"I don't know if you felt it but there is something special about us, Abby. And if you just give it chance I know we have a future together."

Nababaliw na nga yata itong ito si Jason. Oo, there is lust. Hindi naman ako manhid. Nararamdaman ko namang may atraksiyon sa amin pero hindi tama. Parang may isang bagay na sumasalungat.

"Tumalikod ka!" At dali-daling pinulot ko ang damit kong nagkalat sa sahig. Mas lalong nadismaya ako ng makita ko ang dugo sa bedsheet. Wala na talaga.

Nagmadali akong pumasok sa banyo at doon ay napahikbi na lang ako. Ano ba itong nangyayaring ito? Hindi ako ganito pinalaki ng magulang ko. How could I just give myself to someone who is not my boyfriend at all? Mga ilang minuto rin akong nakaupo sa gilid ng bathtub at umiiyak ng kumatok si Jason.

"Abby? I'm really sorry. Alam ko na hindi na maibabalik ang lahat pero let me rectify it. Abby, please. All I want is for you to give this a chance. Pero hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Pero hindi ako magsisinungaling Abby. I want you."

Nanatili akong tahimik pero sinimulan ko nang isuot ang damit ko. Nang matapos ako ay naghilamos ako at lumabas ng banyo. Wala na si Jason dun. Lumabas na lang din ako ng kwarto at nagtungo sa cabin namin.

Pagdating ko sa cabin namin ay dumiretso ako sa kwarto namin ni Tori. Tulog pa ito kaya naghinay-hinay ako sa pagpasok ng banyo. Pinagpasyahan ko na lang maligo. Pagkatapos ay nagpalit ako ng isang t-shirt at maikling shorts.

Nakatapos na akong magbihis ng magising si Tori.

"Saan ka nanggaling kagabi Bes?" Tanong ni Tori sa akin.

Gising na pala siya.

"Nagpahangin lang ako kagabi sa may beach." Sagot ko.

Umupo si Tori at tiningnan ako ng mabuti. "Ang totoo Bes. Saan ka natulog kagabi? Nang magsimula ang party bigla ka na lang nawala. Saan ka nagpunta?"

Grabe naman makapagtanong ito si Tori. Pero ano nga ba ang isasagot ko? Hindi ako pwedeng magsinungaling dahil mahuhuli niya ako. Si Tori Enriquez pa. Eh kaya nga magaling na abogado iyan kasi alam niya kung nagsisinungaling ka o hindi sa isang tingin lang.

"Okay fine. Hindi naman ako makapagsisinungaling sa iyo. Mahuhuli't mahuhuli mo ako."

Kinwento ko kay Tori ang nangyari magmula sa pagkikita namin ni Jason sa may beachfront ng hotel hanggang sa nalasing kaming dalawa at may nangyari na nga.

"Ano? May nangyari sa inyo?!" Tinakpan ko ang bibig niya para pigilin siyang sumigaw.

"Huwag kang maingay. Sa iyo ko lang sinasabi ito. Ayokong palakihin ang sitwasyon. Kaya kung maaari Tori ilihim natin ito. Kung pwede nga kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Napatitig si Tori sa akin. Alam ko hindi siya sang-ayon . "But Abby..."

Hinawakan ko ang kamay ni Tori. "Please." Buong pagsusumamo ko sa kanya.

Ang lahat ng ito ay isang pagkakamali. Isang bagay na gusto ko na lang ibaon sa limot.

"Okay. Dahil sa hiniling mo. Ililihim ko sa kanila ang sinabi mo sa akin. Pero makakatikim talaga sa akin iyang si Jason!" Panggagaliti ni Tori.

"Tori please. I have nothing to do with him. So please. Huwag nating palakihin ito."

Sana nga hindi lumaki ang issue. Worst scenario na pwedeng mangyari ay ang mabuntis ako. Pero umiinom ako ng pills para maayos ko ang hormonal imbalance ko. So most likely hindi ako mabubuntis. Mabuting manahimik na lang ako. Mas mabuting lumayo ako kay Jason. Kung sabagay, bukas ay uuwi na ako ng Manila at siya ay babalik na ng New York. Tama hindi ko na siya makikita ulit. Kagaya lang ng dati. Passing fancy lang namin ang isa't-isa at nangyaring ito ay mababaon din sa limot.

"Pero Bes, masarap ba?" Napatingin ako kay Tori ng tinanong niya yun.

"What the! Ano bang klaseng tanong yan Tor? Ni hindi ko nga halos maalala lahat ang nangyari kasi nga lasing ako."

Napangiti na lang si Tori sa sagot ko. "O sya, masyado ka naman kasing guilty. Hindi na po ako magtatanong. Pero last question. Ano ang plano mo? Hindi habang buhay na maiiwasan mo si Jason. Magkikita pa rin kayo. Kapatid siya ni Monica, so most likely kapag kinasal si Tyrone and Monica, nandoon din siya."

Napaisip ako sa sinabi ni Tori. Baka sakali naman siguro ay nakalimutan na ni Jason ang nangyari. Ayoko lang talagang lumaki ang sitwasyon.

"Bahala na siguro Tori. Tutal pabalik na rin naman tayo ng Manila tapos siya sa New York. Baka pwede na lang nating ibaon sa limot ang lahat."

Napabuntong-hininga si Tori at bumalik sa pagkakahiga.

"Bahala ka na nga. Buhay mo yan. Pero Abby, siguraduhin mo lang na hindi ka iiyak at malalagay sa alanganin. Sasakalin ko talaga ang pinsan kong hilaw na iyan."

Ngumiti na lang ako sa turan ni Tori. Humiga na rin ako sa higaan at sinubukang umidlip saglit.


"Nasa airport na ako Diana. Kamusta naman diyan? Handa na ba ang lahat para sa mortality audit? Ichecheck ko yan pagbalik ko tomorrow."

Kasalukuyan kong kinakausap si Diana sa phone to give my last instructions. Sa makalawa na kasi ang audit at hindi pa ako nakakabalik from Palawan.

"Ayos ka lang Abby?" Tanong ni Jenna habang nakaupo siya sa tabi ko sa predeparture area.

"Okay lang Jen. Kaya lang back to reality na naman po ako. Tapos na kasi leave ko."

"Bukas pag-off mo, pass by my boutique. May ginawa akong damit para sa iyo."

Ganito talaga ang babaeng ito. Kahit kailan ay ang hilig akong gawing manyika.

"Maganda yung damit na yun at ikaw talaga ang naisip ko habang dinedesign ko yung dress. Di ba may conference kayo next week? Isuot mo iyon at sure ako ikaw ang belle of the ball."

Ang kulit talaga ni Jenna. Pero thankful naman ako. At least, hindi ko na kailangang bumili ng damit. Makakatipid ako para sa pinapagawa naming bahay.

Nanahimik na lang kami ulit habang naghihintay na iannounce ang flight namin nang may biglang umupo sa tabi ko.

"Hi sweetheart." Nilingon ko ang baritonong tinig na iyon. At isang nakangising Jason ang nakita ko.

"Anong kailangan mo Mr. Larson?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Wala lang just greeting you. Biruin mo makikita kita kahit alam ko na ginawa mo ang lahat ng paraan para maiwasan ako."

Bumuntong hininga na lang ako sa mga sinabi niya. I never thought na that he's really going to bring up the topic. Bumuntung hininga ako ulit at hinarap siya.

"Just leave me alone Jason. Please." Pakiusap ko sa kanya.

Sumeryoso ang kaninang nakangiting mukha ni Jason. Parang kinabahan ako. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang mga katagang ito.

"I will court you. And that is not a question. So better prepare yourself my sweetheart. You might find yourself in love with me in no time."

Nakatunganga lang ako sa kanyang likurang palayo sa akin.

Seryoso talaga siya?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

So Wrongfully PerfectWhere stories live. Discover now