Chapter 27 - God is with us (2)

Start from the beginning
                                    

“Mommy, cry. Mommy cry.”Natigilan silang parehong magkapatid sa munting boses at napitingin roon. It was Ysa and worriness was shown on her face. Nag-aalala sa kanyang ina. Kaagad niyang pinunasan ang luha at pareho silang nagbitiw sa pagkayakap at sabay na lumuhod sa harap ng maganda niyang pamangkin.

“Masaya lang si mommy, Ysa.” Hinaplos ni Belle ang mukha ng kanyang anak. Sumugo ang anak nito at yumakap sa leeg ng ina. Napangiti siya dahil roon.

“Ytha mahal mommy.” Lalong lumaki ang ngiti niya sa narinig. Tumingin sa kanya si Belle na nagpupunas na ng luha.

“Mahal din ni mommy si Ysa.” Sagot ng kapatid. “Baby, hindi ba sinabi ko sa’yo meroon big sister si mommy?”

“Uhm.” Sagot lang ng pamangkin niya at bumitaw na sa pagkakayakap sa ina.

“Siya iyon big sister ni mommy. Si Tita Liv.” Lumingon sa kanya ang pamangkin at pinagmasdan lang siya.

“Tita? Nay Liv!” Napangiti siya.

“Nanay Liv?” Tanong sa kanya ni Belle.

“Nanay Liv ang tawag mo sa akin, Ysa. Iyon din kasi ang tawag sa akin ni Emmanuel.”

“Sino si Emmanuel?” Manghang tanong ng kapatid. Ngumiti siya ng malaki. Mukhang wala pang nababanggit ang asawa niya.

“Anak ko…I mean, anak namin ni Boaz.”

“Ni Tatang?!” Hindi makapaniwalang tanong ng kapatid. Nagulat pa nga ang pamangkin sa pagkakasabi ng ina. Tumango siya at ngumiti ng malawig. “Oh my goodness! Kuya ko na si Tatang?!”

Natawa na lang siya sa reaksyon ng kapatid. Iyon ata ang hindi nagbago sa kapatid.

“Oh ate!” Niyakap ulit siya ng kapatid. Kanina pa sila nag-iiyakan dahil sa kwentuhan. Ang mga anak nila ay parehong nasa mga ama nito at mukhang binigyan sila ng espasyo at oras para mag-usap ng masinsinan. At sinabi niya ang lahat. No holds barred. Ayaw na niyang maglihim sa kapatid. At karapatan din ng kanyang kapatid ang malaman ang lahat. “Kung ako ang dating Belle, ate, mata lang ang walang latay diyan sa yumao mong asawa.” Natawa na lang siya pero alam niyang maaring gawin nga iyon ng kapatid kung hindi pa ito nagbago. Siga at basagulera si Belle. Wala itong inuurungan kahit lalaki. Natandaan niya noon highschool ito at nakipagbugbugan sa eskwelahan sa grupo ng mga lalaki kasama ng barkada niyang puro lalaki rin. Wala noon ang mga magulang niya kaya siya ang pinatawag ng school dahil napaguidance ito. Hindi niya mapigilan ang pagsilay ng ngiti. Totoong ang Diyos lang ang tanging may hawak ng ating puso at siya lamang ang maaring makapagpabago noon. God has been gracious to Belle and to her.

“Are you alright now ate?”Tumingin siya sa kapatid at tumango.

“Salamat talaga sa Diyos sa lahat ng ginawa niya sa buhay ko. Ang mga taong nakilala ko sa hacienda at si Boaz. Sila ang naging pamilya ko. At si Boaz…siya ang naging instrumento ng Diyos para sa pagmulat ng mata ko. I’m very grateful to God for giving me Boaz.” Ngumiti ng malaki si Belle sa kanya. Mukhang tanggap na nito ang namamagitan sa kanila ng asawa. Kanina lamang ay halata ang pagkashock nito.

“Si Tatang talaga!” Salita pa ng kapatid. “Gusto ka niya atang masolo ng matagal kaya tinago ka sa amin.” Napangiti siya ngunit umiling.

“It was my own decision, Belle and Boaz respected it like a true gentleman.”

“Pero di talaga ako makapaniwala na sa huli kayong dalawa. Hay… Si tatang talaga—ay dapat kuya na pala. Ate ang hirap tawagin kuya si tatang!” Natawa siya.

“Ikaw talaga. Buti hindi naasar sa’yo si Boaz at tinatawag mo siyang tatang.”

“He is way older than me, ate. Way older. Parang anak na nga ako nu’n kung ituring.”

The Man After His Own HeartWhere stories live. Discover now