Chapter 2

2.5K 30 6
                                    

[Chapter 2: Me and My Miserable Life]

Nandito kami ngayon sa loob ng classroom. Hindi magtuturo teachers namin ngayon. Pinag-utos ko bakit? Just kidding. May meeting sila. Hindi ko ginagamit ang authority ko para lang magpahinto ng klase. Kung ayaw ko mang mag-attend, I will skip my classes.

"YELENA HIKARI HIGURASHI !!!! NASAAN KA ??? MAGPAKITA KA SAKEN !!! WAG KANG DUWAG !!!!"

What? ano yun?

Then biglang may nagbukas ng pinto sa classroom namin at nakita ko ang galit na galit na si Ms. 5-star Hotel. Remember her?

"HOY ANONG SINASABI MO JAN HAA??? GUSTO MO TALAGANG MALINTIKAN?!?" sigaw ni Chrystine, ayaw niya din namang may umaaway sa mga kaibigan niya.

"Wait. Lemme handle this." I said in a calm voice. I'm sitting infront, above the teacher's table to be exact, my legs crossed. Chrystine and others are sitting ahead of me. My classmates are having their own chit-chats and they stopped when this freaking girl screamed. Ngayon we caught all their attentions.

Tumayo ako sa unahan at pumasok na din naman siya. 

"Anong kailangan mo?" I asked.

"IKAW ANG KAILANGAN KO! B*TCH." narinig ko namang napa-gasp at nagulat ang lahat.

"Nasisiraan na ba ang babaeng yan? Lagot siya kay Ms. Hikari! Wala pang nakakapagsabi nun sakanya!"

"Para na siyang nagsu-suicide sa ginagawa niya."

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sinabi niya.

"HOY KAYONG LAHAT MAKINIG KAYO! ETONG BABAENG TO KAYA GANITO ANG UGALI KASI WALANG NAGMAMAHAL SAKANYA! SIYA ANG DAHILAN KAYA NASIRA ANG PAMILYA NILA KAYA PURO PERA AT KAPANGYARIHAN LANG ANG ALAM NIYA. HAHAHAHAH! KAWAWA KA HIGURASHI."

"Bawiin mo ang sinabi mo." I gnash my teeth. Kung kanina kalmado pa ko, ngayon hindi na. At ang kapal ng mukha niya tawagin ako sa surname na yun. Sht.

"Haaa? Bakit ko babawiin? Kilala na kita at hindi na ko matatakot sayo."

"Sabi ko bawiin mo ang sinabi mo." my voice low but reprimanding.

"Wala akong babawiin Higurashi. Mahirap na naman kami kaya wala na kong dapat ikatakot sa---"

"YOU F*CKING CREATURE!" sabay sampal sakanya ng malakas.

Galit na galit ako. Nanggigigil ako. Ang kapal ng mukha niyang sabihin ang lahat ng yon.

Hinawakan ko ang kwelyo niya at sinuntok ang mukha niya ng paulit ulit. Pagkabitaw ko sa kwelyo niya, bumagsak na siya sa sahig.

Ayokong umiyak. Ayokong ipakitang mahina ako. Pinipigilan ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ko sa pamamagitan ng pagsuntok at sipa ko sakanya.

Ngayon, nakabulagta na siya sa sahig.

"Na-nakaka-awa ka Hi-gurashi." hirap na siya magsalita pero malinaw pa din yun sa pandinig ko, na naging dahilan para mas manggigil ako sa sobrang galit.

Kinuha ko ang bagay na pinakamalapit saakin at tinangkang ihampas sa mukha niya ng biglang may humawak sa kamay ko.

"Alyana Hikari! Tama na!"

"Louie?"

"Tama na please." kinuha niya yung flower vase sa kamay ko at hinila niya ko palayo.

Sumakay kami sa kotse niya at dinala niya ko sa restobar nila Mitch. Buong byahe walang umiimik saamin.

Pagkarating, binigyan niya ko ng pineapple juice na lagi kong inoorder.

Hinawakan niya ang kamay ko. Pinilit niyang ikalma kasi nakakuyom pa din.

"Buong byahe yang nakaganyan." hindi ko namalayan yun.

"Ramdam ko sobrang galit na galit ka dahil sa mga sinabi niya." hindi pa din ako naimik.

"Alyana Hikari naman." Tinatawag nya lang ako sa buong pangalan kapag galit siya saken o kaya sobrang saya, lungkot o nag- aalala.

Niyakap niya ko at tinap ang ulo ko.

"Sige iiyak mo lang." sabi niya.

At dun, bumuhos na ang luhang kanina ko pa pinipigil. Sama samang lungkot, galit at sama ng loob ang nararamdaman ko.

"Ang kapal niya Louie. Wala siyang alam! Wala siyang karapatang kaawaan ako! Hindi ako mahina!"

"Lahat ng tao may kahinaan, tandaan mo yan. Wag kang mahiyang ipakita yun minsan."

"Ayoko... Hindi pwede.....Ayoko ipakitang mahina ako....baka... baka abusuhin nila ko.." he's the only person that can see my weaknesses, bukod kay mommy. Si Lulu ang takbuhan ko. Siya ang nakakaalam kapag may dinadamdam ako, kahit hindi ko pa man sinasabi sakanya. Alam niya na. I'm very lucky to have him as my bestfriend.

Pagkatapos nun. Hinatid niya ko sa bahay.

"Tadaima~" (I'm home) I said lazily when I stepped inside our house.

Sumalubong saakin ang nag-aalala kong mommy at ang katulong naming kumuha ng gamit na bitbit ko.

"Hikari! Dokokara kitano?" (San ka galing?)

"Chotto soko kara." (dyan lang)

"Saang dyan lang? Aba at inabot ka na ng gabi."

"Ay tita, sorry po medyo ginabi kami. Nasa BlueMoon Restobar lang naman po kami maghapon." narinig ata ni Louie na mukhang papagalitan ako kaya lumabas na siya sa kotse at nagpakita kay okasan.

"Ah ganun ba? Kasama ka naman pala niya." Psh. Malaki talaga ang tiwala ni okasan kay Louie, pano kilala na niya mula pagkabata, kasi nga di ba sabay kami lumaki. There are times nga na hindi ako pinapayagan ni mom sa mga out of town trips namin ng mga kaibigan ko, pero kapag nalaman niyang kasama si Lulu napayag na din siya.

"Louie, kumain ka na ba? Dito ka na din magdinner." tanong ni okasan sakanya.

"Okey po, hindi ko po tatangghihan yan mommy Ellaine." he said and winked at me. Baliw talaga 'to.

Nasabi ko na ba sainyo? Haluhalo ang lahi namin dito kaya mahihilo kayo. Si Louie, half korean pero lumaki siya sa Japan kasi may business silang malaki doon kaya nagkakaintindihan kami. Ako naman half japanese, tumira ako sa japan kung saan nakilala ko si Louie pero kalaunan naman lumipat na din kami sa Pilipinas for some f*cking reasons. Nakakapagsalita pa naman ako ng 'konting' japanese

kapag andito lang sa bahay gawa ni mom. Saka kapag may hindi kaaya ayang pangyayari, yun napapanihonggo ako. In fact, dumating ako sa panahong gusto kong ipagtabuyan ang lahing hapon ko. But they told me a lot of things para mawala yun sa isipan ko.

Pagkatapos namin kumain at ang pagchi-chismisan ni Lulu at ni Mom, hinatid ko na si Lulu sa labas ng bahay kung saan nakapark yung kotse niya, hindi niya pinark yun sa mismong parking lot namin kasi akala niya hindi siya magtatagal, tho okey lang kasi wala namang ibang darating.

"Yah~ Lulu, otsukare sama desu." (salamat sa tulong mo.)

"Hm?"

"Aysh." I pouted. He wants me to say thanks again, sobrang minsan ko lang kasi sabihin yun. And for a person like me, it takes ton of guts to say those words again.

"Kawaii~ haha!--" (cute) tapos kinurot nya yung pisngi ko. "--doitashimashite." (you're welcome) tapos nagsmile siya saken. Aw, ang gwapo talaga neto.

"Sore dewa mata ashite. Bye-bye." (see ya tomorrow) then pumasok na siya sa kotse niya, kumaway at tuluyan nang nakalabas ng gate ng mansion.

Hindi ko alam kung ano nang mangyayari saakin kapag nawala si Louie. Sakanya kasi ako nakadepende sa ibang bagay. Siya lang din ang nakakakilala ng lubusan saakin. May mga alam siya na hindi alamng mom ko. He's very special to me. I'm very happy to have a bestfriend like him.

Sabi nang iba baka daw nagkukunwari lang kaming mag-bestfiends. No! Sobrang magkaibigan lang talaga kami. Hanggang don lang yun.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Filthy Rich DamselWhere stories live. Discover now