KABANATA 1

0 0 0
                                    

"No!" pabalikwas siyang nagbangon, humihingal na napalingap sa paligid.

Pero ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang kadiliman ng silid na iyon, habang nakayakap sa kanyang katawan ang lamig ng aircon.

Oh God! Hanggang ngayon, hindi pa rin ako tinatantanan ng bangungot na iyon?  Hanggang kailan ba ako tatakas, magtatago?

Inot-inot na umalis sa kama si Jaxxen, pagkuwa'y kinuha niya ang kaha ng sigarilyo at lighter sa gilid ng side table at lumabas ng cottage na iyon.

Sumalubong sa kanyang paningin ang malawak na karagatang nalalatagan ng walang hanggang dilim.
Maging ang malamig na hanging-panggabi ay dumapyo sa kanyang mukha.
Napapikit si Jaxxen, ninamnam ang masarap na pakiramdam na iyon na kahit paano yumakap sa kanyang buong pagkatao habang binubuga ang usok mula sa sinindihang sigarilyo.

That was six months ago, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang gagawin ko, hindi ko pa rin alam kung paano ito haharapin, hindi ko alam kung paano tatanggapin.

Ilang sandali pang nanatili sa maliit na balkonahe ng cottage si Jaxxen, maya maya ay ipinasya niyang pumasok na lang sa loob para ituloy ang naudlot na pagtulog dahil sa bangungot ng nakaraang iyon.

Ano iyon? Pero natigilan siya nang mapatingin sa dalampasigan kung saan may nabanaag siyang isang bulto ng babaeng naglalakad sa dalampasigan palusong sa dagat.

Oo nga, tao! Pero hatinggabi na, bakit maliligo pa siya?

Patuloy niyang tinanaw ang babae, habang may nabubuong hinala sa kanyang dibdib kung ano talaga ang balak nitong gawin habang unti-unti nang lumulusong sa mas malalim na bahagi.

God! Hindi siya maliligo! Magpapakamatay siya! Magpapakalunod!

At bigla ang dating ng realisasyong iyon.

No! Hindi niya puwedeng gawin iyon! Wala siyang karapatan na kitilin ang sariling buhay!

Sukat sa isiping iyon ay hindi na nag-isip ng anupaman ang binata, walang anumang nilukso nito ang pasimano ng balkonahe at nagtatakbo sa buhanginan palusong sa dagat.

Malakas ang alon sa karagatan, tanaw niya na halos ay hanggang dibdib na ng babae ang tubig habang sinisiklot-siklot na ito ng alon.

"Miss! Huwag, tumigil ka na! Huwag mong ituloy iyan!" sigaw niya para agawin ang pansin nito upang maabala sa paglusong habang patuloy naman siya sa paglusong.

"H-ha?" gulat nga itong napalingon sa kanya.

"Miss! Huwag kang magpakamatay!" muli niyang sigaw na ngayon ay halos dalawang metro na lang ang layo niya sa babae.

"Hindi, huwag mo akong pakialaman! Lumayo ka!" sigaw nito nang matiyak ang balak niya na pigilin ito. "Go away! Mind your own business!" saka nagpatuloy sa paglusong hanggang tuluyang lumubog.

"Shit!" napamura na lang ang binata nang makitang lumubog na ito. "No!" pagkuway agad na siyang sumisid para habulin pa ito sa paglubog.

Shit! Ang lamig ng tubig! Nasaan na ba siya? Nag-aninang siya sa ilalim gayung napakadilim.

Hanggang may mahagip ang kanyang kamay! Its her!  Agad niyang dinakma ang mahabang buhok na iyon at hinila paibabaw ang babae na lungayngay na dahil nakainom na ng tubig. Ikinawit niya ang palad sa ilalim ng baba nito nang makaahon na sila.

"Miss! "Miss!" agad niyang inihiga sa buhangin ang babae, pagkuwa'y diniinan ang sikmura para magsuka.
Nang wala pa rin itong kakilos-kilos ay binigyan niya ng mouth to mouth.

Ilang beses iyon ginawa ng binata, hanggang bumulwak ang tubig mula sa bibig nito at kandaubong naghabol ng hininga.

"Its okay - its okay! C'mon, isuka mo lahat, ha?"

Nagpatuloy nga ito sa pagluwa ng nainom na tubig, mayamaya ay nanlalatang muling napahiga sa buhanginan.

"Miss?" tinantang niya ito, tinapik sa pisngi, pinakinggan ang tibok ng pulso.

Buhay pa siya, humihinga pa, wala lang malay. At lasing pala siya. Kaya pala nanlalata. Ano bang gagawin ko sa kanya?

Saglit siyang nagpalinga-linga. Patay na ang ilaw sa office ng resort na iyon. Maging ang disco-bar-restaurant sa tabi niyon ay wala ng tao. Palibhasa ay kokonti lang ang guest ng ngayon dahil tag-ulan.

San kaya siya sa mga cottage na iyon? May kasama kaya siya?

Ilang sandaling pinag- isipan ni Jaxxen kung anong gagawin. Mayamaya ay ipinasya niyang iuwi muna lamang sa cottage niya ang babae upang maayos ito.

Pinangko niya ang babae at nagtungo na sila sa kanyang cottage.
Sa kanyang cottage, inihiga ni Jaxxen sa kama ang wala pa ring malay na babae.
Ilang sandali siyang nag-isip, kailangang mahubaran ng basang damit ang babae dahil baka mapulmonya ito. Kaya naman iyon ang kanyang ginawa.
Sinimulan niyang hubarin ang mga damit nito. Iyon ay sa kabila ng panginginig ng kanyang kalamnan matapos mahantad sa kanyang paningin ang kahubdan nito.

Napakaganda niya! Napakaganda ng kanyang katawan!

Ipinilig ni Jaxxen ang kanyang ulo para pawiin ang agiw ng utak na nagsisimula na namang magpalabo sa kanyang isipan.

Ah, ilang buwan na ba mula noon, anim na buwan na nga pala. At sa nakalipas na mga buwang iyon, kahit mahirapan siya, nagawa niyang kalabanin ang anumang pagnanasa na kanyang nadarama sa mga babaeng nakakasalamuha, naturuan na niya ang kanyang sarili na huwag nang hanap-hanapin iyon dahil wala diyan karapatan.
Hindi na siya dapat magdamag pa sa kamalasang inabot.
Agad niyang ipinilig ang ulo at minadali ang pagbibihis sa babae, pagkuwa'y kinumutan niya ito at hinyaang matulog.
Pinagsawa na lang niya ang paningin sa pagtulog nito.

Napakaganda talaga niya. Bakit kaya siya magpapakamatay? Ano kayang problema niya?

Mayamaya ay napatingin siya sa mga labi nitong nakapinid. Napakaganda ng korte niyon, maninipis na mamula-mula.
Parang kaysarap halikan.
Muling ipinilig ng binata ang ulo dahil baka kung ano na naman ang magawa niya.
Hanggang antukin na siya at nagpasyang mahiga sa sofa na kawayan. Siguradong bukas pa magigising ang babae..

Feel free to leave a comment ;*

Thank you all <3

And vote na din po😂

DESTINED TO BE YOURS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon