BTB 2

1.9K 81 8
                                    

Tara's 

Tinignan ko lang yung lalaking sumangga ng kamay ko na sana'y dadapo sa pisngi ng babaeng nakatapon ng milkshake sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at winaksi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"How dare you!?" Sigaw ko. Ang kapal ng mukha niya na basta sanggain nalang ang kamay ko. Pero mas makapal ang mukha niya dahil kinalaban niya ako!

Dahil sa pagsigaw ko, nakuha ko nanaman ang atensyon ng madla. Tinignan lang ako ng lalake at ngumisi dahilan para lalong mag-init ang dugo ko sa kanya.

"Tara!" Tinawag ako ni Jade at lumapit ito sa akin, pero hindi na siya nagsalita dahil alam kong alam niya na wala na ako sa mood para sa panibagong katangahan.

"Hindi mo ba ako kilala!?" Tinulak ko siya at tinanong ng pasigaw.

Pero mas kumulo pa yata ang dugo ko ng sabihin niyang "Hindi ko na kailangang malaman pa." Pagkasabi niya noon ay agad siyang naglakad palayo.

Hindi ko naman pinalagpas ang ginawa niya kaya inalis ko yung sapatos ko at binato ito sa kanya. Pero nasalo niya agad iyon. "You'll pay for this!" Sigaw ko sa kanya.

Humarap lang siya sa akin at ngumisi ulit. Hindi nagtagal, naglakad siya papunta sa akin, nang saktong nasa harap ko na siya, lumuhod siya at isinuot ang sapatos ko sa paa. Ngumiti siya sa akin pagkatayo niya at sinabing "Maghihintay ako." Sabay lakad ulit palayo sa akin.

"Argggh! Hindi pa tayo tapos, Hudas ka!" Sabi ko sa kanya tapos tinaas niya lang yung kamay niya at nagpaalam na.

"The nerve!" Sabi ko sa sarli ko habang nakatingin kay Jade. Dumating naman si Ken at Keeya kaya lumapit ako sa kanila, same routine nalang kami pag nagagalit ako.

"Be ready, Ken . She's furious." Pauna ni Jade sa kanya at ng marinig yun ni Kenneth ay ngumisi nalang siya.

Lumapit ako kay Ken at hinawakan siya sa braso tsaka ko siya pinisil ng pagkasakit-sakit. "F*ck Tanika Raine! Ang sakit!" Pagrereklamo ni Ken sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Pero mas lalo ko pang binaon ang kuko ko sa braso niya, mas naiinis kase ako pag binubuo nila yung pangalan ko. "Sh*t! Stop it, Tara!" Sabi ni Ken tsaka ko na siya binitawan. 

"Hoy Keeya! Dalhin mo tong alaga mo sa infirmary baka hindi ako makapagpigil, matanggal ko yung balat niya." Utos ko kay Keeya na kasalukuyang abala sa pagbabasa. Nakita naman niya yung nangyari kanina pero wala siyang pakialam. Ngumisi nalang siya at naglakad papalayo, sumunod naman si Ken sa kanya na hawak hawak yung nasugat niyang braso.

"TAPOS NA PALABAS! UMALIS NA KAYO!" Sabi ko sa mga taong kanina pa nanunuod. Pagka-alis nila ay dumating naman si Luke, bagay na ikinatuwa ni Jade.

"Luke!" Yumakap pa siya sa braso ni Luke na animo'y pusang naglalambing. Sarap sakalin ni Jade, OA na sa kaartehan.

Being Tara BuenavistaOn viuen les histories. Descobreix ara