Season 2; Chapter 35

153 6 0
                                        

Era's POV

(well done, sissy. sobrang thanks talaga)

Mahahalata mo kay Sofia na satisfied at nagustuhan nya yung ginawa ko.

Alam kong sobrang napakawalang kwenta kong kaibigan. Im a bias. Ginagawa ko 'to para kay Sofia kasi malaki utang na loob ng pamilya namin sa pamilya nila. Hindi ko gustong maging back-stabber para kay Caisha dahil naging napakabait nyang kaibigan sakin hanggang ngayon. Pero kailangan kong gawin 'to. Sana lang sa bandang huli, may maging tama sa mga gagawin ko.

Sofia's POV

Pinlano ko talaga na pabilihin si Zeke ng cupcake para makausap ko si Era. She was like a kitten that always following her mother. Well, sya lang naman pag asa ko para matuloy yung balak ko bukas. This is exciting!

Narinig kong dumating na si Zeke, sasalubungin ko sana sya kaso mas maganda yung naisip ko.

Hinanap nya ko sa buong bahay. Hanggang makarating sya sa kwarto ko. Sinigurado kong di nya ko makikita at nung nakakuha ako ng chance, hinalikan ko sya.

He didn't move, any single. Pero tumagal yun, I think 10 seconds?

Ako na yung kusang bumitaw since parang gago lang syang naka tingin sakin. Ni hindi ako hinawakan.

Nung bumitaw ako bigla syang umalis. Pa-hard to get!

Cai's POV

Habang ginagawa ko yung written report ko tumawag si Era sakin, ini-invite nya ko sa party ng ate nya. Well, lahat naman kami invited. Sabi ko hindi ako makakapunta dahil anniversary namin ni Zeke bukas. Speaking of, alam nyo bang di pa rin nag paparamdam yun. Kaya siguro nahihirapan ako mag concentrate. Di ko na alam gagawin sa kanya.

* ting! *

Pumunta ko agad sa kitchen nung narinig kong tumunog yung oven. Sobrang wala talaga ko sa mood ngayon kaya ininit ko na lang yung tinake out ko sa fast food chain kanina. Ako lang naman kakain eh.

Kinuha ko na yung plato mula sa loob ng oven. Pero ang tanga ko kasi hinawakan ko pa yung kabilang side ng plate, eh walang patholder yung isang kamay ko.

"sh*t" I cursed to myself. Minsan talaga wala utak ko.

Nilapag ko na agad yung plato sa mesa at kinagat agad yung daliri ko na namula.

* ding dong! *

That really wondaers the hell out of me. Anong oras na at may bumibisita sakin.

Nilapag ko yung patholder sa mesa, katabi yung plate na may food. Buti na lang di pa ko nakapantulog kaya okay lang mag papasok ng kung sino. Basta kilala ko.

Pag bukas ko ng pinto sinilip ko agad. Andun si Zeke. Nakatayo at nakayuko. Pero dahil mas matangkad naman sya sakin kaya nakikita ko pa din yung itsura ng mukha nya. Sa ngayon, di ko yun mabasa. Parang walang emosyon.

And I smell what alcohol he drunk.

"Zeke, gabi na. umuwi ka na" sabi ko sa kanya. Ewan. Ilang araw ko syang di nakita. Ilang oras akong nag alala. Tapos itong nandito na sya, pinapaalis ko naman. But in the back of my mind, I really want him to stay.

Isasara ko na sana yung pinto pero bigla nyang pinigilan gamit isang kamay nya at paunti-unting pumasok ng pinto. Tumayo sya sa harap ko at bigla akong kinabig ng yakap. Niyakap nya ko ng mahigpit. Ito yung pakiramdam na sobrang pamilyar ako. Here in his arms is the heaven im talking about.

After a few moments, our hugs went to something I know i'll never regret.. He really is my man.

*

I woke earlier than I expected after what happened last night. I opened my eyes slightly and I saw Zeke's not around. Nakita ko yung damit ko na nasa kama na.

Naalala ko yung kagabi. It was so memorable. It was maybe wrong, but it really feels right. It was the second time he told me 'i love you'. Napangiti ako nung naalala ko lahat yun.

Ginawa kong cover sa katawan ko yung blanket at pumunta na ng bathroom to give myself a decent smell. I smell like Zeke. Naiwan yung pabango nya sa katawan ko. Lakas maka-teenager. Kinikilig ako.

After a few moments of momenting. I decided to wear the dress he gave on my last birthday. It's still fit on me. Naalala ko yung kwintas na binigay ni.. Ano ngang pangalan nun? Tss. Ang taas ng sentimental value nun sakin, I dont know how I missed place something like that. Haaaaay Caisha!

I shook my head slowly to that thought. Nanghihinayang ako dun.

Kinuha ko yung phone ko at nag compose ng text message para kay Zeke.

-------------

To: Zekeyy Baby

Hi baby. Im up. I love you. May practice ka ngaun?! Please let me know. I dont wanna miss you again. :-(

-------------

Bago kami matulog kagabi nag kulitan pa kami. Pinalitan ko pangalan ko sa PB nya ng 'Caishaa Baby', panu kasi simpleng 'Cai' lang nakalagay. Tas yun, pinalitan nya din ng 'Zekeyy Baby' yung nasa PB ko na '<3'. Gaya-gaya!

Nag punta ko ng kitchen para sana mag coffee nung nakita ko yung box na may note.

Caisha babyy,

I didn't bother to wake you up since you're in a deep slumber. I'll go to school early for practice. Sorry for being absent on the scene almost everyday. Happy Anniversary. This is for you!

Yan yung nakasulat sa not. I opened the box and there I found different designed cupcakes. It was the box of cupcake he bought yesterday in Trisha's favorite store! So, its really for me.

Napangiti ulit ako. Nakakabaliw na ba ngayon pag sobrang inlove?

Isusurprise ko sya ngayon sa school!

*

"bes, feeling ko talaga may babae si Bryn eh! nararamdaman kong may iba sya"

Maagang nadismissed yung klase namin ni Trish kaya nag lakad-lakad muna kami around the campus. Kanina pa ko nilalabasan ng sama ng loob ni Trisha. Mukhang mag kaaway na naman sila ng boyfriend nya.

"marami pa namang lalaki jan, bes"

Hinahayaan ko lang sya dahil goodmood ako ngayon. Ayoko mahawa sa kanya!

"hoy Caisha! ikaw ba, pag sinabi sayo na may babae si Timothy hahayaan mo lang at maghahanap na lang ng iba? ganun?"

Natawa na lang ako sa sinabi nya. Nanlalaki pa mata nya sa inis!

"hoy Trisha! wag mo nga kami idamay jan. atsaka, may proof ka ba na nambabae nga sya? wala di ba? you only have your instinc. panu pag mali ka?"

She pouted her lips and mumured.

"basta! yun yung nararamdaman ko!"

Natawa na lang ako sa kanya.

"TH!"

~~~~~~~

Supposedly, chapter 36 na yung gagawin ko. But motherfrogger! I found out that this chapter was cut! Walang nag sabi sakin T.T

Guys, sorry sa sobrang bagal na UD. Busy talaga ko ngayon. Please bear with me, my dear readers. Konti na lang, guys. Lapit na ending. Konting kapit pa.

Love love love! ♥

Ate Lhiz™

I Miss You Like Crazy • Completed •Where stories live. Discover now