Chapter 6: An Unexpected Double Date? Part 1

Start from the beginning
                                        

*Kring* *Kring* *Kring*

Nagising ako dahil may tumatawag, di ko na tinignan kung sino, sinagot ko na lang agad.

"Hey!" medyo bangag ko pang sagot

"Jeremy? Ikaw ba 'yan?" nang narinig ko yung boses ni Mina, nanlaki mata ko at inayos ko yung sarili ko kahit di niya ako nakikita.

"Ay! Hello! Mina! Hello!"

"Jeremy, pwede mo ba akong samahan sa mall para bumili ng ga supplies para bukas? Kung free ka lang naman" sabi niya sa akin. Ewan ko kung tama ba yung naririnig ko. Ako pa niyaya ni Mina, ba't di si Belle?

"Oo! Free na Free basta para sa'yo eh! I mean, anong oras?" naririnig ko na pinipigilan niya yung tawa niya.

"Mga 1:00? Kita na lang tayo sa Mall! Para di abala sa'yo"

"Hindi okay lang! Sunduin na kita diyan! Wag ka nang tumanggi! Sige Bye!"

Sa sobrang tuwa ko di ko nakita yung oras na 12:20 na pala. Naligo ako ulit at nag-bihis ulit. Ngayon yung suot ko mas presentable talaga, parang sa date! Wait date ba 'to? Ah! Friendly date, friends pa LANG naman kami eh! Hintay lang.

Pinahanda ko na ulit yung kotse kay yaya

"Yaya, paki-handa ulit yung kotse"

"Anobayan, tas di naman matutuloy yung lakad" bulong niya habang palabas ng pinto

"Ano? May sinasabi ka?" tanong ko at napatigil siya at lumingot at sinabing

'Wala po sir!"

Naka-alis na ako ng bahay ng mga 12:45! Diba bilis ko ma-ligo at magbihis. Habang nasa kotse eh naisip ko kung ano yung maraming gagawin ni James, at di natuloy yung pagpunta ko dun! Nagpapasalamat ako kay James, dahil kung natuloy yung pagpunta ko sa bahay nila, eh di hindi ako free. Hahaha!

Nakarating na ako sa bahay nina Mina ng saktong 1:00. Naka-abang na siya sa tapat ng bahay nila at pumasok agad sa kotse ng tumigil sa harap ng bahay nila.

"Hi! Mina!" sabi ko agad, pagka-pasok niya ng kotse

"Hi! Jeremy!" sagot niya agad

"Thank you pala ah!"

"For what?"

"For inviting me and James for your birthday tomorrow."

"Okay lang yun. Thank you rin"

"Para saan?" tanong ko. Bakit naman siya nagpapasalamat sa akin? May nagawa na ba ako?

"Thank you, dahil sinamahan mo ako pupunta ng mall. At sinundo mo pa ako ng kotse mo."

"Okay lang yun. Tanong ko lang. Bakit di si Belle niyaya mong samahan ka?"

"May gagawin daw siya today eh! Di ko na-itanong so ikaw na lang niyaya ko."

"Ah! Haha.. Sige"

After 30 minutes, eh nakarating na kami sa Mall

"So, First Stop natin eh SuperMarket, for the snacks, drinks, tissues etc" sabi niya sa akin

"Sure! Let's Go!"

Pagdating namin sa supermarket, ang una namin binili, eh siyempre chichirya. Nag-away pa kami kung ano ang mas masarap kung Piattos na blue or Piattos na Green

"Piatos na Green, mas marami ang kakain nito! Promise!" Sabi ko, dahil mas masarap naman talaga ang Piattos na Green

"Hindi! Mas masarap pa rin yung original na Piattos na blue!" sabi naman niya

Mukha kaming baliw sa supermarket dahil nag-aaway kami dahil sa isang simpleng bagay na katulad ng chichirya. So at the end kinuha na lang namin parehas. 15 na Green at 15 na blue. At iba't- ibang klase ng chichirya. Dumiretso naman kami sa Drinks at bumili ng (5) 1 gallon na tubig at (10) 2 liters ng iba't ibang softdrinks. Pagkatapos ay bumili na kami for hygiene and medical kit. Bumili kami ng tissue, toothpaste, betadine, bulak, alcohol etc. Pagkatapos ay dumiretso na kami si counter

After na pinunch lahat. Ang total ay 5k+ Nilabas ni Mina pera niya dala niya lang ay 3k.

"Ako na Mina, wag mo na ilabas pera mo." sabi ko sakanya.

"Uhm.. But"

"No, buts"

"Thank you Jeremy!"

"Your Welcome"

After namin pumunta ng supermarket, pumunta kami ulit sa parking para ilagay na yung mga grocery sa trunk ng kotse, para di hassle ang pag-libot sa mall. Pagkatapos ay bumalik na kami sa Mall at tinanong ko siya

"Oh? Saan na tayo pupunta?"

"Wanna grab a coffee?"

"Sure, 3:00 pa lang naman eh!" sabi ko, at dumiretso na kami sa Starbucks.

After ay umorder na kami ng coffee at humanap na ng table. After 10 minutes of talking ay sabi niya,

"Wait lang ah!"

"Saan ka pupunta?"

"Powder Room"

"Ah! Okay!"

Kinakabahan ako baka iwanan niya ako dito sa coffee shop at ma-Belle Villanueva ako. Hahaha . Pero after 10 minutes ay bumalik na siya.

"Oh! I'm back" sabi niya. Pero nakatingin ako sa dalawang taong pumasok sa coffee shop

"What are you staring--" napatigil siya at tumingin sa pinto. "Oh My God"

"James!" sigaw ko

"Belle!" sigaw ni Mina

At sabay silang dalawa tumingin sa amin at ang facial expression nila ay parang sa amin ni Mina, shock na schock. Napatayo ako at lumapit kami ni Mina kayla James at Belle.

"Ano ginagawa niyo ditong dalawa?" sabay sabay kaming apat

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now