Chapter 12: Satan!

Start from the beginning
                                    

"I'll tell the Archbishop that we're coming."

(II)

Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagtungo na sila sa opisina ni Archbishop Villasor. Ang Office of the Archbishop ay nasa vicinity din lang ng Manila Cathedral. Christmas Season kaya't maraming Christmas decorations sa paligid, maging ang life-size statue ni San Lorenzo Ruiz na ngayon ay pinagmamasdan nina Father Markus, Jules, Hannah at Bishop Israel mula sa kinauupuan nila sa hallway, ay red and green ang kasuotan.

"The Archbishop will see you now," paglapit ng lalaking naka-barong na siyang secretary ng arsobispo.

Sabay-sabay silang nagsitayuan. Si Bishop Israel katulong ng kanyang crutches. First time nina Jules at Hannah na ma-meet ang arsobispo kung kaya't nagsuot sila ng pormal sa okasyong ito: long sleeve polo kay Jules at blouse naman kay Hannah, although naka-jeans at sneakers pa rin sila. Pagpasok, namangha sila sa eleganteng interior ng opisina.

"Come in, come in!" malugod na bati ng 60-something na si Archbishop Villasor. Hindi katangkaran, kayumanggi, may katabaan at naka-salamin.

"Your excellency," bati nina Bishop Israel at Father Markus, at nakibati rin sina Jules at Hannah.

"How's your leg, Reginald?" tanong ng arsobispo.

"It's healing," sagot ni Bishop Israel.

Pagkatapos ay bumaling ang arsobispo sa mga hindi pa niya nami-meet na miyembro ng JHS. "And this must be Jules and Hannah."

"Your excellency," sabay na greeting ng dalawa.

"I've heard a lot about the two of you. You're doing the Catholic church a good service," may paghangang sabi sa kanila ng arsobispo. "Please, sit down."

Naupo sila. Sina Bishop Israel at Father Markus sa tapat ng narra na office table ng archbishop. Sina Jules at Hannah ay magkatabi sa may sofa na malapit din lamang. Napansin nila na may giant jigsaw puzzle sa mesa ng arsobispo—ang favorite past time niya. Nangangalahati na siya sa pagbubuo ng litrato ng Notre Dame de Paris sa France, isa sa pinakamaganda at sikat na cathedrals sa buong mundo. Maya-maya'y bumukas ang pintuan at tinulak ng lalaking secretary papasok ang coffee trolley at isa-isa silang binigyan ng tasa ng kape bago lumabas muli.

"Narito kayo para sa rosaryo," kaswal na sabi ni Archbishop Villasor hawak kanyang tasa.

"Yes, your excellency," siryosong tugon ni Bishop Israel.

"What is it this time? A first hierarchy? A second hierarchy?" tanong ng arsobispo habang humigop ng kape.

Nagkatinginan sina Father Markus at Bishop Israel na tila nagsesenyasan kung sino ang magsasabi ng bad news. At ang obispo ang bumuwelo at nagsabi:

"It's Satan himself."

Biglang nabuga ng arsobispo ang hinigop na kape at natapunan pa ang ginagawa niyang jigsaw puzzle, at dahil doo'y nagulo ito.

"What?!" Hindi makapaniwala si Archbishop Villasor at nagpalipat-lipat ng tingin kina Bishop at Father Markus, hoping na mali ang narinig niya.

"Walang iba kundi si Satanas," confirm ni Father Markus. "The adversary."

Binigyan siya ng masamang tingin ng arsobispo. Noon pa ma'y may trust issues na ito sa pari, na tingin niya'y isang rogue priest. Although tanggap niya na may abilidad ito sa pagsugpo ng dimonyo, ay tinuturing pa rin niyang isang risk ang pari na nag-a-attract ng evil. At ngayon, tila nakumpirma na niya.

"It's you, Father," turo ng arsobispo. "Ikaw ang pinupuntirya ng dimonyo!"

Hindi nakasagot si Father Markus, may katotohanan naman ang paratang.

"And your team!" biglang tingin ng arsobispo kina Jules at Hannah na napaigtad sa kanilang upuan. "You've angered the devil!"

Napabuntong-hininga sina Jules at Hannah, kanina lang ay binibida pa sila.

"Given that it's true, Father Markus is still being revered by the Church," pagtanggol ni Bishop Israel"

Kumalma din naman ang arsobispo. Nagtataka naman si Father Markus kung ano 'yung tungkol sa "being revered." Ang arsobispo ang nagpaliwanag.

"Word got out," aniya. "About doon sa victory ninyo sa demon na si Berith at pagpapagaling sa bata na ipinanganak sa haunted house. Nabalitaan ng ibang mga diocese dito at sa ibang bansa ang nangyari sa Quezon Province. Even sa Vatican nakarating na ang news. And they hold you all with high regard, you Father Markus and the rest of your team."

Nagkatinginan sina Jules at Hannah. Bida na naman sila.

"Really?" hindi napigilang sabi ni Jules.

"Yes," tango ng arsobispo, at napabuntong-hininga. "They think your team is great."

"Fuck, yeah JHS!" bulalas ni Hannah sabay napatakip ng bibig, at nakita niyang nakatingin sa kanya ang lahat.

"Miss!" paglaki ng mga mata ng arsobispo sa kanya. "That is the first time that word was uttered in this room!"

Hiyang-hiya si Hannah na napatiklop sa kanyang kinauupuan. "S-sorry, your excellency."

Sumandal ang arsobispo sa kanyang upuan.

"You, Father Markus, is beginning to be a legend," aniya. "In Rome, ang tawag sa iyo ng mga students ay la rovina della diavolo. The Devil's Bane. Mukhang marami kang fans."

Napangiti sina Father Markus, Jules at Hannah. Dagdag pa nina Archbishop Villasor at Bisop Israel ay madalas na mabanggit daw si Father Markus sa mga lectures ng school of exorcism sa Rome, mula sa European University hanggang sa Pontifical Athenaeum Regina Apostolorum. At i-expect daw ng pari na tumawag ang Sacerdos Institute na siyang namamahala sa exorcism course na Exorcism and Prayer of Liberation, para imbitahan siyang mag-talk sa mga students.

"Yeah, Father! Devil's Bane!" masayang hudyat ni Hannah at nag-apir sila ni Jules.

"Let's get back to the matter at hand, shall we?" sabi ng archbishop. "Bago ko ibigay ang rosaryo, I want details ng kasong ito. Sino ang mga involved. Name of the possessed. All the information."

"I'll have it in your office tomorrow morning," sabi ni Bishop Israel.

"Thank you, your excellency," pasalamat ng JHS.

Tinuroni Archbishop Villasor si Father Markus na parang nagbibilin. "You Father, you arethe only one capable of wielding the holy rosary of San Lorenzo Ruiz. Ngayonghaharapin n'yo si Satanas, malalaman natin ang tunay na power ng artifact naito."


NEXT CHAPTER: "It Comes and Goes"

Ang Dalawang Anino ni SatanasWhere stories live. Discover now