12

1.7K 22 1
                                    


Pilit niyang pinatakbo ng mabilis ang kanyang motorbike at kahit na gabi na ay sinubukan pa rin niyang pumunta sa tagpuan nila ni Narda at gusto niyang magbakasali kahit na malabo pa na maghintay pa ito sa kanya. Hindi kasi nagre-reply ang dalaga sa text niya kaya hindi niya alam kung umalis na ito sa restaurant o nandoon pa ito o baka galit na ito sa kanya. Kahit na imposible na naghintay ito ay pilit pa din niyang pinanghahawakan ang maliit na pag-asa na nasa kanyang puso. He still hope that Narda was still their at hindi ito umalis, kahit napaka-ambisyoso niya para isiping nandoon pa ang dalaga ay wala na siyang pakialam. Ilang metro na lang ang layo at kita niyang patay na ang ilaw sa restaurant at bigla ay gusto niyang manlumo. Itinigil niya ang motorbike sa gilid ng kalsada at bumaba doon at nilakad na lang patungo sa nakasara ng restaurant hindi na siya nagtaka doon dahil disoras na ng gabi.

"Walanghiya ka," boses iyun ni Lee na mula sa likuran at pagharap niya ay isang suntok ang iginawad sa kanya ng binata. "Isang kang gago, pinaghintay mo si Narda ng ilang oras at ang kapal ng mukha mo para pumunta pa dito!" mariing wika sa kanya ni Lee na galit na galit.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong na lamang niya dito na sapo ang labi na pumutok dahil sa suntok nito.

"Para sunduin si Narda, para sunduin ang kaibigan ko na pinaasa mo. Mabuti na lamang at walang nangyaring masama sa kanya dahil kung meron ay hindi lang iyan ang aabutin mo sa akin." Sabi nito na kakikitaan ng matinding galit.

Tumayo siya at tiningnan ang harap ng restaurant nakita niya si Narda doon na nakaupo at nakayuko sa mga tuhod nito may katabi itong gwardiya at nagpapaypay dito. Hindi niya iyun napansin kanina dahil sa biglaang pag-atake ni Lee. Gusto niyang maawa sa dalaga at gusto niya itong lapitan at yakapin at humingi ng tawad dito pero hindi niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap dito. Gusto din niyang bugbugin ang sarili dahil sa pagpapahirap na ibinigay niya sa dalaga. "Paano mo nalaman na nandito si Narda?" tanong niya dito.

"Sinundan ko siya dahil ine-expect kong mangyayari na ang ganito, ilang ulit ko bang sabihin sa iyo na hindi mo kayang paligayahin si Narda dahil hindi ikaw ang tamang tao para sa kanya. Ang tigas ng ulo mo at hindi ka pa naniwala sa akin tingnan mo ang resulta, ikaw pa mismo ang nagtulak kay Narda para layuan ka na niya." Bawat salitang lumalabas sa bibig ni Lee ay parang aspile na tumutusok sa kanyang puso at ang sakit-sakit isipin na hindi nga niya kayang paligayahin ang dalaga tulad ng pagpapaligaya nito sa kanya.

"H-hindi lang ako nakarating dahil may p-problema lang sa bahay." Depensa pa niya sa sarili dahil hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan na isinasampal sa kanya ni Lee.

"See, hindi mo kayang bigyan ng oras si Narda dahil sa pamilya mo. Kung may problema ka sa buhay mo Strike huwag mong damayin si Narda dahil wala kang karapatan sa kanya. You cannot give happiness to Narda so back off, layuan mo na siya at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sa kanya." sigaw pa nito sa kanya na ikina-init ng kanyang ulo, sinuntok niya si Lee at napasadsad naman ito sa semento.

"Tarantado ka, how dare you to say that to me." nanggalaiting wika niya dito pero alam niyang pawang katotohanan lamang ang sinasabi ni Lee.

Tumawa lamang ang binata sa kanya. "Galit ka dahil alam mong totoo ang lahat, get lost Strike, get lost. Putulin mo na ang anumang koneksiyon mo kay Narda, you don't deserve her." anito sa kanya na parang nagpagising sa kanyang diwa.

You don't deserve her, pilit na bumabalik sa kanyang isip ang huling sinabi nito. Hindi nga niya deserve ang dalaga dahil hindi niya kayang ibigay ang kaligayahan nararapat para dito. Hindi niya gustong sa ganito palagi mauwi ang lahat, their special night turn into a nightmare. Diba dapat kapag kasama mo ang taong mahal mo ay espeyal dapat ang bawat sandali?

How To Make Him Fall For You (My Boy Chinito) 'Published'Where stories live. Discover now