5th Chapter

272 8 0
                                    

Mission Possible

Nadine

12 AM. May 29, 2014.

Napagdesisyonan namin ni Aya na gawin itong Mission Impossible namin sa ganitong oras para daw walang makakita sa amin. Anong silbi daw ng pagigind dean's lister namin kung hindi kami marunong mag-isip diba? Di na kami sumuot nung mga hood na may butas sa mata para hindi makilala. Si James lang naman siguro ang nakakakilala sa'kin at siya din ang pakay namin kaya nandito kami sa Ayala Condominium.

Pagdating namin sa main entrance, hinarangan kaagad kami ng isang guard.

"Excuse ladies, bakit kayo nandito? Anong pakay niyo?" Nahiya naman daw kami sa Ladies niya kaya sinagot ko siya with a seductive voice.

"Ako po yung katulong ni James Reid sa room 360. Siguro naman kilala niyo ako dahil pumunta ako dito nung isang araw." Sagot ko. Nanlaki ang mga mata niya dahil na rin siguro sa pagkabigla na ang isang magandang dilag na katulad ko ay katulong lamang ng isang napakagwapo at napaka-hot na artista. 

Namumukhaan ko din ang guard na'to dahil siyempre, siya din yung nagbantay simula nung isang araw hanggang ngayon. Siguro wala pa siyang ligo. Thinking with that mere fact makes me want to vomit. Joke! Arte ko. Kapwa ko lang naman ding mahirap si Manong Guard.

"Sige, sige. Pasok." Pumasok kaagad kami kasi baka magbago pa ang isip ni Guard. I gave Aya a slight smile and she just nodded.

Pumasok kami sa elevator at at pinindot ang 36th floor. 

"Sigurado ka ba sa gagawin natin, Nads?" Kabadong tanong ni Aya. Siya naman nag-insist na gawin to ah!

"Aba, siyempre. Sayang pa yung iPhone ko no." I replied.

"Eh paano kung mahuli tayo nun?" halatang worried siya sa mangyayari. Even me. Pero importante ang iPhone ko eh.

"Hindi yan! Hindi naman siya nocturnal na tao kaya siguradong tulog nayun." I assured her. I guess so. Sana maging successful tong Mission nato. Dapat pala Mission Possible nalang.

Bago paman makasagot si Aya, tumunog na ang elevator. Ting.

Sabay kaming bumuntong hininga at lumabas na sa elevator. SIguro tulog na ang lahat ng tao dito dahil wala na akong nakikita ni isa. Hello! 12:13 na kaya. Dapat before 2 am matapos na namin tong mission nato.

"Nads, may password." Halatang kinakabahan ang bestfriend ko.

"Alam ko." Nagningning ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"Paano?" tanong niya.

"Duh! Edi nakita ko!" mahina kong sagot.

Tinype ko na ang password sa may calculator and BOOM! Bumukas din. Bwahahaha.

Dahan-dahan akong pumasok habang si Aya bumubuntot sa akin. Kinakabahan ako pero wala to dahil I love my iPhone at kailangan ko yun makuha kaagad.

Nagtago ako sa may ilalim ng lamesa at dahan-dahang tumingin sa sala kung may tao. Mabuti nalang at wala kaya tumungo na ako sa guest room pero ang tingin ko nasa sala pa din.

Naramdaman kong nabangga ako sa isang pader at may nahulog na baso.

I gulped.

Hindi pala pader, adonis pala na naka-sando.

"Nadine, labas lang ako." Fck! Lumabas pa talaga si Aya. Ano na ang gagawin ko?! Huli na ako sa akto.

The Chase and Heartbreak Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon