Chapter 14: In His Own Image

ابدأ من البداية
                                    

"Shh!" Nilapat ni Jules ang hintuturo niya sa bibig.

"Bakit?" curious na lapit ni Hannah. "At bakit mo tinitignan 'yang laptop. Bawal 'yan sa code of ethics a."

"'Wag ka maingay," saway ni Jules, at ipinakita ang mga litrato ni Miguel, pati ang nasa folder na ang label ay "Lucas."

"Sino si Lucas? Eh si Miguel din 'yang nasa mga litrato," turo ni Hannah.

"Yes, exactly."

"Patingin nga uli," sabi ni Hannah.

Nang hawakan ni Hannah ang screen ng laptop ay bigla siyang napaigtad.

"Bakit?" pagtataka ni Jules.

"May na-sense ako," sagot ni Hannah. "P-parang may dalawang boses akong narinig. Magkaiba pero parang iisa."

"Konektado kaya sa dalawang boses na sinabi 'nung maid?" pag-isip ni Jules.

Maya-maya'y narinig nilang bumukas ang pintuan ng Master's Bedroom. Napatayo si Jules at mabilis na isinara ang laptop at ibinalik sa ibabang drawer. Narinig nila ang mga yapak na papalapit.

"O, you're here?" sabi ni Don Carlos, medyo nagtaka na makita sina Jules at Hannah sa kuwarto ng kanyang anak. "Nasaan si Father?"

"Hinahanap nga namin, sir," sabi ni Jules na may konting acting pa. "Akala namin nandito."

May sasabihin pa sana ang Don nang marinig nila'ng boses ng Doña na tinatawag ang asawa. Saglit pang tumingin ang Don kina Jules at Hannah bago ito naglakad paalis. Nang marinig nilang sumara ang pintuan ng Master's Bedroom ay daliang lumabas ng kuwarto ang dalawa at bumaba ng hagdanan, sakto sa pagpasok ni Father Markus mula sa labas. Maya-maya'y sabay na bumaba ang mag-asawang Villaromano.

"Come," aya ng Doña. "Mag-dinner muna tayo."

"I think we all need to talk," siyosong sabi ni Don Carlos.

***

Hindi ikinasiya ni Don Carlos ang naging outcome ng exorcism at nuong dinner ay inilabas niya ang kanyang disappointment.

"I thought you were the experts," sabi niya. "Kung 'di n'yo kayang pagalingin ang anak ko, I have the money to seek help from other countries. Baka mas magagaling ang exorcists sa ibang bansa."

Tahimik lang na tinanggap ito ni Father Markus. Nguni't, mabilis naman siyang ipinagtanggol nina Jules at Hannah.

"Good luck sa paghahanap," defiant na sabi ni Hannah at tinuro si Father Markus. "Wala na kayong mahahanap na kasing galing ni Father!"

"Si Father lang ang chance ninyo," sabi naman ni Jules.

Sinenyasan ng pari na kumalma ang dalawang kasama—na bagama't masama ang loob sa pagturing sa kaibigan nilang pari ay ganado pa rin sa pagkain, pagka't ang handa ay steak na may sidings ng fresh vegetables.

"The Devil's Bane!" mayabang na hayag ni Hannah at bumulong kay Jules, "paabot nga ng A1 sauce."

Nasa side naman ng JHS ang Doña. "Carlos, I'm sure they're doing their best. I mean you saw..." aniya sa asawa. Hindi mapagkakaila na nakita naman nila ang transformation ni Father Markus kapag gamit ang rosaryo. Pero, sadyang skeptic lang ang Don.

"Kailangan lang namin ng time," sabi ni Jules na sumubo ng steak at muntik nang mabulunan nang biglang bumulusok muli sa galit ang Don.

"Time? We don't have time!" paghampas niya ng kamay sa mesa. Rinig ito mula sa kusina at ang mga maids na nakatambay lang ay nagbusy-busy-han.

Pero, sawa na rin si Jules sa palagiang outburst ng mayamang Don, kung kaya't nagtaray na siya. "In that case, tulungan n'yo din kami. Mayroon bang tungkol kay Miguel na hindi namin alam? May sikreto ba siya na hindi n'yo pa nasasabi?"

Natahimik si Don Carlos at napatingin sa asawa. Sa facial reaction ng Doña ay parang may gusto itong sabihin.

"Don Carlos, may gusto ba kayong sabihin sa amin?" tanong ni Father Markus.

Imbes na sumagot, ay nagpunas ng napkin sa bibig ang Don at tumayo. "Just do what you're hired for." Pagkasabi'y lumabas siya ng dining room at iniwan sila.

"Pagpasensyahan n'yo na si Carlos," paumanhin ng Doña. "Gusto lamang naming bumalik sa normal si Miguel."

Matapos ang hapunan ay naghanda muli ang tatlo para harapin si Satanas. Pero ngayon, hindi para mag-perform ng exorcism since alam nilang futile ito, kundi kausapin ang hari ng impiyerno at alamin ang layunin nito.

Alas-otso ng gabi nang bumalik sina Father Markus, Jules at Hannah sa kuwarto sa basement at doon, naghihintay na si Miguel. Nakaupo sa kama, nakatali muling mga braso sa bed frame, nakayuko at natatakpan ng mahabang bangs ang mukha, nguni't aninag nila na ang mga mata niya'y kulay pula at ang complexion niya'y maputla. Isinara nila'ng pintuan at nagpaalam kay Don Carlos na hayaan muna sila na kumprontahin si Satanas. Tumayo ang tatlo sa harapan ng kama.

"Ano pa'ng hinihintay n'yo?" sabi ng boses ni Satanas mula sa bibig ni Miguel. "Parusahan n'yo na ako ng mga salita ng diyos. Basbasan n'yo ako ng banal na tubig."

"Anong kailangan mo?" tanong ni Father Markus, sa kanyang magkabila ay sina Hannah at si Jules na kumukuha ng video. "Anong kailangan mo kay Miguel?"

"Ginawa ng diyos ang tao ayon sa kanyang imahen," sabi ni Satanas. "Kung ganon, ang katawan ng tao ay banal, hindi ba, Father? Maging ang nag-iisa niyang anak ay nagkatawang tao."

"Ano...ang...kailangan...mo?" madiin na tanong ni Father Markus. "Bakit si Miguel?"

"Espesyal ang katawang ito, Father," gigil na sabi ng dimonyo. "Kung kaya't gusto ko itong dumihan."

Nagkatinginan sina Jules at Hannah.

"Espesyal? Bakit espesyal si Miguel?" tanong ni Jules.

"Bakit mo siya gustong dumihan?" tanong naman ni Hannah.

"Sagutin mo kami!" itinaas ni Father Markus ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz. "Sumagot ka!"

Nag-react si Miguel pagkakita sa rosaryo. Mula sa pagkakaupo ay lumuhod siya sa kama at itinaas ang kanyang ulo, at pinandilatan sila.

"Dahil espesyal ang katawang ito ay dudumihan ko!" sigaw ni Satanas. "Ipapakita ko sa kanya na kaya kong dumihan ang mga likha niya. KUKUTYAIN KO SIYA! ISASAMPAL KO SA MUKHA NIYA! AKIN ANG KATAWANG ITO! AKIN ANG KATAWANG ITO PARA SIRAIN!"

"Hindi sa iyo ang katawang ito, Satan!" sigaw pabalik ni Father Markus habang itinutok ang rosaryo. "Ibalik mo siya sa Diyos!"

Nagliwanag muli ang katauhan ni Father Markus habang hawak ang rosaryo. "Bakit ang katawang ito? BAKIT SI MIGUEL?!"

Nang gagapusin na ng kapangyarihan ng rosaryo si Satanas ay ngumiti lamang ito at sinabi:

"Sa uulitin, Father. See you soon."

At muli, nilisan ni Satanas ang katawan ni Miguel at siya'y bumalik muli sa normal.

Natakasanna naman sila ni Satanas.


NEXT CHAPTER: "Infiltrate!"

Ang Dalawang Anino ni Satanasحيث تعيش القصص. اكتشف الآن