Kabanata 4: Forgetting The Unforgotten

Start from the beginning
                                    

"Ah! O sige po Miss Nancy." Nginitian ko pa siya bago ako lumapit sa pinto ng office ni sir Chris at kumatok.

Nang makarinig ako ng "Come In!" ay dahan-dahan kong pinihit ang pinto at pumasok.

"Good evening sir," bati ko sa kanya nang makapasok ako. Agad akong nilingon ni sir pati na ng kasama niya. Natigilan ako nang makita ko ang lalakeng kausap niya. Maging siya ay nagulat din nang makita ako. Mabilis akong tumalikod pero huli na ang lahat dahil alam kong nakilala na niya ako.

"Miss Ricks, is there anything wrong?" tanong ni sir Chris na hindi ko nasagot dahil sa kaba.

"Khiana," ani naman ni Geoffrey na siyang nagpabilis sa pagtibok ng aking puso. Hindi ako lumingon sa kanila dahil sa takot. Nasapo ko pa ang aking noo dahil sa sitwasyong kinahinatnan ko. I tried to stay away from Geoffrey pero ang tadhana talaga ang gumagawa ng paraan para magtagpo kami. Nakakainis!

"Do you know Miss Ricks Geoff?" tanong ni sir Chris sa pinsan niya. Mas lalo akong kinabahan dahil sa tanong niyang iyon.

"Uhm..." Geoffry tried to answer pero agad ko siyang pinigilan. Wala akong nagawa kung hindi ang humarap sa kanilang dalawa para kausapin si sir Chris pero hindi ako nag-angat ng tingin sa kanila. Diretso ko lamang na tiningnan ang kanilang mga paa habang nilalaro ko ang mga daliri ko.

"Sir, I came her to report about my first day in M-Dez. But since you are kinda busy...bukas nalang po."

"No, you can..."

"Bukas na po ako magre-report sir!" buo sa loob kong sabi, pinutol ko pa nga ang sasabihin niya sana. "Sige sir...good evening!" Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at agad akong nag-vow at mabilis na lumabas ng silid.

"Miss Ricks!" narinig ko pang tawag ni sir Chris pero hindi ko na iyon pinansin. Medyo kinakabahan nga ako dahil baka may consequences ang ginawa kong pagputol sa mga sasabihin ni sir Chris. Ang nasa isip ko lamang ngayon ay ang layuan si Geoffrey kaya wala na akong pakialam kung may parusa mang naghihintay sa akin.

"Khiana..." ani Miss Nancy nang madaanan ko siya sa table niya. Ngumiti ako sa kanya at tinanguan ko rin siya.

"Goodbye Miss Nancy. See you tomorrow." Binigyan din niya ako ng isang ngiti kaya nagtuloy-tuloy na ako papaalis ng opisina ni sir Chris.

Malapit na ako sa elevator nang bigla nalang akong makarinig ng pagtawag sa pangalan ko.

"KHIANA!" ani nito. Napatigil naman ako sa paglalakad at saka nilingon ang taong may gawa noon. Nanlaki ang aking mga mata nang malaman kong si Geoffrey pala iyon.

Mabilis akong tumalikod sa kanya at tinungo agad ang elevator na ilang metro nalang ang layo sa akin. Agad ko pang pinindot ang button nang mapahinto ako sa tapat nito. Mabilis din naman itong bumukas kaya dirediretso na akong pumasok pero bago pa ako tuluyang makapasok ay nahila na ako ng isang kamay kaya napatigil ako.

"Khiana!" maawtoridad niyang pagtawag sa akin. Hinila niya ako paharap sa kanya kaya kitang-kita ko ang galit niyang mukha. "I'm calling you!" matigas niyang saad.

Mabilis akong napayuko para iwasan ang titig niya. I don't have any plan of talking to him. Alam kong sinabi ko noon na balang-araw ay magkakausap din kami ni Geoffrey to have our closure pero ngayong nandito na ang pagkakataon...parang hindi ko pa rin siya kayang harapin. Five years have passed pero ang sariwa pa rin ng sakit na dinulot niya sa akin, ayaw ko pa siyang makita at makausap.

"You disappeared five years ago...anong nangyari sayo?" tanong niya na hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Naikunot ko tuloy ang aking noo.

Nagtatanong siya tungkol sa akin...kung bakit ako nawala? Why does he care? Ano naman kung pinili kong magpakalayo? He chose to let me go kaya wala siyang karapatang tanungin ako nang ganito ngayon. He is the one who pushed me away so why is he asking? Hindi ba iyon ang gusto niya, ang magpakalayo-layo na ako sa kanya?

Married No More [#Wattys2019 Winner]Where stories live. Discover now