PROLOGO

1 0 0
                                    

"Ngayon, tingnan natin kung hanggang saan talaga ang tibay mo."
Pumasok na uli ang lalaki kanina, may hawak na malaking herenggilya na may kung anong lamang likido sa loob.

"Boss, ano iyan?" takang tanong ng kasama nito.

"Ito ang dugo ng isang taong may sakit na AIDS. At kapag naitarak ko sa iyo ang herenggilyang ito at unti-unting pumasok sa katawan mo ang dugo sa loob nito, naglakbay sa iyong mga ugat, Presto! Isa ka ng AIDS victim.

Nanlaki ang kanyang mga mata ss narinig.
Lahat ng panganib na kanyang pinagdaanan ay hindi siya nagimbal nang ganito, ngayon lang.

"No! "No!"

Napahalakhak ang lalaki.

"At nakita ko rin ang kahinaan mo, ha?"

"Hayup ka! Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito!" nagwala siya sa pagkakatali sa bangko kahit na masakit na masakit ang kanyang katawan.

"At sinong may sabi sa iyo, ha? Ano? Aamin ka na ba, o hindi pa?"

Napaisip siya. Sinanay siya ng Ahensiya sa iba't ibang klase ng torture, sumailalim sila sa masusing pagti-training sa lahat ng klaseng paghihirap, ngunit sa isang ito hindi handa ang kanyang utak at kalooban, lalo na ang katawan.

Pero kung ibibigay siya sa pagbabanta nito na sasalinan siya ng AIDS virus, may kasiguraduhan ba na bubuhayin pa siya ng grupong ito?
O, nakakasiguro ba siya na hindi nga nito itatarak sa kanyang katawan ang herenggilyang iyon?

"Ano? Na napag-isip-isip ka na ba? Sasabihin mo na ba sa akin kung anong pakay mo sa amin? O, kung saang ahensya ka galing at---"

"Hindi! Kailanman ay wala akong aaminin! Hayup ka! Patayin mo na lang ako! Hayup ka! Bahala ka na sa gusto mong gawin sa akin, pero wala akong aaminin sa iyo!"

Napangisi ito.

"Okay! Ikaw ang may sabi niyan, ha? Kayo, hawakan at talian ang kanyang braso."

"No! No!" muli siyang nagwala.

Pero malalakas ang mga lalaking pumigil sa kanya, malalaking lalaki at mga mukhang simaron.
Kung hindi lang sana siya nakatali, kaya niyang labanan nang manu-mano ang mga ito.

"Heto na!" itinurok na nga ng lalaki sa braso niya ang dulo ng karayom.

"No!"

DESTINED TO BE YOURS Where stories live. Discover now