Kariz's POV

Hinagis ko sa couch ang bag ko bago umupo sa swiveling chair ko at humawak sa sintido. I'm so stressed out this day. I haven't cummed for a day with someone else dahil wala si Barb para alisin ang init ng katawan ko. Si Green naman may period kaya mas lalo akong na-stress.

"Shit. Shit." I cursed repeatedly. Tumayo ako at lumapit sa bag ko tsaka kinuha ang phone para tawagan si Galey.

"Yeah?" Sagot nito nang ma-sagot niya na yung tawag.

"Free ka ba ngayon?" Hopeful na tanong ko.

She sighed. "I'm sorry, honey. Wala ako sa Pinas ngayon eh."

I also sighed. "Malas." I mumbled then binaba ang tawag. Bumalik ako sa pwesto ko't kinuha ang folder sa cabinet para pirmahan ang kontrata na itinago ko kanina.

Sa dinami rami ng papel na pinirmahan ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naramdaman ko nalang ang pagtapik sa aking pisngi ng taong subukan akong gisingin. Minulat ko ang mata ko at si Green pala yon.

"Bakit ikaw ang unang bumungad sa harapan ko?" Kunot noo kong tanong dito.

She looked at me blankly. "Pwede ba? Kung gusto mong sabihing pangit ako, sabihin mo na! Umagang umaga sinisira mo araw ko." Inis na bigkas nito.

"Nah. Hindi ako nakikipag-talik sa mga hipon. You're perfect so you don't have to tell me that I should call you ugly especially this morning." Sagot ko at kinindatan ito. Hindi siya nakapagsalita kaya tumayo ako't iniwan siya sa library ko.

"Good morning, manang." May ngiti sa labing bati ko kay manang at umupo sa kabisera. "Asan na pagkain ko?" Tanong ko sabay scrub ng kamay ko na parang excited ng mailagay sa harapan ko ang pagkain kong siya mismo ang nagluluto.

"Ito na." Manang Mariana singsong sabay lapag sa harapan ko ang pagkain na ginawa niya para sakin.

Para naman akong isang batang nasisiyahan sa nakikita. Ginawan niya ako ng specialty niya na Kare-Kare.

"Green, nakarating ka na pala." Natigilan ako sa pag-kain ng ulam nang mapansin ni manang si Green na kakapasok lang dito. "Kain ka narin, sabayan mo ang alaga ko para kainin ang Kare-Kare na niluto k—"

"No way, manang!" Tanggi ko at kinuha ang bowl ng ulam ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Green. "Hayaan niyo na siya, manang. Maglu-luto nalang ho ako ng akin." Tinignan ako nito habang binitawan ang huling salita at umirap sa akin tsaka pumasok sa kusina.

"Bakit ka ganyan palagi sa kanya, Kariz? Wag mo siyang pagdamutan dahil pagkain lang yan." Sermon sa akin ni manang.

"I was just joking around, manang. Call her." Sabi ko at binalik sa pwesto yung bowl. Tinawag nga ni manang si Green na nahuli kong napalabi. Kahit labag sa kalooban ko na i-share sa kanya ang specialty ni manang, binigay ko na ito.

Naiwan kaming dalawa dito dahil may gagawin pa si manang sa kusina.

"Kariz." Nilingon ko si Green nang tinawag niya ako. "Gusto mo bang subuan kita?" Tanong niya sabay angat ng tingin sa akin.

Natigil ako sa pag-nguya. "Hmm?" Tanong ko.

She gave me a smile. "Subuan kita, gusto mo?"

Nilunok ko ang pagkain na nasa bibig ko at napainom ng tubig. Ano kaya ang gustong ipakita ng babaeng ito at naisip niya subuan ako?

"Nakikita mo nang kumakain at may kamay ako, bakit mo pa kailangan itanong yan?"

Nagkibit balikat siya. "Well..." tumayo ito tsaka kawili-wili itong naglakad papunta sa likuran ko. "Gusto ko lang naman..." napasinghap ako ng tahimik nang hinaplos nito ang balikat ko. "Na lambingin ka matapos nating mag-away kagabi."

The Equestrian GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon