"Sige po, salamat uli pasok na po ako sa school." tumango lang si mama.

 

Oo tama ang narinig niyo ang iyakin na toh ay malapit ng grumaduate sa high school.

 

At sa ilang years ko bilang high school student may naging friends narin ako aaaaahh ...

 

 

 

Pero mas tamang sabihin na BARKADA !

 

 

Oo, totoo talaga, hindi naman lahat ng tao ay malupit at mapang-husga at hindi rin naman ako ganun ka pangit para o halimaw para pandiri-an.

 

Kaya may kabarkada ako at sila ang naging sandigan ko at saya lalo na ang taong walang sawa na pina-pahiran ang luha ko sa tuwing iiyak ako.

 

Tricycle nga pala ang sinasakyan ko ngayon patungong school at malapit na ako sa aming paaralan.

 

 

At tadaaaaaah !

 

I'm in school nah! ang bilis bah? haha .

 

Agad na nahagilap ng malalabo kong mata ang isang lalaking nakatayo sa may gate. Naka-smile na agad ako at mabilis na naglakad patungo sa kanya. Para kasing hinihintay ako neto.

Hindi niya ako nakikita kasi busy siya sa kaka-kal-kal sa kanyang android phone.

 

 

"Tovy!"

 

Napalingon agad si Tovy sa kinaroroonan ko. Nag-smile siya at kumaway !

 

 

 

Nag-smile rin ako at kakaway na sana kaso ...

 

 

 

May na-unang maglakad sa'kin papunta kay Tovy. Kaya napahinto ako sa paglalakad papunta sa kanya.

 

At tiningnan ang ngayo'y magka-harap na si Tovy at Chloe.

 

Remember yung ka-klase ko noon nung firstyear na umagaw sa upuan na katabi kay Tovy at tumawag sa'kin na nerdy?! Siya yun! Siya pala yung nililigawan ni Tovy.

 

 

Na-iiyak ako.. t.t

 

 

Nakatingin ako sa kanila habang pinipigilan yung tears of pain na kumawala sa mga mata ko.

 

Uyy! wag kayooo kung may tears of joy , meron ding tears of pain noh ..

 

Ang laki nung smile nung kaibigan ko abot atah hanggang tenga. Kainis ! tsss ..

 

Nang makalapit ako sa kanila ay nilagpasan ko nalang sila, sinadya ko pa talagang banggain si Tovy pero wa epek !

MY HANKY MANWhere stories live. Discover now