibigyan ng relocation, pabahay na ayaw pa, gusto sisiksik pa rin. inaalok ng libre para umuwi sa probinsya ayaw din. tapos kapag nagkagipitan, binaha, nasunugan, sisihin ang gobyerno sa mabagal nitong aksyon, (mabagal nga naman)... SA kanila kasi sa Maynila may trabaho, sa maynila ka uunlad, sa maynila giginhawa ang buhay..... pero kung nasa probinsya ka, magtamin ka lang ng camote ayus na, makisa ma ka sa kapit-bahay, pauutangin ka. sa Maynila, wala kang aasahan kundi sarili mo...

Basta uuwi ako sa probinsya, kailangan na ng lungs ko ng sariwang hangin, di polluted, pure oxygen kung available pero di ung galing sa tanke. kung laging ganito ang malalanghap ko di malabong pure oxygen na nga sa tanke ang magbubuhay sa akin.susulitin ko ang isang liggong bakasyon, MAhal na Araw na rin naman... Bakasyon na walang proproblemahin kahit ano... dahil pagkatapos nito balik lungsod ulit, may summer class daw... kala ko ung summer para sa bagsak lang kaya nga pinagbuti ko para pasado lahat ng subject ko pero un mga may summer. Sabi ung summer daw ai para maging four year lang ung dapat na five yeare course namin... pero di bakit di pweding walang summer, total walang talagang summer sa Pilipinas pa uso lang nilang bulok dahil sa impluwensyang kanluranin... kung tutuusin Summer, ayon sa dictionary,

summer/ 

1. N-VAR 

summer is the season between spring and autumn when weather is warm or hot.

malinaw na sa country above and below tropic na may apat na klase ng klima merong summer.. tapos ipagpipilitan sa tropical country tulad ng Pilipinas,, tag-init ang tawag dun. init ulan, init ulan lng tao, hindi man WInter,, spring, summer, autumn.. gusto ba nila mag nyibe sa pilipinas... maku pagnang yari un climate change na at galit na talaga ang kalikasan sa atin...

 

 

nasa bus station na pala ako. dahil sa kung ano-anong sentimiyento-di-kulapo ko.. di ko na namalayan na nasa bus staion na ako... . di gaanong kasikipan, maluwag para makagalaw pa kami ng maayos... makaupo agad ako sa waiting area inaabangan ang pasigaw ni mamong na kanina ko pa inaantabayanan.... ito na ang hinhintay ko, "ung lucena po lucena, sakay na", ang pagsigaw ni manong... bakilwas agad ako sa pagkakaupo at hangang makipambuno para sa upuan ng bus, yungv upuan sa may likod ng drayber.. ayaw ko sa bandang huli, o sa unang una.. takaw disgrasya dun.. di naman sa dinadalangin ko na may kung anong mangyari pero.. Safty first ika nga... sa likod ako ng drayber umuupo dahil tiyak safety first din ang nasa isip ni manong.. kung sakaling may mangyari ililigtas pa rin ni manong ang sarili.. natural reaction siguro... ....

maginlkan nilang mintu umamdar narin ang sasakyan, konting dasal for safe trip at pagkatapos natulog na ako pahinga ng konti.. tska baka maabutan pa akong gising nung sumasakay sa bus, na galing opisina na may inaabot na sobre..baka mabawasan pa ung ipon ko kay piggy.. di naman sa kadamutan.. di ko lang naman talaga alam kung saan napupunta un... tska maaari naman akong makatulong sa ibang paraan di sa pagbibigay ng pera..

 

 

Morion bubungi, May Tae sa  BINti (on-going)Where stories live. Discover now