Chapter 50: He's Gone

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pwede kang istorbohin?"

Napaupo agad ako sa boses ni Kuya Charles. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko at ang seryoso ng mukha niya. "May problema ba, Kuya?"

Lumapit siya at umupo sa kama ko. "Gusto lang kitang kumustahin." Hinarap ko siya.

"Sabi nga ni Mama, everything will be okay." Ngumiti siya sa 'kin tapos ginulo niya 'yong buhok ko. "Wae?"

"Alam kong malaki ka na, Candice, pero sana 'wag mong solohin 'yong problema mo. Naiintindihan ko naman 'yong ginawa mong paglihim sa 'min noon ng tungkol sa pagbabanta sa 'yo pero sana sinabi mo sa 'kin. I should have stopped these things from happening. Kuya mo ako at dapat ako 'yong nagtatanggol sa 'yo." Umiwas agad ako ng tingin kay Kuya. Siguro dahil guilty ako sa mga sinasabi niya. "Candice, mangako ka..." Kinuha niya 'yong kamay ko. "Mangako ka na magsasabi ka sa 'kin ng kahit anong problema. Mangako ka na hindi ka na maglilihim sa 'kin. Arasso?"

Tiningnan ko siya. "Pangako."

Niyakap ko si Kuya Charles at hindi ko na napigilan na umiyak. All this time kasi ay sinosolo ko lahat ng problema ko at wala na akong mapagsabihan ng sama ng loob ko.

"Simula nang mawala si Papa, nangako na ako sa sarili ko na ako na 'yong tatayong tatay sa pamilya natin. Ako na 'yong magbabantay sa inyo ni Mama kaya nga kapag nalalagay kayo sa panganib, sinisisi ko 'yong sarili ko dahil wala man lang akong nagawa. Candice, pamilya tayo kaya 'wag kang maglilihim sa 'min lalo na sa akin." Tama si Kuya. Pamilya kami.

"Sorry, Kuya. Sorry kung naging pasaway man ako sa 'yo. Pangako, magsasabi na ako sa 'yo ng lahat." Hinawakan na naman niya 'yong ulo ko tapos ginulo-gulo niya 'yong buhok ko.

"Matulog ka na at magpahinga," utos niya sa 'kin.

Humiga ako at si Kuya naman, nasa tabi ko lang habang kumakanta ng favorite kong lullaby. Katulad lang ng dati, papanoorin ako ni Kuya na matulog habang kinakantahan niya ako. Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa ni Kuya Charles, parang unti-unting nawawala 'yong sakit na nararamdaman ko.

"Salamat, Kuya Charles..." bulong ko pagkatapos ay hinayaan ko na 'yong sarili ko na makatulog.

Pagkatapos ng ilang oras na tulog, ginising ako ng sikat ng araw. Tumayo agad ako sa kama ko at nag-ayos. Masakit pa rin pero sa bawat araw na dumadaan, mas lalong gumagaan 'yong pakiramdam ko. Ayoko rin naman na magmukmok na lang nang matagal. Nangyari na ang lahat at kagaya ng naaalala ko sa sinabi ni Jeydon, everything is with reason.

Life goes on.

Bumaba ako ng kwarto at bumungad sa 'kin sina Mama. Nakita ko si Auntie Pia na dala-dala 'yong mga maleta niya. Ngayon na ba siya aalis?

"Candice, aalis na ang Auntie mo. Marami pa siyang kailangan asikasuhin sa Korea," sabi ni Mama.

Lumapit ako kay Auntie at niyakap siya. "Mag-ingat po kayo roon, Auntie."

"Salamat, Candice. I need to make myself busy para mas madali akong maka-recover. Alam kong ayaw ni Juan Paulo na nakikita akong malungkot at nasasaktan." Pinilit niyang ngumiti pero naiyak pa rin siya. "I will be fine. Sana kayo rin." Pinunasan niya 'yong mga luha sa mata niya. "Mag-ingat kayo. Hindi pa rin nahuhuli si Stella. Kapag nahanap na siya ng mga pulis, babalik agad ako rito." Kinabahan ako sa pagbanggit ng pangalan ni Stella.

"Manang maiwan ka na muna rito. Ihahatid namin si Auntie sa airport," bilin ni Kuya Charles. Tumango ako tapos umalis na sila kasama si Yaya.

Pumunta na lang ako sa kusina para kumain. Pakiramdam ko, gutom na gutom ako dahil sa isang linggo kong pagluluksa sa pagkamatay ni Paulo. Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. Tapos na ang sem break at bukas, pasukan na naman. Kailangan ko na ulit mag-focus kung gusto kong maka-graduate.

The Good Girl's Revenge (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon