Kapag iniwan ka niya para sa iba, tanggapin mo na lang. Move on!
Madaling sabihin ang salitang move-on pero mahirap gawin.
Tanggapin mo na wala na siya, na may mahal na siyang iba at hindi na ikaw ang nakakapag pasaya sa kanya. Isupalpal mo sa sarili mo na pinagpalit ka na ng taong mahal mo kaya dapat matauhan ka na. Wag mo ng intayin yung mga text niya o chat niya.Ang mga tawag niya tuwing gabi huwag mo ng intayin,matulog ka na! Magkaka eyebags ka lang.
Kapag nakita mo silang magkasama ng bago niyang syota,ngumiti ka! Wag kang bitter dahil sa huli hindi mo naman ikakaganda yun. Ang mga pag-irap mo o pande-dedma mo ikaw lang din ang nagmumukang kawawa. Pagtatawanan ka lang ng bago niyang syota,maniwala ka.Ang pagpaparinig mo sa mga status mo sa facebook, ang pagse-share ng mga bitter quotes, tigilan mo na yan sa halip pakita mong nagmo-move on ka.
Walang masamang bitter,pero mas maganda lang kung matututo kang tumanggap ng pagkabigo. Hindi yung may nalalaman ka pang revenge at guguluhin mo pa ang relasyon ng ex mo at ng bago niyang syota. Anong tingin mo sa sarili mo? Nasa isang teleserye kung saan ikaw ang kontrabida? Pwede ka namang maging bida ng sarili mong storya eh kaya wag ka ng magsayang ng oras para magpaka-bitter.
Kung hindi mo matanggap na nagbreak kayo,isipin mo na lang kung napangasawa mo siya tapos bigla ka niyang iwanan.Mas malala yun diba? Kaya dapat ka pang matuwa kasi maaga pa lang iniwan ka na niya. Ginawan ka niya ng pabor. Binigyan ka niya ng chance na hanapin ang Mr. Right mo. Mas mahabang time ang binigay niya sayo kaya pag nagkita kayo magpasalamat ka. Ang bait niya diba?
Iiyak mo ang lahat pero pagkatapos niyan tumayo ka at mag-ayos.Irampa mo ang sarili mo. Wag kang tumingin sa mga negatibong bagay sa halip sa positibo ka tumingin. Kapag nga naghahanap ka ng lalaki/babae diba positive palagi ang gusto mo.Yung maganda/gwapo ang unang nakakakuha ng atensyon mo.Ganun din sa pagmove-on.
You can't stop the waves,but you can learn to surf- Joseph Goldstein
.
BINABASA MO ANG
Random
Teen FictionDati ay iba't-ibang paraan sa pag-move on,ngayon iba't-ibang opinyon ko sa mga bagay.
