Chapter 16

8.8K 153 2
                                    


"O, NAPATAWAG ka?" tanong ni May kay Lawrence sa kabilang linya.

"Wala naman. Mangungumusta lang. Tapos na ang shooting ko. Narito na ako sa bahay ko. I'm so tired."

Kung naroon lang siya sa tabi nito ay baka ipaghele niya ito. "Matulog ka muna. Ilang araw ka na ring walang tigil sa pagtatrabaho."

"Mamaya na lang. Ngayon lang ako nagkaroon ng time na makausap ka nang mas matagal."

"Kaya kahit pagod ka at gusto nang magpahinga ng katawan mo ay pinipilit mo pa rin manatiling gising?"

"Yes, my angel."

Napangiti siya sa sagot nito. Dapat na ba siyang mag-presume? Pero ayaw niyang gawin iyon. Paano kung magkamali siya ng akala? Magiging napakasakit niyon sa kanya.

"Siyanga pala, narito ang mommy mo ngayon," pag-iiba niya ng usapan.

"That's good. Mas gusto ko pang nariyan siya kaysa naroon siya sa bahay namin. Mas masaya siya kapag kahuntahan niya ang mommy mo. Anyway, sa isang araw ay uuwi na ako riyan para sa operasyon ni Mommy. Sasamahan mo ako, ha?" Kung tama ang pagkakarinig niya ay may paglalambing sa tinig nito.

Lambing? Bakit naman ito maglalambing sa kanya? Hindi dapat niya binibigyan ng kahulugan ang mga ginagawa nito dahil alam niya na mas pinapahalagahan nito ang pagkakaibigan nila.

"Of course, sasamahan kita. Malakas kayo ni Tita sa 'kin."

"Thanks, May."

"Magpahinga ka na, Lawrence. Halata na sa boses mo na pagod na pagod ka. At saka may incoming call ako."

"Sino?"

"Ang manager ko. Mukhang may importante kaming pag-uusapan. Sige na, matulog ka na. Tawagan mo na lang uli ako kapag may time ka."

Pagkatapos magpaalam ni Lawrence sa kanya ay sinagot niya ang tawag ng manager niya. Ipinaalam lang nito sa kanya na magkakaroon siya ng panibagong proyekto pagbalik niya. Ngunit nadismaya siya nang malaman niyang hindi si Lawrence ang makakatambal niya kundi si Alexis Dungo.

Iyon na ba ang simula ng paghihiwalay nila ni Lawrence ng landas bilang magka-love team? Pareho na silang itinambal sa iba. Ngunit tulad ng sinabi niya kay Lawrence noon, kasama iyon sa pag-grow nila bilang mga artista.

Hindi sila panghabang-buhay na magka-love team. Hindi nga lang niya napaghandaan ang araw na iyon kaya medyo na-depress siya. Gayunman, hindi niya tatanggihan ang proyektong ibinigay sa kanya. Blessing iyon.

Ikinuwento kaagad niya kay Yayo ang masaklap na balitang iyon.

"Ano'ng naging desisyon mo?"

"I said it's okay. Blessing ang new project na iyon. Isa pa, halos lahat naman ng magkakatambal sa showbiz ay hindi nagtatagal. Uso na ang pagpapalit-palit ng magkakapareha at hindi kami exception ni Lawrence doon. Mabuti na rin siguro iyon para ma-miss ko naman siya," nakangiting sagot niya.

"Plastic! Ma-miss? Eh, ngayon pa nga lang, nami-miss mo na siya," kontra nito.

"Kung kinakailangan naming mag-grow sa propesyong napili namin sa magkahiwalay na landas ay ayos lang, Yayo. Baka hindi pa lang ngayon ang panahon na gusto ng tadhana para sa aming dalawa. Isa pa, hindi naman ibig sabihin na hindi na kami magkatambal ay wala nang pag-asa ang love story namin," optimistic pa rin na sabi niya.

Tumawa ito. "That's the fighting spirit!"

olor:'?Q

Love Team COMPLETED (Published by PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon