002

1.9K 86 43
                                    

"Ganito, kunwari, nagtatawanan tayo tapos itutulak mo ako sa harapan ni Peter kaya sasaluhin niya ako," pagbibigay instruction ko sa kaibigan kong si Divinity Kim a.k.a Deity. Imbis na sumang-ayon, kinunutan niya ako ng buong mukha na para bang isang malaking joke ang gusto kong mangyari.

"Sugarcane, paminsan, kailangan mong magising sa katotohanan."

"Huh?" Lumayo ako nang kaunti dahil hindi ko magets ang sinasabi niya. Wala akong naintindihan saglit dahil napakaseryoso niya.

"Hindi nagsisimula ang love story sa isang 'once upon a time, isa akong lampang babae at natumba sa harapan ng prince charming. Tinulungan niya akong tumayo at minahal na niya ako. And we live happily ever after, the end'. Uso mag-isip ng labas sa storybooks." Hindi ko alam kung ano ang sineseryoso niya dahil nagpapanic na ako nang makita ang Sabgwa na naglalakad palapit sa amin sa hallway.

"Ayan na, ayan na! Itulak mo ako, ha? Dapat 'yung realistic!" pag-uulit ko kaya napailing siya.

"Dapat talaga sa'yo, maging director," sabi pa niya bago uminom sa yogurt niya.

"Ito na!" pabulong kong sigaw at naging isang ganap na akong artista.

"Alam mo ba si ano? HAHAHAHAHA!" Nilakasan ko talaga ang boses ko para ipaalam na andito ang isang Sugarcane Min na makakasalubong nila. May pahampas-hampas pa ako kay Deity kaso hindi siya sumasakay sa plano ko.

"Ano ba, sumakay ka naman besh," bulong ko at muling tumawa sabay hampas sa braso niya.

Napailing muna siya. "Ay? Hahahaha? Talaga?" Atlast! Kahit 49% ng acting skills niya ang nilalabas niya ay magagamit ko naman.

"Oo tapos si ano HAHAHAHA!" Sinamaan na niya ako ng tingin dahil pinalo ko na naman ang braso niya.

"Itutulak na kita," pagpapaalala niya dahil malapit na ang Sabgwa sa dinadaanan namin.

"Sige, sige." Hindi na ako tumango dahil hinahanda ko itulak ni Deity kaso napakunot ang noo ko nang naramdaman kong nawalan ako ng balanse at palapit nang palapit ang sahig sa mukha ko.

"Aray!" sigaw ko dahil natumba ako na hindi pa ako tinutulak ni Deity. Sumakit din ang bandang paa ko kaya napatingin ako rito. Hindi pala nakasintas ang sneakers ko at natapakan ko pa ata ito habang naglalakad!

"Hala, Sugarcane!" Doon din narealize ni Deity ang nangyari sa akin kaya balak niyang lapitan ako. Kaso may naramdaman na akong mga kamay sa magkabilang braso ko mula sa likuran ko.

"Ayos ka lang?" Napalingon ako kung sino ang tumutulong sa akin ngayon sa pagtayo. Si Bluemoon Morales.

"Uhm.. oo, ayos lang." Halata bang nadismaya ako? Akala ko kasi si Peter ang tutulong sa akin. Ayaw ko talagang ipakita ang nakasimangot kong mukha dahil si Bluemoon ito, kaibigan ko rin.

"Hoy Sugarcane, uso tali muna sa sapatos!" singit ni Simon Seagull na mukhang singit.

"Hoy Simon, uso tahiin ang bibig mo!" sigaw ko pabalik habang hinahayaang pinapagpahan ni Bluemoon ang damit ko.

Hinanap agad ng mga mata ko si Peter na kasalukuyang nakatingin sa akin ngayon. Palihim na lang akong napasimagot dahil akala ko pa naman, lalapit din siya sa akin. Pero infairness, mukhang masakit ang ankle ko ah.

Peter Pied Piper (REVAMPING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon