Chapter One

56 1 0
                                    

"GOOD MORNING, Sir and Ma'am." 

Masiglang bati ni Cielo sa mga bagong kakapasok lang na mga customers sa restaurant nilang Patio del Carmen kung saan siya nagtatrabaho bilang Manager. 

Agad din niyang pina assist ang mga bagong dating sa isa sa kanyang mga crews. Bumalik naman siya agad sa loob para ipagpatuloy ang kanyang ginagawang inventory. Hindi niya maiwasan ang mapangiti habang pinagpapatuloy ang kanyang trabaho. Maganda ang nangyayari sa branch nila ngayon pagdating sa sales. Kailan lang nakatanggap siya ng letter galing sa kanilang head office, nalaman niya na ang branch nila ang nangunguna sa lahat ng mga branches sa buong bansa. Nationwide ang restaurant na kanyang pinagtatrabahuhan. Natutuwa siya dahil nagbubunga ang lahat ng kanyang pinaghihirapan. Iba ang saya sa pakiramdam na ina-appreciate ang iyong maayos na trabaho. Sabi niya sa kanyang isip. Napansin ni Elaine ang kanyang pagngiti, magkatabi lang halos ang kanilang table kaya hindi na din siya nagtaka ng bigla na itong magsalita.

"Alam ko yang ngiting yan Mars. Kahit ako hindi maiwasang mapangiti kapag naaalala ko yang letter na natanggap natin kailan lang. Pero Mars wag natin kalimutan na ang branch lang natin ang kumikita ng maayos. Kaya delikado pa din tayo ano."

"Mars, alam ko yun. Pero hayaan mo naman muna ako na ienjoy kahit sandali lang ang kinalabasan ng paghihirap natin no. Hindi biro ang trabahong ginawa natin sa branch na ito para lang maging ganito kaganda ang sales natin kaya deserve din naman natin na ienjoy ang success natin." Paliwanag niya sa kanyang assistant manager at naging matalik na din niyang kaibigan.

"Ok fine Mars. Kaligayahan mo yan at alam mo naman ako supportive friend ang palaging peg ko sayo. Kaya sige kahit isanglibong beses pa kita makitang ngumingiti dyan, go lang. Enjoy the fruit of your success." Nakangiti namang sagot sa kanya ng kaibigan.

Tama si Elaine sa sinabi nito kanina. Bigla tuloy siyang nag alala na paano kung tuluyang magsara ang restaurant na ito? Tanong niya sa sarili. Hindi niya ata madaling matatanggap iyon kung mangyari man, malaki ang naitulong sa buong pamilya niya ang pagtatrabaho niya bilang manager ng restaurant na ito, napatapos na niya ang lalaking sumunod sa kanya at pinapaaral niya ngayon ang pinaka bunsong kapatid na babae. Pagkatapos niyang mapatapos ang bunsong kapatid na babae, bahay at lupa naman ang sunod niyang gustong mabigay sa kanya Ina. Hindi nila sarili ang bahay na tinitirhan ngayon, nangungupahan lang sila, bata pa lang siya naging mahirap na sa kanyan ang buhay simula ng iwan sila ng kanilang Itay. Namatay ito sa sakit na Tuberculosis, lumala ito ng husto at huli na ng malaman nila. Kaya talagang pinilit niya na makapagtapos ng kanyang pag aaral para maahon niya sa hirap ang kanyang buong pamilya, naging working student siya at ng makatapos na sa kolehiyo hindi na naging mahirap sa kanya ang makahanap ng restaurant na tatanggap sa kanya dahil na din sa mga experiences niya. May limang taon na siyang nagtatrabaho dito bilang manager. Malakas ang restaurant na ito noong pumasok siya bilang manager, kaya ginusto din niya talaga ang magtrabaho dito noon pa man bilang isang HRM graduate. Pero ngayon nga ay ang branch na lang nila ang maganda ang kinikita. May tatlong taon din siyang nagtrabaho sa ibang restaurant pagkatapos niya sa kolehiyo bago nagtrabaho sa Patio del Carmen. Hindi niya namalayan ang oras, natapos na pala niya ang kanyang mga ginagawa at hindi din nagtagal ay natapos na ang buong araw niya sa pinapasukan na restaurant.


"NATHAN, what did you do? Ubos na ubos na ang pasesnya namin sa'yo!!! Ano na naman tong kalokohang ginawa mo? Hanggang kailan ka ba titigil? Hanngang kailan ka maglalasing, kailan ka hihinto makipag away, hanggang kailan Nathan?" Galit na galit at sumisigaw na sabi ng kanyang Daddy sa kanya. Huminto lang ito dahil umawat na ang kang Mommy.

"Ako na ang bahala sa anak natin. Tama na. Go upstairs please." Mangiyak ngiyak na sabi ng kanyang Mommy sa kanyang Daddy.

"Talk to your stubborn son! Patinuin mo. Hindi na yan bumabata. Tumatandang paurong." Sabi pa ng kanyang Daddy bago ito tuluyang umalis.

Lover Undercover (Soon to be published by Bookware Publishing Corp.)Where stories live. Discover now