Chapter 1: Ticket

103 1 0
                                    

Maaga akong nagising sa alarm ko. Ang aga ko palang ni-set ang alarm at bigla kong naalala na mag jjogging pala ako. Dali dali akong kumuha ng susuotin sa aking closet. Kumuha ako ng black sports bra, shorts, at jacket sinuot ko yon at saka isinunod ang aking rubber shoes. Kumuha din ako ng tumbler, face towel, at yung mga kakailanganin ko sa pag jjogging. Tinali ko din ang aking buhok para hindi sagabal sa aking mukha habang tumatakbo ako.

Lumabas na ako ng pintuan at pinindot ang elevator papuntang lobby. Nag jogging ako papunta sa malapit na park para makapag simula na ako. Ilang minuto din ang ginugol ko sa pag jjogging. Matapos akong umikot sa park ng ilang beses ay napag desisyonan kong kumain sa malapit na cafe dito sa park. Pumasok ako sa loob at agad na naamoy ang coffee scent, na gustong gusto ko. (Fun fact mahilig talaga ako sa mga cafe). So ayun umorder ako ng venti iced vanilla latte at isang chocolate croissant. Humanap na ako ng table. Nakakita ako ng table na malapit sa may window makikita mo sa labas ang napaka refreshing na view dahil maraming puno. Ilang minuto ay tinawag ng barista ang pangalan ko so ibig sabihin ready na ang order ko. "Venti iced vanilla latte and chocolate croissant for Ms. Angelica" sigaw nito at agad naman akong pumunta para kuhain ang aking order. Bumalik agad ako sa aking upuan dala ang aking order. Mabilis kong naubos ang aking chocolate croissant pero may natira pa rin na latte so umalis na ako ng cafe dala yon at habang naglalakad ay iniinom ko ito.

Agad akong nakabalik sa aking condo unit at nilagay ko ang code para magbukas ito. Pagkapasok ko ay agad kong hinubad ang aking jacket at saka humilata sa aking couch dahil sa sobrang pagod. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpahinga ng kaunti. Mga 20 minutes din akong nakapagpahinga kaya naman tumayo na ako at napag pasayahang maligo dahil nanlalagkit na ako dahil sa pawis ko kanina.

Matapos kong maligo ay gumawa na ako ng mga assignments ko dahil Saturday naman ngayon para wala masyadong hassle bukas. Magsisimba nalang ako at makaka-chill pa bukas.

Finally natapos ko na yung mga assignments at nakapag advance study na rin ako. Niligpit ko na yung mga gamit ko pagkatapos ay umupo ako sa may bar stool sa kitchen. Dahil nabobored ako at mga 12:30 palang naman ay naisipan kong mag update sa mga ganap sa social media. Scroll dito at like doon ang ginawa ko.

Maya maya pa ay nag ring ang phone ko at nakita ko yung pangalan ng bestfriend ko na si Nica na tumatawag. "Hello Ange!!!!" sigaw niya na ikinainis ko kahit kailan talaga napaka lakas ng boses nitong babaeng to "Ano ba Nica! Napakaingay mo daig mo pa paputok sa lakas!" singhal ko "Ano bang problema mo?" dagdag ko "Grabe problema agad bawal gusto lang kita ayayain mag pa-pamper? Tara sama ka sa akin nasa baba na ako sa may lobby. Bilisan mo aakyat na ako" sabi niya at saka binaba ang telepono. Oh diba galing nagtanong pa e hindi na ako maka hindi kaso paakyat na siya. May pagka kabute itong babaitang ito.

Pumasok ako sa aking closet at nagpalit na ng damit kaso feeling ko wala na akong damit kahit parang sasabog na yung kabinet ko. Pinili ko ang white v neck shirt and black ripped jeans then I paired it white a white sneakers. I curl the lower part of my hair then put it in a high pony. I heard a three loud knocks. Kilala ko na yan sino pa ba yung bestfriend kong kabute. Pinag buksan ko siya agad at pinapasok. Umupo siya sa couch. "Oh bakit ang tagal mo? Kala ko kanina nasa lobby ka na. Ano na traffic ka sa elevator?" sermon ko "sorry na ang traffic kasi around taft so ayun natagalan ako hehehe" sagot niya at ngumiti ng naiilang. "Tara na!" masigla kong sabi at hinila siya palabas at dinala ko ang black sling bag ko.

Ginamit nalang namin yung kotse niya. "Ano saan tayo?" tanong niya. "MOA tayo!" sagot ko sakanya. Gaya ng sabi ko pumunta kami ng MOA nag ikot ikot shopping dito shopping doon. Nagtataka ako kung bakit kami napadpad sa MOA Arena kaya naman di ko napigilang magtanong "Oh bakit tayo nandito?" curious kong tanong imbis na sumagot ay ngumiti lang siya ng nakakaloko at dire-diretso sa may ticket booth. Pagkatapos ay pumila niya doon at ako naman ay naghintay sa gilid. Maya maya ay iniabot niya ang isang ticket sa UAAP ADMU VS DLSU binasa ko iyon at napa "WHAT?! Ayoko nakakatamad kaya" sigaw ko tumawa naman siya "Wala ka ng magagawa nakabili na ako. Grabe ka suportahan mo naman player ng school natin" sabi niya "Ehh.. wala naman akong makukuha diyan. Mapapagod lang ako" irita kong sabi eh kasi naman ayoko talaga katamad kaya manood "ikaw nalang please pasama ka sa iba, tsaka meron naman nag bebenta sa campus bakit dito ka pa bumili?" tanong ko ulit "Nakalimutan ko at baka ubos na din yun. Sakto nasa MOA tayo kaya ayun bumili ka ako. Wag ka ng choosy daming gwapo dun lalo na yung Ricci Rivero! Pero loyal ako kay Brent!" sabi niya sabay tawa. "Ewan ko sayo! Bala ka nga diyan basta di ako sasama!" sabi ko sabay lakad ng mabilis. Nang matapos yung pag uusap na yon ay naghanap kami ng makakainan at matapos nun kumain ay iniuwi na niya ako sa amin.

Bigla siyang nagtext sa akin. Ay aba ang kulit naman nito

From:Nica panget
Oy bakla pag isipan mo! Sayang pera ko! HAHAHAHA

To:Nica panget
Balakajan! Ikaw may gusto niyan e! Matutulog na ako. Bye Good night!

Inisip ko ulit kung sasama ba ako bukas pero ang sabi ko sa sarili ko "wag nalang katamad e". At doon natapos ang araw ko. Natulog na ako dahil sobrang napagod na ako sa mga lakad ko kanina.

Love don't changeWhere stories live. Discover now