Chapter 42: Tayong Dalawa

Depuis le début
                                    

Habang kumakain ay nagulat ako ng konti dahil sa paglagay ni Elijah ng syrup sa plato ko.

"Tha.. thanks"

Nginitian niya lang ako at kumain na din siya.

Halos sabay lang kami natapos kumain. Nasa gilid lang ang mga maids kaya sila na ang nagligpit sa mesa.

Pumasok na muna ako sa library para gawin ang trabaho ko tutal naman ay tulog si baby Elaine.

Pero nangangalahati pa lang ako sa ginagawa ko ay napasubsob ako sa mesa ko at nakatulog.

Elijah's POV

"Sorry talaga kuya ah. 1month na kasing puyat si ate eh. Baka kasi mapano pa si ate sa sobrang pagod. "

"Its okay. I undersrand. Alam ko naman na mahirap ang ginagawa ni Shine. "

"Cge wait lang. Papa handa na ako ng lunch"

Umakyat ako sa library nila para silipin si Shine.

Pagbukas ko sa pinto ay nakita ko si Shine na nakatulog sa mesa niya.

Nilapitan ko siya at nilipat sa sofa. Pagod na pagod nga talaga si Shine.

Hinalikan ko siya sa noo at lumabas na.

Shine's POV

"Shine, gising na"

Dinig kong gising sakin ni Elijah... dahan dahan kong iminulat ang mata ko.

"Kumain ka muna oh. It's  3:00 in the afternoon. You skipped lunch."

What?! 3:00 na!? Pano na yung tinatapos kong paperwork? Napatayo agad ako at lumapit sa laptop ko. Pero nakita ko naman na may folder dito at pagbukas ko dito ay ito yung mga paperworks na dapat kong tapusin. Pero tapos na siya at na print out na.

"Its already done. Dont worry. So kumain ka na muna."

At nilapag ni Elijah ang pagkain sa harap ko. At sa hindi pa rin ako makapaniwala, hindi pa din ako kumain.

"Shine, " at may pagkain na sa kutsara na hawak ni Elijah na mukhang balak pa ako subuan...

At nagpasubo na lang ako dahil hindi pa din ako makakikos ng maayos dahil ramdam ko pa ang pagod. Sakto naman pagkatapos ko kumain ay may kumakatok.

"Mommy? " at pumasok si Angelico.

"Daddy! You're here! " tapos niyakap niya agad si Elijah. Then lumapit siya sakin at ako naman ang niyakap tapos ni kiss sa magkabilaang cheeks ko.

"Are we going home early today, daddy? "

"No baby. Why? " sagot ni Elijah sa kanya.

"Then why are you here this early po? "

"Pagod kasi ang mommy mo. Diba inaalagaan niya si baby Angelica? So para di sya masyadong mapagod pinuntahan ko siya para makapag rest siya ng maayos"

"Okay po. Mommy, we have an exam tomorrow in Filipino. "

"Okay Angelico. You change your clothes muna then we'll start your tutor"

"Daddy, will you join us? "

"Sure"

"Yehey! Thank you mommy, thank you daddy" tapos niyakap niya ulit kami.

Tumayo na din ako para iligpit ang pinagkainan ko pero pinigilan ako ni Elijah.

"Ako na. Puntahan mo na lang muna si Angelica" tapos lumabas na si Elijah.

Bakit ba ang sweet mo pa din sakin ngayon Elijah?

Lumabas na nga ako at pinuntahan si Elaine sa kwarto ko pero nakita ko din doon si Elijah na pinapalitan ng diaper si baby at kinakausap niya ito.

"Baby, wag mo na papahirapan si mommy ah. Sakitin kasi si mommy at madali mapagod so bawal sa kanya ang magpuyat. Kaya sumunod ka na kay mommy kapag pinapatulog ka na niya ha."

Hays. Bakit ba kasi kailangan mangyare yon? Sana buo, kumpleto at masaya pa din kami ngayon. Sana walang nahihirapan sa sitwasyon namin ngayon...

"Oh, mommy's here na pala" tapos maya maya ay lumapit si Elijah sakin kaya bago pa sya tuluyang makalapit ay pinunasan ko na ang luha ko.

Naramdaman ko naman na dumapi ang kamay ni Elijah sa mukha ko at tinuloy niya ang pagpunas sa luha ko.

"Let's go. We need to tutor Angelico "

Tapos hinawakan niya ako sa kamay...

"Daddy, look po oh, I got the highest score in our art class" tapos inabot niya kay Elijah ang drawing niya.

Madalas kong napapansin iyon, si Elijah lage ang unang sa lahat ng bagay na gusto ipakita o ipagmalaki ni Angelico. Nung una akala ko dahil sa may galit siya sakin dahil nung nag aantay pa kami ng DNA result ay naging masama ako. Feeling ko ay lumalayo ang loob niya sa akin. Lagi syang excited na pumunta o makita si Elijah...

"Mommy"

"Ye.. yes baby? "

"Why are you crying? "

Pinunasan ko yung luha ko...

"Wala lang ito baby... sige na, mag study na tayo" nauna na si Angelico sa may study table niya.
"Shine, " -Elijah. Nilingon ko siya at binigyan ng "bakit look"

"Can we talk? " at tinanguan ko lang siya. Lumabas kami saglit sa study room ni Angelico.

"Shine, anong problema? Kanina ka pa umiiyak eh"

"Wa.. wala... walang problema."

"Shine naman sakin ka pa ba maglilihim? "

"Wala. Walang problema... " at lumabas na naman ang mga luha ko kaya yumakap si Elijah sakin.

"I'm sorry... it's just.. "

"Go on Shine. I'll listen to you"

"Ang.. ang sama sama kong ina... hindi ko naaalagan ng maayos si Angelico... lumalayo ang loob niya sa akin... ginulo ko ang buhay niya... buhay na sana may kumpletong pamilya siya... buhay na nagkakasama kayo ng madalas... nat.. natatakot ako na baka mas maging masama akong ina kay Elaine... " sabi ko ng umiiyak kay Elijah... hinaplos naman ni Elijah ang buhok ko likod ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin.

"Shh... tahan na Shine. Hindi totoo yang sinasabi mo. Mabuti kang ina. Alam namin ang hirap na dinanas mo lalo na nung nawala sa atin si Angelico. Mahal na mahal ka ni Angelico... mahal na mahal kita... mahal na mahal ka namin.. tayong dalawa ang magpapalaki at magmamahal kay Angelico at Angelica"

Road To Forever (Book 2 of When Ms Bitter Falls Inlove)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant