Chapter Three

24 1 0
                                    

"We will have our team building this year in Batangas." Masayang balita niya sa buong team. 

Sa darating na weekends iyon gagawin. Yearly nila ito ginagawa para magkaroon din sila ng break at panahaon na makapag bonding bilang isang team. 

Mabilis lang lumipas ang mga araw. May isang linggo na simula ng dumating si Nathan sa kanilang branch. Mabilis lang itong natuto sa mga dapat niyang gawin bilang isang waiter. Wala siyang masabi sa kasipagan ng lalaki at sa husay nitong makisama sa buong team. Masayahin din ito kaya naging malapit din agad ang lalaki sa kanilang lahat. Nakasanayan na din niya na makita at makausap ang binata bago magbukas ang Patio del Carmen. Palagi kasi itong maaga din kung dumating kaya nagkikita na sila sa labas ng restaurant at ito na ang nagbubukas. Pero napansin din niya na hindi lang sa kanya malapit ang lalaki. Pati sa kanyang kaibigan na si Elaine at sa lahat ng kapwa niya waiter pati na din sa mga waitress. Nakita niya na ang mga tao na nakapaligid dito ang unang nakikipagkaibigan sa lalaki. Ok naman sa kanya ang lahat maliban sa isang kasama nila sa team na halos hindi na umaalis sa tabi ni Nathan. Si Cheska, isa din ito sa mga waitress. Mas bata lang sa kanya ng isang taon ang dalaga. Si Cheska ang pinakabata na waitress sa kanila dahil halos lahat nasa early 30s na at ang iba ay may mga asawa na. Si Nathan naman ay mas matanda lang sa kanya ng isang taon. Palaging si Cheska ang unang lumalapit at nakikipag usap kay Nathan. Si Nathan naman ay panay lang ang ngiti sa mga ginagawa sa kanya ni Cheska. Hindi niya alam kung nag eenjoy ba ito o sadyang mabait lang ang lalaki. Sabagay sino ba namang lalaki ang tatanggi sa ganon kung mismong babae na ang lumalapit. Si Cheska pa naman ang tipo ng babae na takaw tingin sa mga kalalakihan. Sexy kasi ito manamit at maayos sa sarili. Hindi niya alam kung ano ba ang namamgitan sa dalawa basta ang tanging alam lang niya naiinis siya kapag nakikita ang dalawa. Inis ba o selos? Hindi niya alam. Wala naman siyang karapatan na magselos pero hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ito. Kahit na ano ang nararamdaman niya pinipili pa din niya na maging maayos sa dalawa. May trabaho siya na kailangang gawin kaya ayaw niya magpaapekto sa nararamdaman niya.

"Mars, this is gonna be exciting." Sabi ni Elaine sa kanya at halatang excited ito.

"Yes Mars. Exciting talaga." Sabi din niya.

"Ma'am Cielo, pwede daw ba magsama ng chiks?" Tanong ni James isa din sa mga waiter.

Nagsigawan naman ang lahat at nagsimulang mag asaran.

"Si Nathan daw Ma'am tatlong chiks ang dadalhin." Pangangasar ni Jonas.

"Hindi lang si Nathan pati itong si Aaron talong chiks din ang dadalhin." Sabi ulit ni James.

Si Aaron ang pinaka gwapong waiter sa Patio del Carmen bago dumating si Nathan.Dati itong boyfriend ni Cheska pero nagbreak din ang dalawa matapos malaman ni Cheska na bukod sa kanya ay maraming pang ibang babae ang kinikita nito. Sa itsura pa lang ni Aaron halatang matinik talaga ito sa mga babae. Moreno si Aaron at lalaking lalaki talaga ito tingnan. Nakita niya na ngumiti lang sina Nathan at Aaron. Alam siguro ng mga ito na binibiro lang sila ng mga kasamahan. Nathan na din ang tawag kay Nats ng iba pang mga kasamahan sa restaurant. Naririnig kasi ng mga ito ang tawag niya sa lalaki kaya gumaya na din sa kanya bukod lang si Cheska. Nanatiling Nats sang tawag niya sa lalaki.

"Sorry to say guys pero hindi pwede. Exclusive lang muna sa atin. Bukod sa budget maganda din na tayo muna bilang isang team para sa ilang mga gagawin din at pag uusapan na tayo lang din lahat ang makakarelate."

"Ok Ma'am beautiful. Walang problema yan." Sabi ni James sa kanya. Ma'am Beautiful na ang itinawag nito sa kanya ng makita siyang nag ayos.

"Walang problema sa iyo dahil wala ka namang chiks na madadala. Lagot ka sa asawa mo kapag nagkataon." Sabi ni Elaine kay James.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lover Undercover (Soon to be published by Bookware Publishing Corp.)Where stories live. Discover now