Chapter 3

9.1K 240 6
                                    


Green's POV

"Work."

Tinalikuran niya na ako matapos niyang magsalita ng tipid. Bumuntong hininga ako gamit ang ilong ko at inis na binuhat ang maleta ko tsaka siya sinundan mula sa driveway.

Ang tanga tanga ko kasi eh! Kung hindi lang ako sumama sa kanya nung gabing nalasing ako, hindi ako titira sa hacienda niya.

"Oh hey, Green!" Masiglang bati sakin ni Sage na nasa terrace.

Ngumiti ako ng tipid. "Hey." Bati ko pabalik. Magkasing tangkad lang kami ni Sage at ang kulay ng buhok niya, kulay brown, tapos yun sakin kulay dark brown. Parang kambal nga kami eh. Pwede kaming maging friends.

Friendly talaga ako kahit sa hindi ko kilala. Si Cybil nga naging kaibigan ko dahil sa kapatid niya. At kung hindi dahil sa pagsugod ni Cybil sa school, hindi ko siya makikilala. Hanggang ngayon na may anak na siya, magkaibigan parin kami.

"Green." Tinawag ako ni Kariz kaya siya ang nilingon ko. "Please don't talk to my friend, Sage. She might get you in trouble if you do."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Sino ka ba para pagsabihan ako ng ka-kaibiganin ko?" May pagka-maldita kong tanong.

Bumuntong hininga siya. Suminghap ako ng kaunti nang inilabas niya mula sa bulsa niya yung phone niya. "Kailangan ba ipakita ko pa itong telepono ko para tumahimik ka?"

"Ano bang meron diyan sa phone mo, Kariz?" Tanong ni Sage sa kanya.

Sabay kaming lumingon sa kanya. "Wala!" Mabilis na sagot naming dalawa. Kaming dalawa lang ni Kariz ang may alam sa laman ng cellphone niya.

Nawe-weirduhan lang si Sage na tumingin samin. "You guys are nuts." Diniinan niya pa ang huling salita saka kami inirapan.

"Umalis ka na dito, Sage. Uwi ka na." Pagtaboy nito.

"What—?"

"Alis!" Sabay turo doon sa driveway niya para paalisin si Sage.

"Hmp." Umungot na lamang ito tsaka nga umalis na ng hindi na naki-away kay Kariz. Nagbaling naman ako sa kanya at nahuli ko itong nakatingin sakin. Tinaasan ko siya ng kilay pero kinindatan niya lang ako tsaka naunang pumasok sa loob.

Yung ugali nitong si Kariz pabago bago. Minsan magsusungit siya sakin, pero sa susunod magiging pilya siya sa harapan ko at ipapakita yung cellphone niya para mainis lang ako lalo.

Pumasok na ako sa loob ng bahay niya at hindi ko parin mapigilang mapa-mangha dahil sa disenyo ng loob ng bahay niya. It is characterized by stucco walls, sweeping archways na sobrang laki dahil madalas ito ang ginagamit niya tuwing nanonood siya ng mga bali-balita, may courtyard din siya kung saan palagi kong pinagtatambayan sa loob ng isang taon.

Isang taon na ako dito at isang taon ko ng nililinisan ang paborito niyang kabayo na si Curlin. Malapit na kasi yung laban niya kaya daw kailangan niya ako.

Eh ano namang alam ko sa mga kabayo hindi naman ako mahilig sa mga hayop?? Tahimik na yung buhay ko sa Tagaytay kung hindi lang siya dumating sa buhay ko.

Sana hindi ko nalang siya naging kaaway simula nung bata!

"Hindi kita pinapunta dito para lang titigan ang mga antik ko sa bahay." Napapitlag pa ako nang magsalita si Kariz sa tabi ko. Naramdaman ko ng init ng kamay nitong humapit sa bewang ko. "Nandito ka, para linisin ang mga kabayo ko."

Napakamot ako sa ulo. "Pahinga muna ako, please." Pakiusap ko. Bumiyahe kasi ako mula sa bagong bahay ko hanggang dito, so lagpas isang oras yun kaya masakit ang paa ko.

The Equestrian GirlWhere stories live. Discover now