Chapter 6: Gatorade

55 1 0
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ko para sa last class ko. Binilisan ko ang paglalakad ko para di ako ma late dahil 5 minutes nalang ay late na ako. Nag lakad-takbo ako para makaabot. Nakahinga ako ng maluwag ng makita wala pa ang prof namin, inilapag ko ang mga gamit ko sa upuan at umupo. Maya maya pa ay dumating na ang terror prof namin. Ewan basta pag nagsasalita siya parang may angel na dumaan sa sobrang tahimik ng klase. Pag nagtatanong nag sstutter ako pag sumasabit kasi yung kilay laging nakasalubong hahaha so ayun nagbigay ang lang siya ng ilang reminders para sa nalalapit naming finals. Matapos ng aking huling klase ay agad akong lumabas para makauwi na. Habang nilalakad ko ang kahabaan ng hallway ay biglang may nag text sa akin.

From: Nica Panget
Ange may gagawin ka ba today?

To: Nica Panget
Uhmm.. Wala naman. Bakit?

Inintay ko ang reply niya ng ilang segundo pero walang reply. Kaya naman ibinulsa ko nalang ang phone ko. Saktong pagka bulsa ko ng phone ay bigla itong nag ring wow ang bad timing ah. Hindi ko na tinignan ang caller id at sinagot agad ito. "Hello Ange" bati niya. "Hello Nica. Anong atin?" tanong ko "Anong atin walang atin gaga" biro niya sabay tawa "Nica ibaba ko to sinasabi ko sayo" banta ko "Ah di na nga e joke lang. Ito di mabiro.. Ano kasi gusto mo ba sumama mamaya?" tanong niya "Ay nako Nica pass muna ako sa mga gala mag rreview pa ako" paliwanag ko "Grabe ka naman di naman gala e. Samahan mo lang ako sa practice ng GA" sabi niya "Eh. Ayaw ko ikaw nalang" sabi ko "Sige na please... Di naman tayo mag tatagal e" sabi niya "Sige tingin ka sa likod" tas biglang binaba niya ang phone ugh kahit kailan talaga ginawa ko naman ang sinabi niya tumingin ako sa likod at alam kong mag pupumilit nanaman to "Friend!!!" tili niya napailing nalang ako dahil sa kabaliwan nito "Ayaw ko sumama Nica ha. Marami pa akong gagawin" paliwanag ko "Sige na sandali lang naman tayo e*tumingin siya sa wrist watch niya* 3:30 palang naman oh.. Iuuwi kita wag ka mag alala" pilit niya. "Kala mo talaga may boyfriend dun at kailangan pa manood ng practice" inis kong sabi "Oy kami na kaya ni Brent last week pa" sagot niya sabay pout di bagay kainis. "Ayaw ko nga!" sabi ko

Pero ang loka loka kong kaibigan ay hinila ako papuntang gym kung saan nag ppractice ang GA. Mga matitining na kaluskos ng sapatos ang una kong narinig(Ayaw ko ng ganyan promise sakit sa ulo e) Wala na akong nagawa kundi sumunod kung saan ako hinain ng loka ewan ko ba kung paano ko naging bestfriend to. Ayun nakita ng mga players si Nica "Hi Nica!"
sigaw nila Kib at Aljun. Nakita din siya ni Brent kaya naman lumapit si Brent kay Nica "Sabi mo kanina busy ka. Pero thank you at nakapunta ka I mean kayo" sabi niya kay Nica sabay tingin sa akin "Hi Angelica" sabi niya sabay ngiti "Hi." bored ko sagot kasakanya. Tinawag sila ng coach nila "Sige upo nalang kayo sa may bleachers,una na ako tawag kami ni coach" sabi niya kay Nica sabay kindat, tumakbo siya papunta sa mga coach nila. "Sabi sayo may boyfriend ako dito e" she said then smirk. "May boyfriend ka man o wala, wala pa rin akong pake" sabi ko sabay ikot ng mata "Tse wala kang kasupport support sa bestfriend mo" nauna siyang maglakad papunta sa bleacher sinundan ko nalang siya dahil wala na akong magagawa dahil nandito na rin ako.

Ilang oras na silang nagpractice tinignan ko ang wrist watch ko 4 o'clock na at pumito ang coach nila "Okay boys break muna tayo" sabi ng coach nila tapos nagsi-puntahan na ang mga players sa bleachers. Pumunta si Brent saamin na may dalang isang Gatorade binigay niya ito kay Nica "Ay thank you" mahinhing sabi ni Nica ay aba nag pabebe ang loka. Hinayaan ko lang silang mag harutan ako ako naman ay lumipat sa katabing bakanteng bleacer at nag browse nalang sa phone ko "Hey, do you want some Gatorade?" alok ng lalaking nasa harapan ko iniaabot niya ang blue Gatorade. Initaas ko ang muka ko para makita kung sino ang nagsasalita si Ricci pala. "Thanks but I'm not thirsty" sabi ko sabay ngiti "Sus! Ange wag kang maarte sabi mo uhaw ka na. Tas diba favorite mo yung blue na Gatorade" sigaw niya at agad ko naman siyang pinanlakihan ng mata ugh kahit kailang talaga Nica!!! "Come on don't be shy. Don't worry libre yan di kita sisingilin." sabi niya at iniabot sa akin ang Gatorade "Thanks" sabi ko tapos upo siya sa may tabi ko. "Salamat ulit kagabi ha" "Ang kulit oo nga! Nakaang thank you ka na" sabi ko tas napatawa ako ng konti "Ahh.. siya pala yung sinasabi mong kasama mo kahapon ah" sabat ni Brent nakita kong namula ang tenga niya "Oo na!" sabi niya kay Brent "Ay friend bakit di mo kwinento yan sa akin?" sabat din ni Nica "Eh di ka naman nagtatanong e" sagot ko ay nako bagay nga silang mag jowa napaka chismoso at chismosa hahaha... Nag kwentuhan lang silang tatlo ako at ako naman ay di masyado nakibo nagpatuloy ako sa pag browse ng social media "Ange bakit di mo pa ginagalaw Gatorade mo? Di na yan malamig mamaya" pagpansin ni Nica sa di ko ginalaw na Gatorade "Oy grabe ka wala namang lason yan" sabi ni Ricci "Oh eto na po iinumin na" ininom ko ito "Yan iinumin naman din pala" tinawag na ulit sila ng coach nila para makapag practice ulit. 5:30 na nang matapos ang practice nila. Nagpaalam na sila sa kanilang coach. "Nics, Ange hintayin niyo kami mag sshower lang kami tas sama kayo sa dinner namin." sabi ni Kib "Ay di na po kuya Kib si Nica nalang sasama, una na po ako" inunahan ko na si Nica kasi paniguradong o-oo nanaman yan "Awww kawawa naman si Rivero wala na bebe niya" asar ni Aljun at Brent kay Ricci at agad naman ito siniko ni Ricci "Sorry talaga may gagawin pa ako" paliwanag ko "Oh basta next time sumama ka na ha" sabi ni Kuya Kib sa akin "Sige bye po. Nica wag masyadong maano ha" sabi ko sabay wave sakanila nag babye na ako saka tumakbo.

Mga 6 na ako nakauwi. Ginawa ko na ang mga assignments ko at iilang presentation para bukas. Binilisan ko nalang ito para makatulog ako agad. Luckily natapos ko naman at ito ng mga 11:30

Love don't changeWhere stories live. Discover now