PLUG KO LANG YUNG IBA KONG BOOKS:
1. 30 THINGS WE HATE ABOUT GIRLS
2. BENEFITS OF FRIENDZONE
3. 100 GIRL SECRETS EVERY GUY MUST KNOW
Thanks :)
**********************************************************
[1] Miss Understanding
B: Hon, gagabihin ako ng uwe, may tinatapos lang kami dito sa office.
G: Ok hon. Wag ka masyadong magpapagod ha. Ipagtitira na lang kita ng pagkain. Ingat ka pag-uwe.
---
B: Babe, di kita masusundo mamaya, may kailangan lang kaming asikasuhin dito sa school. Sorry ha. Bawe na lang ako next time.
G: Ganun ba? Sige babe. Ok lang. di rin naman kami gagabihin mamaya. Ingat ka babe.
---
B: Bok, alis lang ako saglit, magbabasketball lang kami ng barkada ko. Mamaya na lang kita itetext.
G: Sige bok. Wag kang magpapatuyo ng pawis ha. Baka magkasakit ka.
Ang mga lalaking may ganitong gf ay daig pa ang nakajackpot sa lotto.
Wala ng mas sasaya pa sa pagkakaroon ng understanding girlfriend.
Yung tipong hahayaan kami na gawin ang gusto namin at hindi kami masyado pinaghihigpitan.
Gusto namin yung mga babaeng pinagbibigyan kami sa gusto namin.
Yung binibigyan kami ng oras para magsaya kasama ang barkada.
Yung iniintindi kami sa mga pagkakataong may inaasikaso kaming mahalaga.
Yung mga babaeng sinasakyan ang ugali namin lalo na kapag moody kami. Hindi lang naman kayong mga babae ang may karapatng maging moody. Nagiging moody rin kami lalo na kung pagod kami mula sa trabaho or stress mula sa school.
Yung mga babaeng nangingibabaw ang pagtitiwala kaysa paghihinala.
Kaya mga brad, wag nyo namang aabusuhin ang kabaitan at malawak na pang-unawa ng gf nyo. Kung anong ipinagpaalam nyo sa kanila, siguraduhin nyong yun talaga ang gagawin nyo. Mahirap makahanap ng gf na super understanding.
Kaya kung gusto nyong makuha ang kanilang lubos na pagtitiwala, wag nyo silang bibigyan ng dahilan para maghinala.
Girls, be understanding. Wag puro hinaing.
Guys, let’s be trustworthy. Para di naghihinala si sweetie.
